Warren's POV

22.1K 175 97
                                    

Sa mga oras na ito, nabasa na siguro ni Rachel ang sulat ko sa kanya. Papalakad na ako papunta sa bus stop. Its freaking 6am nung magsimula akong maglakad. Mabuti naman at 8am palang ngayon. Malayo pala yung quarters namin sa bus stop. Bakit diba ako ngcommute o kaya nanghiram ng sasakyan?

Siguro kasi..

Gusto kong mapagisa.

Hinawakan ko yung labi ko. I hate to say this pero sa tingin ko that will be our last kiss. Ang sakit. Nakaka-gago lang. Di naman ako sanay ng ganito. Mali. Di ko na pala alam yung feeling na ganito. 

Ang pinakamahirap kasi na gagawin mo eh yung magbago ka para sa taong minamahal mo. Lahat kakalimutan mo. Nakasanayan, mga gustong gawin at mga paniniwala. Ultimo pride mo kakainin mo. 

Mahal ko si Rachel pero alam ko hindi siya sasaya sa akin. Paanong mangyayari yun? Eh lagi ko na lang siya pinapaiyak. And last night, even though the truth hurts a lot like hell, alam ko buti nangyari yun. Kasi may masasandalan si Ray pag wala na ako. 

Sinira parin ni Patrick yung pinto kagabi. Pagkapasok niya nakita niyang im kissing Ray to give her air. Tumigil na ako nung makaramdam ako ng pulso sa may leeg niya.

"Tol"

"Magusap tayo mamaya. I must bring Rachel sa quarters niya"

Sa tagpong yun naisip ko pang ideny ang lahat. Ideny na mali ang nasa isip ko. Hindi nangyari yun. Hindi pwedeng nangyari kay Patrick at Rachel yun.

That kiss.

Ok lang na ganun yun Warren diba? 

Nung nahatid ko na si Ray sa kwarto na I stayed for 15minutes more just to look at her face. Naramdaman ko na kailangan ko ng umalis at baka bumalik na yung mga teammates niya. I kissed her forehead.

"Good bye my Rachel"

Paglabas ko nun sa kwarto. Nakita kong hinihintay ako ni Patrick. Gustong gusto ko siyang sugudin nun at upakan pero huminga ako ng malalim. 

"Kelan yun?"

"Warren its an accident. Walang may gustong mangyari yun."

"Mahal mo ba siya?"

"Tol, alam kong mali yun. Kung gusto mo upakan mo na lang ako. Wag ka lang magalit kay Elise"

"Mahal mo ba siya?"

Hindi nagsalita si Patrick. Tinaas ko ang kamao ko papalapit sa mukha niya kaso di ko parin siya sinuntok. Tinapik ko yung balikat niya at sinabing,

"Pare, sayo ko siya pinapaubaya. Wag na wag mo siyang sasaktan kundi di na ako magdadalawang isip na basagin yang mukha mo"

Papaalis na ako nun nung hinarangan ni Patrick ang dadaanan ko.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon