Patrick's POV (part 1)

22.1K 178 47
                                    

Kanina pa ako pagala-gala gamit tong motor ko. Hindi ako nakasuot ng helmet ngayon. Eh ano naman? Di naman ako dadaan sa highway. Ewan ko kung saan ako pupunta. Alis ako ng alis pero parang bumabalik lang ako sa daan kung saan nakatira si Elise. Nakita ko pa nga na umalis siya gamit yung van nila. Hindi naman ako papasok ngayong araw kaya hawak ko oras ko.

Itinigil ko yung motor ko sa may tabi ng bahay nila Elise.

Nagdesisyon na siya. Alam ko naman kung ano isasagot niya eh. Bakit ko nga ba tinanong pa? Siguro dahil akala ko kahit gago ako baka may tsansa na piliin niya ako kesa kay Warren.

Tsk.

Malaking Asa.

Kumuha ako ng sigarilyo sa bulsa ko at sinindihan yun. Balik bisyo ulit ako. Mukhang magkakasakit ata ako. Sa totoo lang wala akong tulog. After 5 hours na paghihintay ko kay Elise dumeretso na ako sa kanila. Excited pa ako na pumunta dun sa may playground. Andun na ako ng mga 9pm kahit 10pm ang usapan. Nakaka-gago lang yung ginawa ko kasi alam ko naman ang kakalabasan. Di siya magpapakita.

Binuga ko yung usok na nagmula sa bibig ko.

Di ko akalain na mahuhulog nga ako sa kanya. 

Did I already love her?

Ewan. 

Pero isa lang ang sigurado ko. 

Gusto ko siyang laging nasa tabi ko para alagaan. 

When I first saw her, naisip ko bakit ang plain ng bagong babaeng gusto ni Warren. Iritadong iritado ako sa existence niya. Dont get me wrong. Hindi siya panget or so what ever pero matapang siya. Di nga umubra ang pagiging gwapo ko sa kanya. 

Money, Fame or Past time

Lahat ng babaeng na-encounter ko may pinipili diyan. Minsan nga sasabihin nila kahit ako na lang daw ayos na. How disappointing. Naturingang babae ganun umasta pero siya nung pinapili ko siya nasampal niya pa ako. Lalong uminit ang ulo ko sa kanya nun. Pa-hard to get pa, sooner or later bibigay din yun.

Napangiti ako bigla.

Hindi kasi siya ang bumigay.

Ako ang bumigay sa kanya.

Si Warren at ako. We're friends. Best of friends. Kapatid ang turing ko sa kanya kahit hindi ko alam kung paano magkaruon ng kapatid. Eh malas eh. Tatay ko babaero yung nanay ko naman nagpakamatay. After that I really dont believe in love. Lumaki akong basag ulo. Eh gago sila eh, Anak daw ako ng lalaking gabi gabing nasa night club at babaeng desperada sa pagmamahal. Shit! Kung alam lang nila kung ano nararamdaman ko pag naririnig ko yun. Gaguhan lang.

Pareho kami ni Warren na may issue sa aming mga tatay. Yung kanya grabe ang expectation akala mo naman superman yung anak niya yung akin manhid di man lang nakakaramdam na may nasasaktan na siya. Napatay niya pa nga eh. I really want to know how my dad manage that feeling. Ayun nagpaka-dalubhasa ako sa babae. Ang masakit lang wala akong nakitang gaya ng nanay ko. Yung matino sa isang lalaki. Kaya iniiwan ko din mga nagiging girlfriend ko pag tinamad ako. Sheesh. As if naman. Nakokonsensya din ako pag hinahabol nila ako at iniiyakan na kesyo di daw nila kaya na wala ako na mahirap na daw mabuhay. pero bwisit eh. Isang linggo lang makikita mo nang may iba nang nilalandi yung mga babaeng nagsabi sa akin na di nila ako kayang mawala sa buhay nila, Tsk pagpapanggap nga naman.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon