Chapter 30: Ang kawal.

21.6K 140 46
                                    

Lagot na ako sa pagbali sa promise ko kay Patrick pero wala na akong paki dahil mas angat pa rin ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Hinayaan ko lang si Warren na makasama si Maxene. Naluluha na ako. Nagsimula na akong maglakad. Alam ko namang walang paki sa akin si Patrick. 

Kung may lakas lang ako ng loob hindi ako papayag na maiwan sila ng magkasama kaso Marshmallow? Shemai naman (=_______=) Sino bang hindi magseselos dun sa tawagan nila? 

KARMA. 

KARMA.

KARMA.

Yan ang sumisigaw sa utak ko ngayon. Naku naman. Ang sakit ha.

Naramdaman ko na lang na may humawak sa braso ko.

"Not so fast Elise"

Pagkaharap ko si Patrick. Naka-park na yung motor niya.

"Kukunin ko lang yung bag ko tapos uuwi na ako. Mauna ka ng umuwi" Iniiwasan ko yung mata niya kasi ramdam ko na talaga yung luha na tumutulo sa mukha ko.

"Ihahatid kita"

"Wag na. Di na kailangan"

"You looked me into the eye. Alam mo na siguro ang ibig sabihin nun"

Nag nod lang ako. Wala na akong paki. Gusto ko lang umuwi ngayon at itulog na lang ang lahat.

Pinunasan niya yung mga mata ko. Tapos hinawakan yung kamay ko.

"Im not good at comforting people. Iuuwi na kita"

Hila-hila ako ni Patrick ngayon. Kukunin lang namin yung bag ko. Nakayuko lang ako all the time. Ayaw kasi tumigil ng luha ko. Punas ako ng punas pero may tutulo ulit. Bakit ba kasi ang iyakin ko? Lagi ko na lang naaabala si Patrick. Huminto kami sa may pinto ng auditorium.

"Kunin mo yung bag mo. Aantayin kita dito"

Inayos ko ang sarili ko pagkapasok. Ayoko naman na makita ako nila Charles at Monica na ganito. Kinuha ko yung bag ko na katabi lang yung bag ni Charles. Si Charles kasi na sa amay stage kausap si Monica. Mabuti na rin yun. Itetext ko na lang siya na nauna na akong umuwi. Pag kalabas ko nagaantay si Patrick. May dala siyang plastic.

"Oh! Kainin mo yan. Di kita iuuwi ng ganyan itsura mo" inaabot niya sa akin yung plastic

Yung Plastic ng Jollibee.

Tinaasan ko siya ng kilay

"Nangaasar ka ba? wala kasi ako sa mood"

"Hindi. Yan na lang ang bukas na malapit sa school"

"Ayoko. Hindi ako nagugutom. Gusto ko lang umuwi" Tumalikod ako kay Patrick

"Bakit ang hirap mong i-please? Dahil hindi ba ako siya?"

Napahinto ako sa sinabi niya.

Ganun ko ba talaga kamahal si Warren at wala na akong paki sa iba?

Humarap ako kay Patrick.

"Sorry, Masama lang pakiramdam ko."

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon