I've Slept with A Gay

By Red_Kookie

430K 11.2K 1.1K

(Contains mature content; read at your own risk) One would surely want to live a peaceful and joyful life. W... More

I've Slept with a GAY?
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30.1
30.2
31
32
33
34
35
36
37
38
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
Epilogue
Other Stories

39

3.6K 102 14
By Red_Kookie

Chapter 39

______

"Hindi sila pwedeng pumunta rito!" nagpapanic na sabi ko.

"Malamang! Hindi niyo naman bahay 'to 'no!" sabi ni Sally pabalik.

"Aish! Those bitches! Sabi na e! They will do nothing but sakit sa brain cells! What are we gonna do now?" Kung nagpapanic ako, mas nagpapanic si Prya. Lumingon-lingon siya sa amin na para bang nakatago sa amin ang sagot.

"Salubungin natin sila?" seryoso at mahinhing suggest ni Dea.

Napahinto kami sa paglakad nang pabalik-balik at nilingon siya.

"Tara bilis! Malapit na sila!"

Sabay-sabay kaming tumakbo paalis ng bahay kahit na sinubukan pa kaming tawagin nila Lola Wella.

Maraming bumabagabag sa akin. Hindi na ako makapag-isip nang tama. Masyadong mabilis ang mga nangyayari at hindi ko alam kung bakit nga ba 'to nangyayari! At bakit sa akin pa? Ang bata bata ko pa para makaranas ng ganitong mga problema!

Bakit kasi ang aga ko lumandi?

Nyemas.

Biglaan ang pagpreno naming magkakaibigan sa pagtakbo nang mamataan namin ang mabilis na takbo ng kotse nila Alex.

"Fuck! AYOKO PANG MAMATAY!" Naunang tumakbo si Cola pabalik sa pinanggalingan namin. Sumunod din agad kami na may mga kasama pang mura.

"Kung h-hindi ka lang namin kaibigan Poyi.." hinihingal na si Sally pero nagsalita pa rin.

"Ah shet! Bakit ba tayo bumabalik? Hindi naman siguro nila tayo papatayin!" sabay hinto ni Aika. Gumaya naman kami.

Paglingon namin sa likod ay huminto na rin ang apat na kotse. Sa unang kotse ay nakangising bumaba si Alex kasama ang tatlo niya pang mga kabarkada. On the second one, five familiar faces of our schoolmates got out from their car. On the third one, schoolmate din namin ang nasa pangatlo at sa pang-apat, mga propesyunal na taong may dalang mga mikropono at kamera ang bumaba.

M-Media?

Bakit naman nagdala pa sila ng media?!

Napapadyak na lang ako. Gusto kong maiyak ngayon!

"Anak ng!" bulong ni Aika.

"Problema talaga lagi hatid nitong mga 'to eh," iiling-iling na sabi ni Cola.

"Tsk. Tsk. Why running so fast? Wala namang humahabol sa inyo." humagikgik nang pabebe si Alex. Nakihagikgik din naman ang iba niyang kasama.

"Wala naman palang humahabol. Tara na uwi!" Tumalikod na si Cola at umuna sa paglakad.

"Ay ganon? Bili muna tayo sitsirya!" Sinundan siya ni Sally at Dea.

Bumalik na rin kami nila Aika kasi syempre, wala naman palang kwenta ang pagharang namin sa kanila. Muntanga lang kami kanina. Mamaya dadaan lang pala talaga sila rito.

"Hey! Hindi pa kami tapos! Bakit niyo kami tinatalikuran?" sigaw ng isa sa kasama ni Alex.

"H'wag niyong pansinin 'yong papansin." Natawa 'ko sa sinabi ni Sally.

"Papansin?" naiirita nilang sigaw. Pero patuloy naman kami sa paglakad pabalik. Ilang metro ang layo mula sa gate nila Lola Wella.

Tigil-tigilan lang talaga nila ako. Iba ako 'pag brokenhearted.

"Papansin pala ah."

Napahinto ako nang may maramdamang nabasag na kung anong bagay sa ulo ko. Nang hawakan ko iyon ay mamasa-masa at nalamang itlog pala 'yon nang silipin ko.

Hay. Gusto talaga nila ng away.

May singhap na narinig kami sa pinakalikod nila Alex pero mga wala namang umawat.

"Miss! Miss! What's the real score between you and Mr. Peterson?" Nagmamadali ang mga media sa paglapit. Ninakaw na nila ang sandali para hindi na ako makaalis pa.

Nang mapansin 'yon nila Aika ay nagsibalikan sila at nagmistulang guwardiya sa harap ko.

"What's your name? From what family do you belong?"

"How did you meet?"

"He said that you are just the president of his fans club, are you really that close?"

"You've seen with Mr. Hernandez, what's with you two?"

"Psh! Slut!"

Sumalpok sa noo ko ang pangalawang bato nila Alex ng itlog.

Talaga naman! Nagsasayang lang sila eh! Anim na piso rin 'yon!

Unahan naman ang mga may camera sa isang malagim na eksenang iyon.

"Aish! Bakit ba ganito?" napakagat labi si Aika. "Sasabunutan ko talaga sila 'pag wala ng camera!" pasigaw na bulong niya.

"Saang university ka nag-aaral Miss?" tanong na naman nila.

"Ha! University? Look people! She's our schoolmate! And she's just what? 19! Yet she's having an affair with Jackson? whose age is about twenty or more?" Napangisi si Alex.

"Oh? Pake mo?" di napigilang sumagot ni Cola. "Bawal na ba ngayon 'yon? Kaya 'di umuunlad 'tong bansa natin ay dahil sa mga kagaya mong makikitid ang utak!"

"What?" binato niya rin ng itlog si Cola.

"Aba gago 'to ah!" Inis na nilingon ni Aika sila Alex. "Bakit ba ang hilig niyong mamato ng itlog? Duwag ka 'no? Baka mamaya dala mo na naman kuya mo rito?" nang-aasar niya pang dagdag.

'Yong kuya niya kasi iyong muntikan nang sumuntok sa'kin pero napigilan nila GD at Scott.

Hinawakan ko si Aika sa siko para pigilan siya. Baka lalong magkagulo, wala naman kami sa lugar namin at nasa harap pa ng mga tao ng media na tila lahat ng nakikita ngayon ay pang-scoop lang para sa kanila.

"Duwag? You think I'm a coward? Then I'll show you that I'm not!" sumugod siya kay Aika kaya nanlaki na lang ang mga mata namin nang magsabunutan na lang sila. Natanggal ang pagkakahawak ko kay Aika dahil nadala siya ni Alex. Ganun din ang ginawa ng iba naming schoolmate na sinugod na rin kami.

Flashes of cameras filled my sight. Ni hindi man lang nila talaga kami pinigilan.

"Pokpok ka! Bakit ba hindi mo na lang lubayan si Jackson para lubayan ka na rin namin?" sabi nitong siraulong sumasabunot sa akin.

I smirked.

"Sino ka ba para sundin ko?"

Hinayaan ko siyang sabunutan ako.

Mapapagod din siya. Kasi ako, pagod na.

"Kasalukuyan pong may gulong nangyayari sa pagitan ng president ng fans club ni Mr. Peterson at ng kanyang mga ka-eskwela. Mapapansin po natin iyon ngayon..."

Pasinghap kong nilingon ang isang babaeng nagrereport sa harap ng isang camera habang kami ang nasa background niya.

What the hell? Gusto kong lapitan siya at siya ang babalingan ko ng pinipigil na inis.

Napangiwi ako nang kalmutin ako nitong babaeng hindi pa rin ako tinitigilan.

"Ikaw pala 'tong duwag eh? Bakit hindi ka lumaban!" sinampal pa niya ako.

"Bakit ko ibababa ang sarili ko... sa kagaya mo?" Nanunuya ko siyang tinignan nang mabigyan ng pagkakataon.

Nanlaki ang mga mata niya at namula, "fuck you!" She's pulled my hair real hard that I suddenly thought mapapanot na ako. Kasabay n'on ang pagcheer pa ng mga schoolmate namin at ang pamamato rin nila ng kung anu-ano pang mga bagay.

"Sinasabing ang nasa likuran natin ngayon na President ng fans club ni Mr. Jackson ay ang siya ring babaeng nasa litrato kasama niya sa ibang bansa, na kasalukuyan ngayong kumakalat sa social media at pinagkakaguluhan ng lahat bukod pa sa litrato ni Mr. Jackson kasama ni Ms. Diana."

Anak ka naman talaga ng pating oh! Bakit ba ang daldal nitong reporter na 'to?

"Ouch!" maluha-luha kong pinipigilan ang paghatak ng babaeng 'to sa buhok ko. Feeling ko talaga matatanggal pati bungo ko.

She smiled when she noticed my expression. Now she looks satisfied yet not satisfied, how? She didn't stop from pulling my hair and she even put some scratches on my arm.

"Angeles!"

Natuod ako nang marinig ang sigaw ni Inang hindi kalayuan sa amin.

"Tigilan niyo 'yan! Patayin niyo 'yan! Tama na!" nang lingunin ko siya'y pinagtututulak niya ang mga camera at pinaghahahagis ang mga mikropono at kung ano pang mga gamit ng media.

Kasunod niya sila Lola Wella at Lolo Jomar pati na rin sila Angela at Kuya.

"Angeles!" tumakbo patungo sa amin si Kuya at mabilis na tinanggal nang pabalibag ang kamay ng babaeng humahatak kanina sa buhok ko.

Hinarangan nila kami nila Aika mula sa lahat ng narito ngayon.

Narinig ko ang paghikbi ni Dea.

"Sshh," pagtatahan sa kanya ni Sally.

"Sino kayo para saktan ang anak ko?!" nanginginig ang mga labi niyang sigaw at matitigas ang bawat salita.

"I-inang," ang tanging bulong ko.

"Please, get out of my property!" Nanlilisik ang mga mata ni Lola Wella sa kanila. Kanila ang lupa na hanggang dito sa kalsada at ang hekta-hektaryang farm na nakapaligid sa bahay nila. "And you dared touch her?!"

We heard a scoff from the herd of my schoolmates. "Look, matandang hukluban, she's dared seduce our Jackson. Sino ba siya sa inaakala niya!" sagot ni Alex.

"Sino KA ba sa inaakala mo?" mabining nilapitan ni Lola Wella si Alex. "You think Jackson-my grandson, will notice you? Oh! Malamang ngayon, hija, mapansin ka niya. Bakit? Ipinakita mo sa buong mundo na sinaktan niyo ang babaeng mahal niya." Tumango-tango si Lola Wella. "He'll sure notice you now." Humalakhak siya.

Tumulo ang luha sa pisngi ko habang pinagmamasdan si Lola Wella na ipagtanggol ako at sabihing ako ang babaeng mahal ni Jackson. Masarap sa tenga at para akong pinagaling mula sa mga kalmot at kahihiyan.

"Stop right there!" pinanlakihan niya ng mata ang media na umambang kukunan na naman kami ng litrato o kuhanan pa mismo itong scene nang live ulit. "Subukan mong buksan 'yang camera mo hijo, wala ka ng trabaho pagbalik niyo sa kompanya niyo."

"Angelo! Maria! Ipasok niyo sila Angeles sa loob ng bahay ko! Jomar! Linisin mo ang mga kalat na 'to rito!" pagtawag niya kayla Kuya, Inang at Lolo.

Nagpatuloy ang luha ko sa nakikita. Sobra ang pasasalamat ko sa pamilya ko at pamilya ni Jackson.

Pero hindi pa rin no'n maaalis ang sakit na dinulot niya.

"Angelo! Tulungan mo akong mag-impake ng mga gamit natin!" Dumagundong ang boses ni Inang sa buong bahay nila Lola Wella pagpasok na pagpasok namin. Mabilis ang paglingon ko sa kanya dahil sa sinabi niya pero nakaakyat na siya ng tuluyan.

Nilingon ko si Kuya.

"K-kuya, anong ibig..sabihin ni Inang?" nanginginig ang boses kong tanong.

"Hindi ko rin alam Poyi," malambing niyang sagot at ngumiti ng malungkot. "Angela, gamutin mo ang mga sugat ng ate mo. H'wag mong hayaang makalabas si Angelou. Susundan ko lang si Inang."

"S-sige kuya!" nagmamadaling umalis si Angela para kunin ang first aid kit sa kusina.

"Ate? Bakit po ang dami mwong thugat?" Angelou asked me with curious looks.

"Nadapa si Ate eh," palusot ko sa kapatid ko.

Natulala na lang ako at hindi napansing ginagamot na pala ako ni Angela.

"Pasensya na po talaga, Nay Wella. Pero hangga't malapit ang anak ko sa apo ninyo ay hindi sya titigilan ng mga fans ni Jackson. Alam ko pong naiintindihan ninyo ako."

"Ngunit saan kayo titira ngayon? Hindi ba't hindi pa kayo ayos ng asawa mo?"

"Maraming salamat po talaga sa lahat. Kami na po ang bahala doon, Nay Wella. May mauupahan naman po siguro kami na malayo rito. Gusto ko na pong... putulin ang koneksyon ng anak ko sa apo ninyo. Paumanhin po talaga," hirap na bigkas ni Inang.

Niyakap ni Lola Wella ang Inang namin nang makita ang naluluhang mga mata nito.

Gusto kong humindi si Lola. Please. Kasi pakiramdam ko, kapag umalis kami, tapos na talaga kami ni Jackson.

Jackson might hurt me, but it doesn't mean that I love him less now. It doesn't mean that I'll leave him now. Because even when he's teared me apart, he can still make my heart beat fast.

"Kung 'yan ang ikabubuti niyo, Hija. Nagpapasalamat din kami at nakilala namin ang pamilya ninyo. Mag-iingat kayo." Bumitiw siya sa pagyakap.

Kasabay noon ang tuluyang pagkawasak ko. Nanghina ang tuhod ko at para akong hindi makahinga. Hinawakan ni Angela ang likod ko nang mapansin mapapahiga pa ako.

Siguro... siguro nga hindi talaga kami para sa isa't isa ni Jackson.

Ano man ang gawin namin ay may humahadlang. Pero sana, hindi na lang kami nagkatagpo.. para sana hindi sobrang sakit kagaya nito.

Continue Reading

You'll Also Like

7.7K 414 23
Ivar Jian Alonto and Abiah Zaib Ramos are enemies since then no scratch that- it's only Ivar who views Abiah as his enemy. But what will happen when...
4.9M 101K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
18.4K 1.1K 27
Thy love is regardless of what you are, for I love you the way you are. -Decy P. PS. This is a love story of a gay and a girl Follow me for more stor...
42.4K 1.9K 22
Mighty Jocks Series Book # 01