I've Slept with A Gay

By Red_Kookie

430K 11.2K 1.1K

(Contains mature content; read at your own risk) One would surely want to live a peaceful and joyful life. W... More

I've Slept with a GAY?
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30.1
30.2
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
Epilogue
Other Stories

12

9.5K 239 25
By Red_Kookie

Chapter 12

"Yuck! Yuck! Yuck!" Halos mabura ang labi ni Jackson sa kapupunas niya. Aba't napakaarte.

Hindi ba't sinabi niyang kumportable siyang halikan ako? Tignan mo nga kung anong ginagawa ngayon! Nakakainsulto ah!

"Gugupitin ko 'yang nguso mo kapag hindi ka pa tumigil! Napaka-OA mo ah!" Inirapan ko siya. Hindi makapaniwala sa inaakto niya.

Lumingon siya sa akin nang nakanguso at tinakpan iyon. Nito talagang mga nakaraang araw ay masyado na rin siyang kumportableng ilabas ang tunay na siya. Iyon bang nakakagalaw siya nang maayos? Friends na nga raw kasi kami.

"Tss! Sorry, okay? I was just shocked. Why did you suddenly kiss me?"

"Eh bakit ka rin tumugon?" nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.

Natigilan agad siya.

Nakita kong namula agad ang pisngi niya at agad ding umiwas ng tingin. Muntikan pa akong matawa.

"T-tumugon ba ako? Hindi naman! Hmp!" Pilit siyang umirap sa kawalan.

"Tsk. Lokohin mo'ng lelang mo. Geh, una na 'ko." Binuksan ko na ang pinto ng kotse niya ngunit nang pababa ako ay bigla rin naman niya akong hinatak pabalik.

"Sandali!"

"Ano na naman?" Nakasimangot kong tanong. Male-late na ako't lahat hindi pa sabihin ang mga gustong sabihin!

"Eh a-ano.. s-susunduin sana kita mamaya ulit?" nag-aalangan niyang tanong.

"Oh? Araw-araw mo naman akong sinusundo ah?" nagtataka ko siyang tinitigan. Lutang na naman ang bakla.

"Tss. Oo na! Parang nanghihingi lang ng permiso eh! Go out na nga! Chooo!"

"Bwisit!" pabalibag kong sinara ang pinto ng kotse niya 'tsaka pumasok ng school.

Kahit kailan. Walang kwentang kausap.

"Pooooyiiiiii!!!!" napalingon agad ako nang marinig ang matinis na boses ni Prya.

"Yes? What? Bakit? Ano iyon?" tuloy-tuloy na tanong ko sa kanila. Nakakataranta, akala mo may nangyayaring kung ano.

"I just saw you going out of Jackson's car! You didn't introduce us to him na naman? Why are you like that ba ah?! You don't make share him sa'min!" Halos mabuhol ang utak ko sa pag-intindi sa sinabi niya. Ilang segundo pa bago ako nakasagot.

Tsk. Masyado talagang maarte magsalita itong babaeng ito eh. Bakit ko nga ba naging kaibigan ito? At talaga bang sisihin akong hindi sila ipinakikilala kay Jackson? Hindi lang nila alam na pinoprotektahan ko lang sila dahil magogoyo lang sila sa kabadingan nung baklang iyon. Balang araw ay maiintindihan niyo rin ako, Prya.

I feel like a hero.

"Nagmamadali kasi iyon. May shooting pa kaya 'yon! Hindi ba?" Malabo kasing hindi sila updated sa ginagawa 'non, malamang ay alam na nilang may ginagawa siyang bagong proyekto. Kunwari na lang ay may shooting ngayon.

"Ay really?" Nadismaya naman agad siya. "Anyways, did you do our assignment na ba?" nakataas ang kilay niyang tanong.

Tumitig ako sa kanya nang ilang sandali at saka nilagpasan siya.

Make iwas-iwas din sometimes ika nga niya.

"Hey! I bet you didn't, ano? Lagot ka na naman kay Aika! She'll not make pakopya ng assignment sa'yo for sure!" sabi niya habang sinusubukang sabayan ang lakad ko dahil nauna nga ako sa kanya.

"Tsk. Siya lang ba ang pwedeng kopyahan? Bawal sa'yo? Kay Dea? Kay Cola? Kay Sally?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.

"Hindi sa bawal, we don't have the same assignment lang! Like duh! We're not classmates kaya!" Napaface palm na lang ako sa sinabi niya.

Nakalimutan kong hindi nga pala kami magkaklase at magkaiba kami ng assignments.

"I gotta go! Goodluck!" Humahalakhak siyang lumayo at pumunta sa classroom niya. Bwisit! lakas makapang-asar ng tawa niya eh.

Bumuntong-hininga na lang ako at pumasok sa sariling classroom. May time pa para suyuin si Aika.

"Hello, Aika! Masyado kitang na-miss!" Pagpasok ko sa classroom ay agad kong binati si Aika na busy pa sa pakikipag-usap sa seatmate niya.

Nagtataka naman siyang napatingin sa akin at maya-maya lang ay biglang sumimangot at sumama ang tingin sa akin.

"What?" mataray na tanong niya matapos kong maupo sa assigned seat ko which is sa likuran niya.

"Hehehehe. Bestfriend kita 'di ba?" at malamang ay alam mo na rin ang gusto kong iparating. Makisama ka bes, kailangan kita.

"Ayoko," sabi niya agad at dumukdok sa mesa niya, hindi na pinakinggan ang sinasabi ng katabi niya.

"Aika naman! Walang ganyanan! Akala ko ba, through thick and thin ay magkasama tayo? Bes! Kailangan kita, bes!" Niyugyog ko ang upuan niya para syempre maagaw ang atensyon niya.

I need you girl~ *insert BTS's voices*

"Tsk! Tumigil ka nga! Kung anu-anong pinagsasasabi mo na naman diyan! Bes? Yuck!" Umikot-ikot pa ang mata niya habang kinukuha ang notebook sa bag na ipakokopya niya sa akin.

I grinned widely upon seeing that. Sinasabi ko na nga ba't hindi niya ako matitiis.

"I love you bes!" Hinalikan ko pa sya sa pisngi na agad niyang pinunasan.

"Yuck! Stop calling me bes nga! Kadiri ka talaga!"

Humagikgik lang ako at hindi siya pinansin.

_____

"Ako'ng maghahatid sa kanya!" Hinatak ni Aika ang braso ko mula kay Jackson.

"Aish! Aika. Magtigil ka nga. Araw-araw naman akong sinusundo ni Jackson, bakit ngayon mo pa naisipang magpresinta sa paghatid sa akin sa bahay?"

Nakanguso siyang humarap sa akin. Disappointed ang mukha sa tanong ko.

"Eh lagi mo na 'yang kasama eh! Nagtatampo na ako!" Pumadyak-padyak pa siya sa lupa.

I sighed and tried to comfort her.

"Jusko! Huwag kang mag-alala at ikaw na ang sumundo bukas sa akin sa bahay kung gusto mo," pag-aalu ko sa kanya.

Nakanguso pa rin siyang tumingin nang masama kay Jackson. Yet, I know she will give in.

"Hmp! Kung hindi ka lang gwapo ay hindi ko hahayaang dumikit ka sa kaibigan ko eh!" Inirapan niya pa ito at saka bumaling sa akin.

"'Pag ikaw lang talaga ay nalaman kong buntis at iyan ang ama, babangasan ko kayong dalawa!" banta muna niya tapos ay sumakay na siya sa kotse niya.

"Jusko! Mandiri ka bes!" sigaw ko sa kanya.

"As if namang bubuntisin kita," bulong ni Jackson.

Wala akong nagawa kung hindi ang paningkitan siya ng mga mata. I want to strangle him but that's too much work.

Narinig ko na lang ang mahinang tawa niya pero hindi ko makita ang buong ekspresyon niya.

Nakamask siya tuwing susunduin ako. Sa likod din lagi siya naghihintay para kaunti lang ang tao. Umiikot pa tuloy ako kasama sila Aika dahil wala namang gate sa likod ang school namin.

"Wew! Pero ikaw itong natutukso parati ano? Hindi raw ako bubuntisin," pang-aasar ko sa kanya.

Agad nahinto ang tawa niya. "H-hoy! Sinong natutukso?"

Hindi ko siya pinansin at agad nang sumakay sa kotse niya.

Denial Queen talaga kahit kailan itong baklang ito eh. Talaga namang mabilis siyang matukso, kaunting halik lang eh bumibigay na.

"Sinong natutukso?!" tanong niya ulit pagkasakay.

"Nagugutom na ako. Hatid mo na ako, " pag-iiba ko sa usapan at tumingin sa labas ng bintana.

"Tsk. FYI, hindi ako mabilis matukso 'no! Yuck lang talaga!" patuloy pa rin siya sa pagsasalita. "Anyway, Dadalhin kita sa filming location ah?"

Napalingon naman agad ako sa kanya.

"Bakit?" nakakunot-noong tanong ko.

"Hmm.. Kailangan ko ng PA," nakangisi niyang sagot.

"PA?! Ako?! Wow ah!" pagrereact ko agad.

"Tss. Dali na! May sakit yung current PA ko eh. Tsaka kailangan ko ng kausap do'n! Nas-stress ang beauty ko sa kalandian ni Diana! Don't worry dahil naipaalam na rin kita kay Inang!" he said as he started the engine.

I am amazed by how things quickly change between him and Inang– between his relationship with us. Bakit wala siyang gaanong kaibigan kung ganito siya kadaling makagaanan nang loob?

Ngumiwi na lang ako sa sinabi niya. Paniguradong puro reklamo lang naman ang sasabihin niya mamaya.

Nanuod na lang ako sa senaryo sa labas ng bintana habang nagda-drive siya.

Maya-maya lang ay huminto na rin kami. Ilang oras din ang binyahe namin bago makarating.

"OMG! OMG!"

"Hoy, anong kaartehan na naman ba iyan?" pagtatanong ko kay Jackson sa biglang mahinang pagsigaw niya.

"Nakikita ko na siya. Palapit na ang linta, Poyi!" Napalingon naman ako sa sinasabi niya.

Bumungad ang isang babaeng tumatakbo ngunit may class pa rin. Maikling dress ang suot niya, maputi at matangkad. Mahaba ang pilikmata at mapula ang labi, hindi ko alam kung natural o dahil sa lipstick. Ganoon din ang kanyang pisngi. In short, maganda siya. Halatang sa ibang bansa lumaki bukod sa mukha nga siyang may halong ibang lahi. May ipagmamalaki rin ang katawan niya at... malaki ang hinaharap niya.

Napatingin ako sa sarili ko.

Mabilis ang pagkadismaya ko. Sanhi para tumalas ang tingin ko sa kaniya; edi siya na nga ang perpekto.

"Bababa ba tayo o bababa?" tanong ko kay Jackson.

"Tss." Bumaba siya agad ng kotse. Syempre, dahil hindi naman siya lalaki ay ako pa ang nagbubukas ng pinto para sa sarili ko.

Pagbaba ko ay hindi ko inaasahan ang makikita ko.

Nanlalaki ang mga mata ni Jackson habang nakahawak sa batok niya iyong babae kanina at magkadikit ang mga labi nila.

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang hagibis nang pagkislap ng mga kamera.

"Sila na ba? They're kissing behind the camera!" Narinig kong sabi ng mga tao sa likod ko.

Hindi ko alam pero parang gusto ko silang paghiwalayin. Masikip sa dibdib at nakakapang-init ng dugo ang eksena sa harap ko.

A sudden wave of possessiveness washed over me. Parang nanlamig ako at nanginig.

I wanted to shout but I was in daze to even move an inch.

Akin lang ang labing yan!

Continue Reading

You'll Also Like

20.1K 1K 36
Earl Ramses Adriatico is being bugged by his parents to be in a relationship. Walang kaso sa parents niya if he's a gay, the thing for them is that...
34.2K 1.3K 40
( SAVAGE LOVE SERIES: 4 ) Juancho Jose Samaniego Silverio a.k.a. 'JJSS' known for a fact that since birth, he only have eyes for men. Enjoying his fr...
55.5K 1.9K 57
He's my gay friend who wants to marry me to grant his father's wish before he dies. Would he change to a real man? This cover is not mine. Credits t...
21.5M 699K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...