Chapter 4: Crossing Paths

31.8K 254 17
                                    

Hindi ako nakatulog ng maayos ng gabi na yun. Iniisip ko kung magkikita nga kami ni Warren. Ano ng mangyayari? We just know each other's name beyond that wala na. Baka naman kasi crush lang to pero 15 days niya na akong hinihintay? Para sa crush lang ba to?

Relax Rachel.

Waa. Hindi pa kasi ako nakakaencounter ng ganito.

Kahit meron ng mga nanligaw sakin.

Iba to.

Iba kasi....

parang gusto ko din siya.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Rachel Elise ano ba naman tong pinasok mo. Isang beses ka pa lang ginawan ng maganda gusto mo na agad? eh yung mga manliligaw mo nga eh buwan ang inantay para iprove nila sayo ang sarili nila pero babastedin mo din. hay.

Ano bang meron sayo Warren??

---------------------------------

Jan 25

"Ano Pinsaaaaaaaaaaaaaan??" umaga pa lang nasigaw na tong si Sasha

"HUY. Tumahimik ka nga baka marinig ka nila lola."

"Wala si Lola nasa flower garden sinundo kanina dito ni Mommy"

"Kaya naman pala dito ka nakikikain ng breakfast."

"Alam mo na. he he he. Teka wag mong ibahin ang usapan. Anong balak mo ngayong araw?"

"Sabi ko after lunch pupunta akong Coffee and Cakes."

"Tapp-osh?" nakikinig habang nanguya si Sasha.

"Ifofollow up ko yung order ni Tita na party cakes."

Uminom ng juice si Sasha at nagsabi "Pagakatapos? Yung kasasabi mo lang kanina?"

"Ifofollow up yung order?"

"Hindi insan. Yung tungkol kay papa warren"

"Titignan ko kung inaantay niya nga ako."

"So anong balak mo?"

"Aantayin ko din siya. Hanggang 3pm"

Hinarap ni Sasha yung mukha ko sa kanya.

"Ayieeeee insan, Congratulations at nagdadalaga ka na?! Im so happy for you! Teka ano maghanda ka anong isusuot mo. dapat hindi masyadong makapal make-up mo ha. Dapat ngumiti ka lagi. Dapa-"

"Insan, sa tingin mo kaya niya pa talagang magintay hanggang ngayon?"

"Ha? ano bang pinagsasabi mo?"

"Ganyan naman sila diba? Sa simula napaka-determined nilang hintayin ka pero habang tumatagal naiinip din sila. Napipikon hanggang maghanap na sila ng iba." Natatakot talaga ako baka kahapon na yung limit ng pagaantay ni Warren.

"Insan, di naman kita masisisi kung based on your experience yan pero ibahin natin si Warren. Di pa nga nagtatanong ng ligaw yung lalaki eh pero inaantay ka na agad. Sa totoo lang strangers parin kayo sa isat isa kasi both of you know each others name lang wala ng iba."

"kaso insan..."

"Ray, Chill ka lang. Ikaw narin nagsasabi lagi na meron at merong para sa atin. Darating din yun. Kung si Warren nga yun wag ka nang magalala let it be. Kung hindi, ano ka ba? Di tayo panget no."

"Salamat insan :)"

"Kaya kung ako sayo tumayo ka na diyan at maligo at magayos. Magiging maayos ang lahat Ray"

--------------------------------------

Yea. eto na nga ako at nagpapahatid sa driver namin papuntang Coffee and Cakes. Pinilit pa ako suotan ni Sasha ng kung anong mga damit. lokaret talaga yun. Blouse na blue lang jeans and rubber shoes ang suot ko. may possibility naman kasi na hindi ko makita si Warren diba? :(

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon