Chapter 17: Small kisses

24.6K 182 39
                                    

Guys, dahil excited na akong gawin yung mga naiisip ko sa story eto na yung update. Pwede makiusap? Maki-react po kayo through comments para ganahan po akong gumawa. :))Please. Yung next update pag marami na akong nakitang reactions.

Baka tamaan po kasi ako ng tamad at medyo kinukuha ni *ANO* at ng panunuod ng NARUTO yung attention ko.

Please.

Salamat. :'>

HAPPY READING <3333333333

_________________________________________________________________________________

Ewan ko ba parang nakalimutan kong umihi. Nung natapos ako ayun napa-buntong hininga talaga ako. Nung naghugas ako ng kamay, I saw yung mga suot ko. Warren's wristband sa right at Patrick's baller sa left.

Sabi nila pag binigyan ka ng bracelet ng isang tao yung bracelet na yung parang handcuffs or posas na nagkakabit sayo sa kanya. Eh pano ba yan dalawa yung akin? :((( Di nga siya bracelet pero diba accessory din yun? Na-iimagine ko tuloy na nakatayo sa right side ko si Warren tapos si Patrick sa may left habang nakatingin ako ngayon sa salamin.

Hay. Gulo nga ata to.

Teka, hindi naman ako pwede lumabas ng suot to diba? kelangan ko mamili ng huhubarin. kaso kanino? kanino yung tatanggalin ko sa kamay? Pag kay Warren baka magtampo yun eh pag kay Patrick naman nako baka anong gawing pangaaway nun sa akin. Now tell me mirror, Kanino???

Is it the wrist band or the baller?

Which one should I let go?

___________________________________________________________________________

Bumalik na ako sa Gym. Ang laki ha Infairness. Balita ko daw defending champion ang men's basketball nila Warren for 2 consecutive years. Sabi nila dahil daw yun sa rookies nila na si Warren at Patrick. Kaya naman pala dati pag may laban ang school nila sa school namin parang lahat ata ng babae nawawala para manuod maliban sa amin na nasa practice ng volleyball. Ganun ba sila kagaling? Ngayon makikita ko.

Umupo ako sa bench opposite kung saan nakapwesto yung team nila Warren. Di naman ako nagiisang manuod dito. Yung iba atang teammates niya ang dala ay family at girlfriends, I supposed. Nakita ko si Warren at si Patrick na kausap yung matandang lalaki. May tinuturo sa kanila dun sa may white board. Baka yun yung coach nila. Nakajersey na sila. Black jersey. Angat tuloy yung kaputian ni Warren.

Tumingin siya sa akin. Tapos ngumiti ng malaki. (*___________*) (>///////////////////////////<)

Naman. Lumingon pa ako sa kanan at kaliwa ko. Baka di sa akin yung ngiti na yun eh. Lumapit siya sa akin. Tumatakbo.

"Ray, Ipapakilala kita sa Best friend ko." Tumalikod siya tapos tinawag niya si Patrick. "Pat!"

Nakatalikod nun si Patrick habang umiinom paglingon niya mukhang bad aura. Eh kasi siguro nakita niya ako. Ako na sumampal sa kanya. Naman.

Lumapit si Patrick sa amin. Naglalakad lang siya nun ang bagal. Grabe at yung mata niya na ang sungit sungit eh nakafocus lang sakin. Gaganti ba to? Di ba niya alam na dapat di pa alam ni warren na magkakilala kami?

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon