Chapter 65: Quarrel

16.2K 137 46
                                    

Hello Loves! :">

Hmm,I have a serious question.

Nagsasawa na ba kayo sa Fate of Love? :"<


Wala lang. Yun kasi nafefeel ko. Ewan.

Raiiinn 


____________________________________________________________________________

Sumakay kami sa motor ng wala ni isa sa amin ang kumikibo ni Patrick.

Nanghihina ako.

Hindi ko man lang natulungan kanina si Warren. Bakit ganun? Ano yung sinasabi ni Maxene na hindi na siya makakapaglaro? 

Thoughts of the past creeping on my mind.

Alam ko sa sarili ko na ayoko na malaman para madali ko na mabitawan pero bakit? Bakit niya pa pinipilit na maglaro kung hindi na pwede? Bakit niya pinapakita na ayos ang lahat kahit hindi naman?

Ano bang nangyari kay Warren sa loob ng tatlong taon?

Bakit ganito na lang nararamdaman ko?

"Andito na tayo"

Bumaba ako sa motor ni Patrick at dumeretso sa gate. Ayoko muna makipagusap. Isa lang kasi tumatakbo sa isip ko. 

Kasalanan niya kung bakit na-injure si Warren.

Bubuksan ko na sana yung gate nung biglang hinarang ni Patrick yung kamay niya.

"Kailangan natin magusap. Magpapaliwanag ako"

Tinignan ko siya. Ang lalaking gusto kong makasama pag tuluyan ko nang nakalimutan si Warren kaso kung magiging ganito siya at magkakaroon ng galit sa puso niya wag na lang. Mas gugustuhin ko pa na magisa harapin tong laban na ito.

"Pat, gusto ko na magpahinga."

Mas lalo niyang hinarang yung kamay niya dun sa gate.

"Maguusap tayo"

"Para saan? Nakita ko yun. Hindi ba pwedeng isipin ko muna na may magandang rason ang ginawa mo? Kung papakinggan kita ngayon baka hindi lang ako maniwala."

"Naapektuhan ka ba niya? Yung nangyari kay Warren, naawa ka ba?"

"Sinong hindi maawa sa kanya? Sinong hindi maapektuhan sa mali mong ginawa?"

(see the right side for Patrick's expression)

"Gusto ko lang manalo sa game. Gusto ko lang manalo sayo. Sabihin mo. anong mali?"

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon