Chapter 23 (part 1): Bagay tayo eh noh? :)

23.1K 147 66
                                    

Nakakapanghina yung text message galing kay Warren.
All this time I am not aware.
Kung ano yun?

From: Someday

Future! Bday nga pala ni Pat ngaun. Pabati nman siya. Di umattend ng practice un. cguro ngpakasaya. Uy, bukas nga pla. 1pm. See u my Valentine. Malaking yakaaaaap =)

Birthday ngayon ni Pat? Kaya ba special day niya? Kaso hindi naman sapat na rason yun para halikan niya ako diba? Naiinis ako lalong lalo na sa sarili ko. Bakit parang ang tanga ko? Shemai naman oh. Shemai talaga.


Nawawalan tuloy ako ng gana magpakita kay Warren bukas. Pano ko siya haharapin eh may kasalanan ako sa kanya? Saan ko man tignan kasalanan ko to.

I know Warren is the right guy for me kaso am I right girl for him?

Parang hindi =(

______________________________________________________________________________

February 14; Saturday


10 am na pero nadito pa rin ako sa kama.Hindi na ako naiyak. Nakatulala na lang ako sa kawalan. Andami kong naiisip ngayon. Mabuti pa yung single na nabibitter sa valentines kasi ngayon lang yun bukas okay na ulit siya eh ako? May lovelife nga ang gulo naman. Ano bang mukhang ihaharap ko kay Warren? madali akong makonsensya no. Hindi ko pa nga siya nakikita parang nanghihina na ako what more kung makita ko na siya.

Kaya niya kaya akong tanggapin?


Kumatok sa kwarto ko si Sasha

"Insaaan! Yohoo. Gising ka na ba? May pinapaiwan sayo si Warren. Dumaan siya kaninang alas-siete"
"Ano ba yan?" inayos ko yung boses ko.
"Ewan insan, nakabalot eh"
"Paki-lusot na lang sa ilalim insan kung kasya nagbibihis ako eh"
"Okay"

Sa totoo lang ayoko lang makita niya yung mata ko na namumula parin at magang maga na. Hindi pa rin ako naliligo andito pa rin ako sa kama. Nung nilusot na ni Sasha yung regalo agad ko namang pinuntahan yun.

Nakaupo ako ngayon sa tabi ng pintuan habang tinititigan yung regalo. May small card pang nakadikit dito.



Future,

Happy Valentine's day

Wear this with the wristband.
See you later.

Love,
Someday


Nakabalot pa sa red na may puso puso yung regalo. Ano kaya to? mukhang malaki eh. Nung buksan ko its a t-shirt na red na may white prints na "Future ni Warren". Napayakap ako dun sa tshirt. Miss ko na si Warren. Kung pwede lang maging selfish, he needs to know right? Kahit masira tong Valentines day na to para sa amin kaso pag naiisip ko na sisirain ko yung plano ni Warren nanghihina ako. Ayoko siyang nakikitang nalulungkot.

Lord, help me.


Naligo na ako tapos sinuot ko yung shirt na bigay ni Warren nag shorts na maong at shoes na blue. Syempre sinuot ko din yung wrist band na may "Warren" na nakalagay. Yung buhok ko naman ayun pinig-tail ko nalang. Para tuloy akong bibisita sa park nito or mag-mamall. Sana angkop sa date namin ni Warren. Yung gilid ng mata ko dahil maga tinapalan ko ng concealer. Turo ni Sasha sakin di ko akalaing magagamit ko. HAHAHA. Kumain ako ng breakfast at talagang nagbabad sa tv. Nanuod ako ng Showtime para naman maalis yung worries ko. Salamat kay Vice Ganda. =)

mga 12:30 nang dumating si Warren sa bahay. Nung lumabas ako sa gate kausap niya si Sasha.

"Ayos na ba lahat Warren?"
"Oo naman, si Ray?"
"Teka tatawagin ko lang"

Di na dumeretso si Sasha nung nakita nila ako.

"Naks, insan bagay sa inyo yang suot niyo ah! Bagay na bagay kayo!"

Kasi naman Couple shirt pala tong suot namin. Yung suot ni Warren red din na ang naka-print ay "Someday ni Rachel"

(>/////////////<)

Hindi kami makatingin sa isat isa. Kasi naman tong naiisip ni Warren ang chessy kaya pero cute. Suot niya naka maong pants with the one of the couple shirt tapos naka-wrist band din siya ngayon rubbershoes na white at necklace.

"Ano tatahimik na lang kayo? Warren umalis na kayo diba saktong 1pm magsisimula yun?"tinutulak na kami ni Sasha palabas ng gate. "Magpakasaya kayo ha? Ingat. Babay!" tapos sinara niya na yung gate

Ni wala pa atang gustong magsalita sa amin ni Warren eh kasi naman nakakahiya kaya na ganito pala yun. Naman first time ko kaya.

"I think we should go now"

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon