Chapter 14 (part 2): The Date?!!!

24.2K 166 39
                                    

Aba, may kumakampi na kay Patrick ah? Pano si Warren niyan?Asan supporters niya? Parang nawala na ah.

Salamat sa lahat ng napapakilig ng kwentong to.

Wag sana kayong magsawang magcomment. Di ko pa man mareplyan ngayon. Pero nakakaapekto na yun sa plot ng story. Syempre. :))

____________________________________________________________________________

Sinuot ko ba yung sleeping slippers na blue na may mukhang PANDA?

MALAMANG. >.<

A lady with a blue dress with a blue sleeping slippers na nakahawak sa kamay ng isang nakakunot na sigang lalake habang naglalakad sa mall. Halatang pinagtitinginan na kami. Naman.

Wala namang nangyari na na kakaiba nun. Ayun lang si Patrick kailangan nahinto kami parang bawat 5mins ng paglalakad para makapagpahinga daw paltos ko. Pwede naman pala kami magkasundo nito eh. Binili niya rin ako ng ice cream habang nanunood sa mga nagcacarousel na mga bata.

Past 7 pm na. Palabas na kami ng mall ngayon. At tama ang iniisip niyo magka-holding hands pa rin kami. Di na nga sumasakit paa ko eto namang kamay ko parang nangangalay na. Sobra. Pabor ba to sakin? Buti sana kung kamay to ni Warren? >.< Concentrate. Malapit na matapos ang araw kaso di pa nagsisimula yung part two ng date namin. Aish.

Sa Parking Lot.

Binitawan niya yung kamay ko tapos sumandal sa motor niya.

"That ends our date part one. Simulan na natin yung 2nd part, but before that let me introduce myself. I am Patrick Hector Guevarra." Inabot niya sa akin yung kamay niya." Warren's bestfriend."

Inabot ko din naman yung kamay ko sa kanya.

"Dahil para ka sa tropa ko, asahan mo na sagot kita lagi. Kung ano pwede kong matulong tutulungan kita. I'll treat you like how I treat Warren, a sibling. if that's how you call it"

"Salamat Patr--"

Hinila niya ako papalapit sa kanya nung tumayo siya agad. Ang lapit na ng mukha namin sa isat isa. Ano ba na namang drama to?

"Let's start the second part. Let me show you my other real side. Tandaan mo pabor na to sa akin at syempre ako parin ang masusunod. Got that?"

Binitawan niya yung kamay ko. Tapos sumakay siya sa motor. Sumakay na din ako.

Hindi na kami nag-imikan sa byahe. Saan naman kaya niya ako dadalhin ngayon? Ayokong tanungin baka kasi magalit to eh. Sabi niya he'll treat me like how he treats Warren. As a sibling? So ayos na ba kami? Okay na ba ako para sa kanya na pumasok sa buhay ni Warren? Hay. Ang sarap ng hangin.  As usual ang bilis niyang magpatakbo.Huminto kami sa isang Club.

Wait, Underground ba tong club na to? High School pa lang kami no. Hindi kami papapasukin diyan.

Bumaba ako at nagpalit ng dollshoes na dapat talagang suot ko. Aba alangan namang suot ko pa yung si Panda eh wag na lang. Pinasok ko yung slippers sa plastic niya. Pag baba ni Patrick sa motor di niya ako nilingon basta deretso deretso na lang siya sa pagpasok dun sa bar. Nakita ko pa nga na Nag-apir pa sila nung guard. Ano yun madalas siya dito. Sinundan ko na lang siya sa loob.

Grabe lang.

Ang dilim at ang usok. Yung ilaw lang faling sa mga disco lights ang nakikita mo. Aba ang bilis naman maglakad nito ni Patrick. Di man lang ba niya ako aantayin? Umupo siya dun sa may pinakamalaking pabilog na couch. Nag-dekwatro pa. Tumayo ako sa harap niya.

"Patrick, Anong ginagawa natin dito?" dito na yung date namin?

"Chill. Umupo ka muna."

"Tara na. Hindi ko gusto dito."

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon