60 - Mga Banat ni Hiro

15.8K 596 190
                                    

Echos lang yang nasa media. Hahaha

*****

"WHAT?! So totoo nga?!"

"Oh my G! Kelan pa?!"

"What did you do?! How did you make him fall for you?!"

"B*tch!"

"I'm dying! Oh my God! I just can't take it anymore!"

"Tell me! How did you do it?! Tell me!" Inalog-alog pa ako ng isa sa mga babaeng nakapalibot sa akin, si Joyce. Nasasaktan ako sa ginagawa nya pero hindi ako makapalag. Akala ko ba titigilan na niya ako dahil kaibigan niya naman pala si Patty at magkasama pa sila sa dorm. Hindi pa pala. Idagdag pa ang iba pang babaeng nakaharang sa akin.

"Aray! Nasasaktan ako!" reklamo ko.

"I don't care! Wala pa yan sa sakit na nararamdaman ko!" sagot nya. Nangngangalaiti sya.

"Kill that b*tch!"

Pinalilibutan ako ngayon ng mga babae. Nalaman kasi nila ang tungkol sa amin ni Hiro. Iba-iba ang reaksyon nila. Yung iba galit, ang iba naamaze, natuwa, at yung iba naman ay nakikiusyoso lang.

"Inaano ko ba kayo? Paraanin nyo nga ako." Sinubukan kong sumingit sa kanila para makaalis pero hindi nila ako hinayaan.

"Malandi ka!" Napapikit nalang ako nang umangat ang kamay niya at handang padapuin iyon sa mukha ko.

"Don't you dare!"

Napadilat ako nang marinig ang boses na iyon. Lahat ng tao na nakapaligid sa akin ay automatikong napalingon sa pinanggalingan nun. Nakita ko pang nakabitin sa ere ang kamay ng sasampal sana sa akin.

"Oh my God si Hiro!"

"Waaaaah! Hiro!

"Hiro! Oh noes!"

Nagbulungan ang mga tao. Hinawi ni Hiro ang sinumang nakaharang sa daraanan nya papunta sa...papunta sa akin?

Hindi naman siya nahirapang makalapit. Yung iba ay nag-atrasan na dahil sa nakakamatay na tingin ni Hiro. Yung iba naman ay nagtakbuhan na palayo.

Agad niyang hinawakan ang kamay ko nang makalapit siya sa kinatatayuan ko. Medyo itinago pa nya ako sa likuran niya at hinarap ang mga babae.

"Sinong nagsabing pwede nyong saktan ang babaeng to?" seryoso at mariin niyang tanong. Nakakatakot ang boses niya. Napatingin tuloy ako sa kamay ko. Ang higpit kasi ng pagkakahawak niya eh.

"Why her?!" mangiyak-ngiyak na tanong ni Joycelii.

"Yeah right! What does she have that we don't?!" segunda naman ng isa. Ang OA lang ng mga to ah.

"Is that even a fvcking question? It was d*mn unanswerable!" sarcastic na tugon ni Hiro. Nagagawa niya pang ngumisi?

Tiningnan ako nung babaeng kanina pa naghihysterical. "I am better than you, b*tch!" Saka niya binalik ang tingin kay Hiro. "I am better than her! Napakastupid ng probinsyanang yan! "

"Fvck you! Gusto mo basagin ko yang mukha mo?!"

Napaatras pa sila dahil sa pagtaas ng boses ni Hiro. Kahit ako kinilabutan.

"Tsk. Wag nga kayong kj dyan. Anong magagawa nyo kung mahal talaga ni Hiro yang si Sam?" Napatingin ang lahat dun sa biglang naglitanya.

"Xy!" Nandun siya sa may sulok at nakaupo sa railings. Hinahagis-hagis pa niya sa ere yung apple na hawak nya saka sasaluhin. Hindi ba siya natatakot na baka mahulog siya dyan? Nasa third floor kaya kami.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon