CHAPTER THREE

5.6M 119K 64.3K
                                    

                 

MAX'S POV

"ARE YOU okay, miss?" anang tinig ng lalaki habang nananatili akong nakapikit. "I'm so sorry. 'Eto ang panyo, oh," sinserong aniya. Marahan niya akong hinawakan sa kamay upang iipit doon ang panyo.

Nakatalikod na siya nang magmulat ako. Buntong-hininga kong inipon ang spagetti noodles pabalik sa styro na kinalalagyan nito. Saka ako humakbang papalapit at ibinato iyon kay Siopao.

Sapul.

Awtomatiko siyang huminto sa paglalakad, naestatwa pa bago marahang humarap sa 'kin. Nanlalaki ang singkit niyang mga mata. Namumula ang mukha niyang pisngi. Wala akong ginawa kundi ang ngumisi.

Tss. Siopao.

Lalapit na sana siya nang pigilan siya ng kaibigan. "Enough, Deib Lohr! Just let it go, please!"

Nanlalaki ang mga mata niyang nilingon ang kaibigan. "Let it go? Look what Taguro did to me, Lee! 'Tapos let it go? Are you out of your mind?" dere-deretsong ani Siopao habang nakaturo pa sa 'kin.

Kumunot ang noo ko. Taguro? Tss.

"You're the one who started it, 'dre," sabi naman ng isa pa nilang kaibigan, iyong malakas tumawa.

"Oh, great!" Ipinagpag ni Siopao ang mga kamay sa ere saka namulsa. "'Wag niyo sabihing kakampihan niyo 'yan?" muli niya akong dinuro.

"Mukha ba kaming may kinakampihan? Stop it, 'dre, dahil babae 'yan. At marami ang nakakakita. Psh!"

Mayabang ang pagkakamaang ni Siopao habang nakatingin sa kaibigan. Nakita ko pa siyang pumikit at huminga nang malalim bago ako sinamaan ng tingin. "Fine! I'll let you pass this time," dinuro niya uli ako. "Let's call it quits," mayabang pang aniya. "But I won't let you pass the next time I see your face," nagbabanta ang tinig niya. Tinapunan niya nang masamang tingin ang mga kaibigan saka padabog na naglakad paalis. Nilingon din ako ng mga kaibigan niya bago tuluyang sumunod sa kaniya.

Napabuntong-hininga na lang uli ako. Doon ko na lang din uli narinig ang bulungan at ilang bungisngisan. Pakiramdam ko ay sandaling nawala ang mga tao sa paligid dahil sa sobrang pagpipigil ko ng galit.

"Max!" nagmadaling lumapit si Michiko sa 'kin. Naglabas siya ng tissue at pinunasan ang mukha ko. "Loko talaga 'yon si Deib Lohr! Tsk. Grabe, ang dumi-dumi mo na," nag-aalalang aniya.

"Baliw ba 'yon?" kunot-noong tanong ko. "Nakakadalawa na siya, ah." Kinuwento ko sa kaniya kung paano kong nakaharap sa unang pagkakataon ang tatlong magkakaibigan na 'yon.

"What?" nahinto si Michiko sa ginagawa. "My god! Loko-loko talaga 'yon. Siya ang pinakasikat na bully sa campus na 'to. Tara sa washroom, Max, linisin natin 'yang dumi sa mukha at damit mo."

Nang patirin ako ni Siopao kaninang umaga ay puti ang suot kong shirt. May baon akong itim na shirt kaya nakapagpalit ako. Mabuti na lang at itim hindi makikita ang dumi bagaman aalingasaw ang amoy ng spaghetti sauce.

Hanggang sa washroom ay may mga estudyanteng sumusulyap pa talaga sa 'kin bago ako pagtawanan. May mga nakikipagbulungan sa kaibigan habang nakatingin sa 'kin. Napapailing na lang ako sa ugali ng mga estudyante. Laking pasalamat ko at iba si Michiko.

"Alam mo ba na marami nang nag-drop out dahil kay Deib Lohr? Pati kasi babae ay pinapatulan niya. Masiyado siyang bully," kunot-noong kwento ni Michiko, abala sa pag-aasikaso sa 'kin.

"Bakit walang nagrereklamo?"

"Marami!" Huminto siya sa ginagawa para sagutin ako. "Kaso ay walang nangyayari dahil great grandson siya ng may ari ng BIS. Lolo rin niya ang nakaupong dean."

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon