Chapter 8: Real side?

27.1K 189 15
                                    

Huminga ako ng malalim. Tapos inayos yung sarili ko. Bumalik ako sa shop.

"Mam ayos lang po ba kayo?" Nagalala ata tong si manong Ramon ah.

"Ayos lang manong! ^_____________^" Pineke ko na lang yung ngiti, baka marami pang itanong tong si manong eh.

Papunta na ako sa counter ng biglang may humawak ng kamay ko.

"Gotcha!"

Pag tingin ko si Warren na ang laki ng ngiti sa akin. Nakatulala lang ako sa kanya. Iniisip ko tama si Patrick. Ano bang nakita sa akin ni Warren at lalapitan niya ako at makikipagkaibigan. Madaming ibang babae diyan. Madaming mas angat sa akin.

Napansin niya ata na tulala ako.

"Bakit? Is there something wrong?"

"Wala" Ang lungkot ng ngiti ko.

Binitawan niya yung kamay ko.

"Pauwi na kasi ako galing school so I dropped here. Okay na ba yung cakes ng Mommy ni Sasha?"

"Ahm di ko pa nakukuha."

"Ah, tulungan na kita."

"Warren"

Gusto kong sabihin sa kanya yung about kay Patrick kaso natatakot ako. Baka di rin siya maniwala sa akin kasi magkaibigan sila bestfriend pa nga eh. tyaka mas matagal na niyang kakilala si Patrick kesa sa akin. Ano ba naman ako para piliin niyang paniwalalaan?

"Hmmm?"

"Wala. Salamat!"

"May sakit ka ba? parang ang tamlay mo?"

Hinawakan niya yung noo ko.

"Wala no."

"Eh parang eh. Check lang natin"

Pinisil ko yung pisngi ni Warren.

"Ikaw talaga. Masyado kang mabait"

"Ehem. Mam Sir. baka langgamin na po kayo diyan?"

Yung crew yun. Si Alaisa.

"Alaisa, kukunin ko na yung orders ni Mam loyola. Si Sasha kasi tinatamad na pumunta dito." Lumapit ako na ako sa counter. Sumunod naman si Warren.

"Mam kayo na po ba ni Sir? Bagay po kayo"

"Ay--"

"Hindi PA. Magkaibigan PA lang kami. Diba Ray?" Sabat ni warren at talagang naka-emphasize yung PA. Grabe.

"Oo. Tama hindi KAMI." Napatingin sa akin si Warren.

Litong Lito na si Alaisa sa amin.

"Sir bilisan nio po. Maganda si Mam. At baka may pumorma diyan"

"Ganun? May alam ka ba na di ko alam?"

"Mukha ba akong maraming lalaki? =___________="

"Joke lang mam. Si sir na lang kasi"

"Tama" Tumingin siya sa akin. "Ako na lang kasi. Pleaaaaaaaaaassssssssseeeeeeee"

Pinisil ko nga yung Pisngi. "Loko ka. Tumigil na nga kayong dalawa. Alaisa pakikuha na yung orders. Malalate na ako sa paguwi niyan"

"Sige po mam." Umalis na si Alaisa.

"Nakakailan ka na sa pisngi ko ha. baka lumaki ito"

"Gusto mo ilong naman?"

"Sadista ka pala"

"Bakit papalag ka?"

"Hindi."

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon