Chapter 28: Angry Birds

22K 130 50
                                    

Ewan ko sa kirot na nararamdaman ko sa puso ko. Natatakot ako isipin na mahal ko narin si Patrick. Mali naman yun. Ano sabay sila ni Warren? Kaso gusto kong tumakbo sa kanya ngayon tapos pigilan siya. Yung kaninang sinabi niya? Am I really looking at him? Sino ba naman ang hindi diba? Marami akong gustong itanong kay Patrick kaso saan ako magsisimula?

At kailangan pa ba?

iiwan na niya ako diba?

Dumeretso ako sa cr nun at inayos ang sarili ko. Pagbalik ko sa table, wala na si Patrick at Mel. Wala pa rin si Warren sa upuan niya. Nung tinanong ko sila Charles sabi nagpahangin lang daw. Lumabas ako ng cafe para hanapin si Warren.

Magulo na ang isip ko. Masyado akong makasarili kasi nagpapanic ako na mawala sa akin si Warren. Nagpaikot ikot ako just to see him na nakasandal sa kotse niya. Nilapitan ko siya.

"Warren ayos ka lang?" Nakayuko kasi siya and I want to see his face so badly.

"Ayoko na ulit maglaro ng truth or dare" humarap siya sa akin tapos ngumiti ng malungkot.

"Warren"

Gusto ko siyang yakapin. Yung expression na yun ang ayaw ko makita kay Warren. Mas okay pa na makita siyang magalit or magtampo wag lang ganito yung tipong nasasaktan na siya pero kinakaya niya lang. Lagi ko na lang siya sinasaktan. Simula pa lang nung magkakilala kami sinasaktan ko na siya. By that time its Charles, ngayon naman si Patrick.

Hinawakan ko yung mukha niya ng dalawa kong kamay. "Sorry dapat tumanggi na lang ako"

Hinawakan niya yung mga kamay ko "Dont be. Dare naman yun diba? Ayoko lang kasi yung naramdaman ko kanina. Si Pat yun. dapat walang ika-selos kaso tinamaan parin ako eh."

Bigla ko siyang niyakap. Siguro panahon na para sabihin sa kanya. Ang hirap itago ng mga ganitong bagay at gusto ko na siyang wag saktan. Kung di man niya ako pansinin pagkatapos nito ayos lang. Ang mahalaga ako ang magsabi sa kanya. Siguro dun kahit papaano mababawasan ko yung guilt na nararamdaman ko at sana kahit alam kong maliit ang tsansa mabalik namin yung dati after ng mga revelations na sasabihin ko.

"Warren, Mahal kita. Mahal na mahal kung pwede nga lang ibigay ko na tong pendant of my name sayo matagal ko nang ginawa kaso sabi mo sa right time. Kelan ba ang right time na yun?"

Next thing I know kumalas si Warren sa pagkakayakap sa akin tapos hinawakan niya ako sa kamay at pinasok sa backseat ng kotse niya. Pumasok din siya. Nakaharap siya sa akin ngayon. Galit ba siya? Hindi niya sinagot yung tanong ko eh.

"Can I steal a kiss from you?"


Nagulat ako sa sinabi niya sa akin. Wala akong naisagot.

"Sorry. Nawala ako sa sarili ko. Tara bumalik na tayo sa loob at magpaalam. Iuuwi na kita."

Binuksan niya yung pinto para lumabas kaso hinila ko yung damit niya.

Ewan ko kung bakit ko siya pinigilang lumabas. Basta alam ko di ko narin kayang pigilan ang sarili ko. Gusto kong ibigay yung gusto niya.

"Bakit?" tanong ni Warren.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon