Chapter 41: Mukhang Badtrip. =____=

20.4K 113 21
                                    

Buti gumanda na ang panahon, nagpatawag pa naman ng meeting si Kuya Nico kasama yung school nila ni Warren para sa gaganaping sports camp. Sabay kaming pupunta dun ni Warren pero habang nagbebreakfast kami ngayon ni Kuya Nico eh sumama na daw kaming dalawa sa kanya. Sasabihin ko na lang siguro kay Warren pagdating.

*Doorbell*

Napatayo ako sa kinauupuan ko kahit na may bacon pang nasa bibig ko at may hawak pa akong tinapay sa kamay.

Napatingin sa akin si Kuya Nico.

"Aba Rachel. Kelan ka pa naging ganyan?!"

Patay. 

"tega. chachaluboongin sa absajsba" ubo ubo.

"Upo! Ako na magbubukas ng gate"

Ang aga galit na agad si kuya Nico >____________<

Bako siya tumayo eh nanermon pa siya.

"Boyfriend mo na nga ganyan ka parin kung kiligin"

Napayuko na lang ako.

Masisisi ba ako ni Kuya Nico? Eh si Warren yun eh. 

Narinig kong nagbukas yung gate. Pumasok na si Kuya Nico tapos sa likod niya ay si Warren. Naka-dark green na shirt at pants siya. Sneakers at may hawak na payong. Nakakunot yung noo eh ang aga aga. Badtrip din ata siya.

Lumunok ako agad at uminom ng pineapple juice at sinalubong ko na siya ng isang malaking yakap.

"Good Morningggggg!" Nag tiptoe pa ako para maabot siya. Hinalikan ko siya sa may pisngi and I felt na ngumiti siya. Ayos tanggal na ang pagka-badtrip niya.

"Good morning too For"

He  was about to hug me also nung nagsalita ulit si Kuya Nico.

"Ehem Ehem. Rachel. Di pa tapos yung kinakain mo ah"

>______________<

Strike two

"Kuya Nico naman. Ang aga-aga ang init ng ulo mo". Kinuha ko yung kamay ni Warren tapos dinala siya sa may dining table.

"Nag-breakfast ka na? Umalis ng maaga si lola at si Sasha kaya madami pang pagkain."

"Okay na ako"

Tumingin ako sa kanya. "Tapos ka na ba kumain sa inyo?"

"Hmm"

"Weh? Di ka pa kumakain eh. I know. Upo na dito ka sa tabi ko"

"Elise" si kuya Nico yun, lagot talagang galit na siya pag ganyan "Ang pagkain mo pinaghihintay mo"

>_______________<

Strike Three.

Napatingin ako kay Warren.

"Finish your food"

Pati siya seryoso. Ano bang ginawa ko at etong dalawa eh badtrip agad.

Umupo na ako at sumunod na rin si Warren sa pag upo. Binibilisan ko na yung kain ko nung nagsalita ulit si Kuya Nico. "Mabilaukan ka. Wag mong hintayin na banggitin ko ang huling name mo"

Ganun kasi si Kuya Niko.

Pag first name, Warning.

Pag second name, Totoong galit na

Pag last name, Boom. Sumabog na ang galit.

Nagulat ako nung inabot sa akin ni Warren yung baso ko na may pineapple juice.

"Here, drink"

Nginitian ko siya at ininom yun.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon