Chapter 62: Understanding

17.9K 154 55
                                    

Hello Loves! :">

Parang lumabas na yung maka WARAY sa nakaraang chapters. Hahaha. Puro Patay lang kasi nararamdaman ko eh. Let us understand both sides ha? Ayoko ng negative vibes eh. 

Yung nagyari kay Warren sa tatlong taon ay malalaman niyo sa Fate of Love Side Story: The One. Gising na po si Warren dun and he will start his life with his family and Maxene sa Canada. Makikilala na din po natin ang new character na si Andrei. Click the open external link at the right side. Sana po masuportahan niyo ako dun. Please :)

Sana po makabasa ako ng mga comments na nakakinspire. Puro "update naman po" lang nababasa ko. Minsan may "nakakainis naman ang bitin". HALA. Patay na ako sa comment na yun. HAHAHAHA. Ayos lang naman yun pero sana po yung comments sa takbo ng story eh meron din. Please help me to be an effective writer.

I higly appreciate your help.

Thank you!

Happy reading!

Much Love,

Raiiinn <33

_______________________________________________________________________________

Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakahawak sa kamay ko ni ate Liselle.

"Salamat ate Liselle pero hindi ko magagawa ang payo niyo"

"Rachel, anong ibig mong sabihin? Mahal mo siya diba? Kitang kita kong mahal mo siya"

I smiled to her lightly.

"Hindi ko naman po itatanggi na mahal na mahal ko pa si Warren kaso may mga bagay na ang hirap ipaglaban pag magisa ka lang tapos yung dapat kasama mo ay sinuko ka na. Dapat mas alam mo to ate Liselle. Bakit mo hinayaang hindi ka isuko ni Kuya Nico? Ang pinagkakaiba siguro natin may pake sa akin si Warren kaya hindi niya ako hinahayaang umasa pa sa kanya diba? Nagbulagbulagan lang ako na pwede pa, na kaya pa, na meron pa"

"Kaya nga diba gusto kong itama ang sa inyo ni Warren? Wala na mangyayari sa amin ni Nico."

"Bakit mo ba to ginagawa ate Liselle?"

Napatingin siya sa akin.

"It is my time now to save my family. Like, Warren did for me pero sa akin gusto ko sundin niya ang puso niya. Yung bagay na hindi ko nagawa"

"I guess you tried your best ate Liselle pero nakapagusap na kami ni Warren. Masasabi ko na iyon ang pinakamagandang paguusap namin. Naging totoo siya at kahit masakit man ang mga binitawan niyang salita hindi na ako naghahangad pa ng sagot kasi alam kong tama na yun"

Sumandal si ate Liselle sa may kotse niya.

"May pagtingin ka ba kay Patrick?"

"Ha?"

"Maiintindihan ko kung hindi na pwede dahil andyan na si Patrick pero Rachel kailangan mong isipin na hindi lahat ng tao kagaya ni Warren na nakakapagtiis na hindi unahin ang sarili nila.."

"Ate Liselle, kung ano mang ang gusto niyong sabihin eh please lang wag na nating idamay pa si Patrick dito. Sa totoo lang isa lang siya sa mga naiwan sa akin nung umalis si Warren. Isa lang siya sa mga nagtiis at nakisama sa akin. Ayokong balewalain yun sa anu mang sinasabi mong nililihim niya sa akin."

"So you care for him that much?"

"Oo"

"I guess you are not the one who will rescue Warren. Im sorry for insisting Warren to you. Tara na ihahatid na kita?"

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon