Chapter 35: Till my heartaches end

21.3K 140 23
                                    

Hinatid ako pauwi ni Patrick. Wala nang nagsalita sa amin kahit isa eh. Hinihintay ko nga siya magsabi ng joke kaso wala para bawiin yung sinabi niya. Anong nangyari? Ang awkward nung pagbaba ko sa kotse kanina nag babay lang ako tas papasok na sa gate nung narinig kong nagsalita ulit si Patrick.

"I mean what I said earlier so please consider it"

Hindi na ako lumingon at tuloy tuloy nang pumasok sa loob.

Teka lang. Ano yung kanina? parang plaka na nagrerewind yung mga sinabi ni Patrick.

"kasi gusto na kita, Elise"

"kasi gusto na kita, Elise"

"kasi gusto na kita, Elise"

Anak ng shemai oh! Pano nangyari yun? Eh ano diba nung simula ayaw na ayaw niya sakin. Hais. Napahiga na lang ako bigla sa kama. Joke lang yun kasi nung nagkukwento siya about sa ex niya he seems so lonely na ramdam ko there still love tapos sasabihan niya ako ng gusto niya ako? Lokaret pala yung si Patrick eh. Ano magiging papel ko panakip butas? Grabe naman. Teka bakit yun ang tanong na tumatakbo sa isip ko. Napahawak ako sa hinalikan niya kanina. Yung noo ko.

Biglang may naramdaman akong sakit sa dibdib ko. Another secret that can make Warren's heart broken. Parang ang unfair ko kay Warren. Wala pa siyang ginagawa kay Maxene maliban sa iconfirm na sila na at maghawakan ng kamay pero ako nahalikan na ako ni Patrick ng di niya alam. Yung mga kiss. The first one I believed is an accident the only way to save me, the second one is the one that he losses control and the last is the symbol of his confession. (>_______________

"Please see me tommorrow sa Coffee and Cakes ng 10 am. Please, future. Be there. Hihintayin kita"

Kung ako lang masusunod kahit kanina pa lang ayos na akong marinig ang lahat ng sasabihin niya siguro bibigay din ako at mapapatawad siya. Ganun naman ang love diba? Kahit buong mundo na ang nagpapakita sa iyo na hindi kayo pwede sa isat isa sumusugal ka parin kasi pinapakita sayo ng mahal mo na ikaw lang ang para sa kanya. Masakit man wala kang magawa, masyado ka nang nahulog eh. Yung sa isip mo pag nawala siya wala nang silbi ang buhay mo kahit na nabuhay ka naman nung wala pa siya. Ganun ang nararamdaman ko kay Warren. Ayokong umiyak ngayon. Yun ang nararamdaman ko kaso natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kanila ni Maxene. Sa tingin ko lalo akong di magugustuhan ni Maxene sa mga sinabi ni Warren kanina. Ano ba talaga ang dahilan?

"Rachel Elise Bautista bakit ang gulo ng buhay mo? Grabe lang!" naalis yung unan samukha ko.

Naka-stare lang ako sa may kisame. Paano bukas? Pupunta ba ako? Handa na ba akong masaktan ulit sa mga sasabihin ni Warren? di ba nagtry naman ako na ipaglaban siya? kaso naduwag ako eh, mahina parin pala ako. Just like the old times. I smiled bitterly. At least I've tried.

May kumatok sa pinto.

"Insan.. Alam kong may problema ka kaya eto regalo ko sayo. Andito mini radio sa labas pati gatas with cookies. Kung gusto mong umiyak iiyak mo lang pero lakasan mo tong radio ha kasi talagang bubuksan ko yang pinto mo ng pwersado kahit ayaw mo. Kung bigla kang magutom sa kakaiyak may cookies akong dala at kung nawalan ka na ng iluluha may gatas diyan para makatulog ka na rin agad. Wag kang magalala tulog na si lola. Okay?" boses ni Sasha.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon