I've Slept with A Gay

By Red_Kookie

430K 11.2K 1.1K

(Contains mature content; read at your own risk) One would surely want to live a peaceful and joyful life. W... More

I've Slept with a GAY?
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30.1
30.2
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
Epilogue
Other Stories

8

10.5K 254 17
By Red_Kookie

Thank you for reading!
Edited 7/2019
If there's any error, please tell me and help me correct it. I'd appreciate it. Thank you.

Chapter 8

______

Gaya nang sinabi ni Jackson. Ihahatid niya ako papuntang school ngayon. Maaga siyang nagpunta ng bahay kaya naman nagising nang 'di oras sila amang at kuya.

Medyo gulat pa nga sila dahil tumupad nga si Jackson sa sinabi nito. Medyo naniniwala naman ako dahil sa mga sinasabi niya sa akin, wala pa naman siyang hindi natutupad.

Pupungas-pungas pa kaming lumabas ng bahay at gate. Gaya nang nakagawian ko ay hindi ko iyon isinarado. Pero itong si bakla ay isang tulak lang ay nasarado na. Ang laki ba naman ng mga muscle sa katawan. Hindi na nakapagtataka.

"Bakit ang aga mo?" tamad kong tanong. Wala pa ako sa mood at gusto ko lang may mapag-usapan.

"Para kaunti ang tao." Sumagot naman siya. Kung sabagay, nakadisguise pa siya ngayon, tapos maglalakad lang din kami nang saglit. Baka magtaka ang mga tao kung sino siya at nandito rin siya kagabi. Marami pa namang tsismosa rito, baka malamang artista siya.

"Oo nga pala. Hindi ba tayo pag-uusapan ng mga tao dahil sinundo mo ako kahapon? Tapos 'yung tweet mo pa na nagtrending at 'pinangangalandakang may naka-ONS ka, gulo 'yon!" Nagpanic ako bigla nang maalala ang mga 'yon.

"Ah 'yon. Nakausap ko na ang principal at presidente ng school niyo. Kapag may kumalat na rumor at sa kahit na sinong naroon sa loob ng eskwelahan ninyo ang may gawa at nagpakalat, ipasasarado ko ang eskwelahan."

"Ha?! Grabe ka naman!" Nahampas ko tuloy siya nang medyo sadya.

Tinignan niya lang ako pero bumaling din agad sa dinaraanan namin ang mga mata niya bago nagpatuloy sa pagsagot sa mga tanong ko.

"'Yung sa tweet ko, wala naman ako sinabing ONS 'yon. As long as no one would speak from yesterday's event, no one would know that it's you I'm talking about."

"Pero kahit na. People will make hearsays about your tweet. Lalo na at sinagot mo pa ang tanong ni Aika kung sino 'yon. You gave them idea na may nakasama kang babae sa isang gabi! Kung i-link ka kung kani-kanino?"

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Humarap siya sa akin at hinawakan ang dalawang balikat ko.

"I am a public figure for years. I've been into various rumors and linked with different people that tried to defame me and bring me down." He put his hands inside his pockets and continue, "I am used to this. I can handle myself so don't bother yourself." Pinitik niyang bigla ang noo ko't ngumisi. "Silly."

Natulala na lang ako.

Pagkasakay namin sa kotse niya ay agad niya iyong pinaandar. Tahimik sa kotse, nakatingin lang siya sa kalsada at ako naman ay sa bintana. Mayroong dalawampung minuto ang papunta sa school kaya malamang ay mapapanis ang laway ko kung wala kaming pag-uusapan. Ewan ko ba kung bakit ang tahimik namin. Siguro dahil sa kanina? Pero ano namang kinalaman noon? Ano naman kung nakakakilig 'yung tingin niya? Ano naman?! Masyado lang sigurong maaga kaya wala pa kaming masabi sa isa't isa.

Mag-uumpisa na sana ako ng topic dahil lalo lang akong 'di mapakali nang biglang magring ang cellphone niyang nasa dashboard. Alam kong nandoon, doon nanggagaling ang tunog.

Pinakuha niya sa akin at pinasagot, pinaloudspeaker pero hindi ako pinasalita. Hawak-hawak ko lang iyon habang nagda-drive siya.

"What?" aniya sa tumawag.

"What the fuck Jackson?! Where the hell are you? Ano itong nababalitaan kong may karelasyon kang high schooler!" Agad nanlaki ang mata ko sa tinuran ng nasa selepono.

Ako iyong tinutukoy niya, hindi ba?

"That's nothing," bored niyang sagot.

Nothing? Nothing lang ako?

"Damn it, Jackson! Nasaan ka ba? Pag-uusapan natin ito! Pinatatawag ka na rin ng head ng entertainment! Bakit ngayon ka pa nakipagrelasyon kung kailan may project ka? At bakit sa bata pa? Are you even using your mind?" nanggagalaiting sigaw ng babae sa cellphone. Napagtanto kong baka manager niya iyon.

Tumunog ang cellphone ko bigla kaya pinatay ko agad gamit ang isang kamay ko kahit na 'di tinitignan kung text ba 'yon o tawag dahil malakas ang tunog at baka marinig ng kausap ni Jackson.

"Pupunta ako mamaya. Tsk." Agad niyang inagaw sa akin iyon, pinatay ang tawag, at hinagis ang cellphone sa likod. Halos himatayin ako sa ginawa niya dahil baka mabasag. Pero buti na lang at nasalo ng backseat. Nakakaloka palang magalit ang mayayaman. Nagsasayang ng gamit!

Kalmado ang mga sagot niya kanina doon sa babae. Pero halatang galit rin siya sa nangyayari. Sa akin kaya? Galit din sya?

Eh ano bang pakealam ko? Tss.

At oo nga pala! Ipasasara niya kaya ang eskwelahan namin? Sino ba ang nagpakalat no'n? Schoolmate ko ba? Teacher? Sana hindi galing sa school ang taong 'yon. At sana, hindi na lumala pa ito.

Hindi ako nagsalita buong byahe. For what? Wala rin naman kaming mapapag-usapan. Mainit din ang ulo ni Jackson. Ayokong makipagsabayan.

I don't have time for a catfight.

Sa kama siguro..puwede.

Halos masuka ako sa naisip. Kadiri! Bakit naman sa lahat nang maiisip ko ay iyon pa? Pumasok tuloy sa utak ko ang mga nangyari noong gabing iyon! Masakit sa ulo! Blurred ang pangyayari pero ramdam na ramdam ko ang bawat halik at maiinit niyang haplos. God! Why does he need to be so hot? Parang ang sarap niyang araw-arawin sa kama.

Acck! Kadiri.

Naging manyak na ako. Ang hirap mag-isip ng iba lalo pa at ganitong gwapo ang kasama ko.

Pinilit kong burahin ang nasa utak ko. Nag-concentrate ako sa labas ng bintana at kung minsan ay sa harap, huwag lang sa gawi niya dahil pumapasok na naman ang malalaswang ala-ala sa utak ko. Hanggang sa maya-maya ay natanaw ko na ang mga pamilyar na establishments malapit sa school.

At pagkarating namin malapit doon ay napakaraming taong nagkukumpulan sa tapat mismo ng school. Mayroon ding mga cameraman at reporters. Halos umabot hanggang sa susunod na kalye ang mga tao dahil sa dami. Nakakalusot na rin ang kakaunting ingay rito sa loob ng kotse ni Bakla.

Anong meron?

Bago ko pa malaman ang sagot ay malakas na nagbreak si Jackson habang nakakunot ang noong nakatingin sa labas.

"Tangina naman!" napamura ako nang hindi oras dahil kung hindi ako nakaseatbelt ay malamang na tumilapon na ako palabas ng kotse niya.

Hindi niya ako pinansin sa halip ay bumigkas siya ng mahihinang mga mura.

"Fuck! Fuck! Fuck!"

Wings? Joke lang.

"Bakit ba?" Nairita ako agad dahil bwisit pa rin ako sa biglaang pagpreno nya.

Napaharap siya sa akin.

"Damn! Are you okay? Hindi ka naman nasaktan, right? Does your tummy hurt?" sunod-sunod niyang tanong sabay haplos sa tiyan ko kaya napabalikwas ako sa gulat. Nanghahawak bigla!

"Shit! Masakit nga?" Nataranta siya agad nang makita ang naging reaksyon ko. Akala niya ba ay nasaktan ako? Nagulat lang ako! Ano bang nangyayari sa baklang ito?

"HEY!" sigaw ko sa kanya kaya napatigil naman siya agad. "Hindi ako nasaktan, okay? Nagulat lang ako," paliwanag ko sa kanya. Napahinga naman siya nang malalim sabay hilot sa kanyang sentido.

"Bakit?" hindi ko na napigilang itanong. Baka malate pa ako nang 'di oras kahihintay sa mga sasabihin niya.

"May iba pa bang pwedeng pasukan sa school mo? Sa likod, probably?" tanong niya. Hindi na naman sinagot ang tanong ko.

"Tsk. Wala na." Ang bilis ko talagang mairita. Hindi na naman kasi ako sinagot nang maayos.

"Right! Damn," bulong niya na narinig ko. "Huwag ka munang lumabas dito." Hindi pa man ako nakakasagot ay lumabas na siya agad ng kotse at dahan-dahang pumunta sa likod. May kinukuha ata.

Doon ko lang naalala na may nagtext o tumawag pala kanina. Baka hinahanap na ako nila Aika. Binuksan ko ang kukurap-kurap kong cellphone at nakitang text pala iyon galing kay Aika.

Pagbukas ko ng message ni Aika ay bumungad sa akin ang all caps na message niya.

From: Aika Marieee

WHERE ARE YOU? KUNG NASAAN KA MAN AY HUWAG KA NANG TUMULOY PUMUNTA NG SCHOOL! JACKSON'S FANS AND MEDIA ARE HUNTING YOU! BETTER STAY IN WHEREVER YOU ARE AND DON'T GET YOURSELF IN TROUBLE!

Pasigaw ko rin iyong binasa. Pero..

"FANS AND MEDIA?" Napatayo ako at agad ding napaupo dahil naalala kong nasa loob ako ng kotse. Nasaktan pa tuloy ang ulo ko.

So.. ang mga taong nakikita ko 'di kalayuan sa sasakyang ito ay mga fans ni Jackson at media?

Tumunog muli ang phone ko. May sinend na picture sila Cola at isa iyong article na naglalaman ng picture ko kasama si Jackson! Ito iyong araw na sinundo or should I say hinatak niya ako mula sa school!

'Jackson is Dating A High School Girl' iyon ang title noong article.

Gad! Agad kong binura iyong message.

Sa pagkakakuha ng litrato, mukhang isang paparazzi ang kumuha nito. Mukhang nasundan si Jackson kahapon. At mukhang hindi maipapasara ang school namin. Pero sinundan din kaya kami hanggang condo niya? Hanggang bahay? Sana hindi. Ang bahay ang pinakaligtas na lugar para sa akin.

Maya-maya lang nainip na ako. Bakit ba ang tagal ni Jackson sa likod?

Dahil atat na atat na akong makaalis dito ay lumabas ako nang dahan-dahan para pumunta sa likod. Baka kasi nakidnap na si Jackson nang hindi ko nalalaman. Hindi ako mapakali sa loob ng sasakyan.

"Jackson! Ang tagal mo naman." Mahina ko lang iyong isinigaw nang malapit na ako sa kanya. Nakahinga rin ako nang maluwag nang makitang kinukuha niya lang ang mga pandisguise niya.

Pero bago pa ako makapunta nang tuluyan sa likod ng kotse ay narinig ko na ang mga yabag at sigaw ng mga tao.

"Kotse iyon ni Jackson!" sigaw nung isang reporter.

"Iyon 'yung babae!" nagmula naman sa Fans.

"SI JACKSON!" sigaw ng karamihan.

Nanlalaki ang mga mata ko at bago pa masara ni Jackson ang trunk ng kotse ay hinatak na niya ako pasakay dala ang mga kinuha niyang pangdisguise 'dapat' pero hindi na kailangan dahil nakita na siya ng mga tao.

"I told you to stay here! Bakit ka ba lumabas? Why do you need to be so stubborn!" Iritang pinaharurot niya paalis ang kotse. Hindi alintana na baka masira iyon dahil nakabukas pa ang trunk nito.

Tulala akong nakanganga at nakatingin sa mga humahabol sa aming tao.

Nang dahil sa gabing iyon, nakilala ko ang isang Jackson, nakabunyag ako ng sikreto, and in just a snap..

Umingay ang buhay ko.

Continue Reading

You'll Also Like

206K 4.5K 42
And it all happened without any spoken words between them just her cries of exquisite pleasure and HIS guttural moans of satisfaction. It was one nig...
34.2K 1.3K 40
( SAVAGE LOVE SERIES: 4 ) Juancho Jose Samaniego Silverio a.k.a. 'JJSS' known for a fact that since birth, he only have eyes for men. Enjoying his fr...
1.9M 49.3K 164
Frankie (Epistolary with narration)
317K 11K 47
A story of a gay boss and his seductress assistant. A dose of ecstasy and romance for all Wattpad readers. I am not a great writer. If you want to re...