Chapter 32: The Answer

21.5K 151 49
                                    

Hindi ko alam kung anong meron sa mga paa ko at bakit ako papunta sa St Benedict's. Ngayon yung grand presentation ng ballerina dance nila monica at syempre kasama dun si Maxene. Hay ayoko naman talaga pumunta dito eh kung di lang ako sinundo at kinaladkad ni Charles sa bahay namin. Dapat kasama si Sasha eh kaso busy sa quizcon na sasalihan. Ang hirap maging matalino eh. Siguro di naman aabot sa kaladkaran kung ayos na kami ni Warren at okay lang sa akin na anytime makasalubong ko siya dito sa school niya.

Kaso hindi pa rin kami bati. :'(

Hindi niya ako tinetext at tinatawagan. Hindi rin siya dumadaan sa bahay. After that kiss, he was gone like a bubble that popped. Galit ba ako sa kanya? Hindi dahil nasasaktan ako sa kanya. I want an explanation kaso bakit hindi ako makapagdemand. Hindi naman kami eh. 

What's happening to him?

What's happening to us?

Naisip ko tuloy na baka hindi kami talaga para sa isat isa. Pag may magandang mangyayari susunod na agad yung masama. Masyadong natetest kung anong meron kami. Nung una yung past ko kay Charles then yung pakikialam ni Patrick and then now yung love ni Maxene kay Warren. Nakakapagod na. Pero di ko siya kayang bitawan. Mahal ko eh. Kahit naman sino maiintindihan ako. Yun na yung rason ko. Mahal ko siya kaya ang hirap bitawan. Pinaghintay ko din naman siya diba? Maybe its the right time na ako naman ang maghintay sa sagot niya.

"Huy, ngumiti ka naman. Andito tayo sa school ng labs mo oh!" sabi ni charles yan sakin halatang di niya pa alam at ganito pa ang sinasabi. Wala pa akong pinagsasabihan kahit si Sash baka makagulo pa yun sa quizcon niya.

"Medyo pagod lang ako."

"Nabalitaan ko nga na puro ka daw volleyball practice. Tsk, by the end of the school year alam na na ikaw ang mapipiling team captain"

"Nako gusto ko lang talaga maglaro"

Sa totoo lang pinapagod ko talaga ang sarili ko sa volleyball para mawala yung mga hinanakit ko. Effective pala talaga yung mga ganun. Kailangan ko ng distraction kundi puro si Warren lang iisipin ko.

Andito na kami sa tapat ng auditorium. Ang daming tao. Lahat sila sosyalin ang suot eh kami ni Charles naka school uniform lang. Eto ba talaga yung grand presentation ng ballet nila Monica? Eh bakit ang daming tao karamihan pa parang matatanda. Punong puno ng mga bulaklak tapos may red carpet pa. Naka-tuxedo pa yung mga lalaki at formal dress yung mga babae.

"Sure ka bang event to nila Monica?"

"Oo. Ano ka ba siya rin nagaya sayo diba?"

"Oo kaso bakit parang di tayo belong? Baka kasi mapagkamalan tayong gate crasher mukha kasing walang pasok ang mga estudyante ngayon" Wala kasi akong nakikitang naka-uniform lahat naka-ayos.

"Hindi yan no. I have an invitation" pinakita niya sa akin yung invitation niya.

"Charles, Patay!" dun lang nagsink in sa akin na sa kakapilit sa akin ni Charles na pumunta dito kanina nakalimutan ko yung invitation na bigay sa akin ni Monica.

"Bakit?"

"Nakalimutan ko yung ganyan ko"

"Bakit mo kinalimutan? Alam mo namang di ka papapasukin pag wala nun diba?"

"Eh ikaw kasi pilit ka ng pilit sa akin"

"Pano yan Rachel?"

"Go, pumasok ka na sa loob. Girlfriend mo pa rin naman yung sasayaw. Kailangan makita ka niya tsaka baka andyan din family ni Monica"

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon