31 - Tip No. 2

13.3K 374 17
                                    


"Okay. Tip number 2: Body language and Mirroring strategy." panimula ni Kei na mukhang sumuko na sa pangungulit ko sa kanya. Ayaw nya pa kasing sabihin yung mga tips eh. Eh gusto ko na ngang maging maayos na kami ni Hiro para naman matahimik na ako. Wag kayong mag-isip ng kung anu-ano. Gusto ko lang talaga magkaayos kami.

"Body language and mirroring strategy?" tanong ko habang nakalagay ang hintuturo ko sa ilalim ng lower lip ko na tila nag-iisip.

"Yup! Sabi nga, action speaks louder than voice. Give attention to your body language. Ang simpleng kilos nyo ay pwedeng maging meaningful. Pati yung simpleng pagdidikit ng skin ng dalawang tao ay nagkakaroon ng ibig sabihin. Isang effective na technique ang Mirroring strategy. Gayahin mo kung anong ginagawa nya. I mean, pagtuunan mo ng pansin ang mga interest nya para naman magkaroon kayo ng connection sa isa't isa. Kelangan sa bawat kilos na gawin nya ay mapansin nyang mayroong kahit 10% na connection ka dun. Okay?"

Napatango nalang ako bilang pagsang-ayon kay Kei. Naintindihan ko naman sya. So pano ba yan, mission begins!

*****

"Gooooood mooooorniiiiiiinggg!" masiglang bati ko sa GALAXY na nasa dining room na at umiinom ng kape. Medyo nagulat pa nga ako kasi akala ko ako ang mauunang gumising eh. Sobrang aga pa kasi. Medyo madilim pa nga sa labas eh.

"Uy Sam! Gising ka na pala. Gusto mo na bang magbreakfast? Mauna ka na lang munang kumain." sabi ni Shan na humihigop ng kape nya.

"Uh? Bakit ang aga nyo ata?" tanong ko. Pinaupo naman ako ni Shan sa silyang katabi nya.

"Mag-eexcercise kasi kami ngayon. Magbabasketball kami." sagot ni Kei na kunwari ay nagshoot pa ng bola papunta kay Rain. "Saluhin mo dude!"

"Oops! Gotcha!" sinalo naman ito kunwari ni Rain. Naiiling nalang ako dito sa dalawa. Parang ewan lang.

"Gusto mo bang manuod? Maaga pa naman eh." tanong ni Kei.

Manood ng basketball? Hindi ako masyadong mahilig dun. Pero naalala ko ang mission ko. Ito ang unang beses na makikita kong magbasketball si Hiro. Kaya dapat akong magpakita ng interest.

"Sige ba. Manonood ako."

"Mabuti pa siguro kumain ka na. Ano bang gusto mo?" tanong sakin ni Shan. Tumayo sya at nagbukas ng ref.

Nag-isip ako. Pero bigla kong naalala ang misyon ko. Tip No. 2: Body language and Mirroring strategy. Tiningnan ko si Hiro na nasa tapat ko pala. Nakaupo sya habang nakaharap sa ipad nya. Nasa harap nya ang isang baso ng gatas at isang platito ng...

"Ano yan?!" tanong ko na nakaturo dun sa platito. Napalakas ata ang pagkakasabi ko kaya nagtinginan silang lahat sakin pati si Kian na tahimik lang. Pati si Hiro ay nag-angat ng tingin.

Agad na tinakpan ni Shan ang mata ko na para bang rated SPG ang tinuturo ko. "Wag mo ng tingnan Sam. Mawawalan ka ng ganang kumain pag pinansin mo pa yun kaya wag mo nalang tingnan, okay?"

Inalis ko yung kamay nya at tinitigan ang nasa platito. Hindi ko kasi matukoy eh. Lumapit naman sakin si Rain at bumulong.

"Recently ko lang napansin ang pagiging weirdo nyang si Hiro. Nahiligan nya ata ang pagkain ng exotic food. At alam mo ba kung ano yung kinakain nya?"

"Ano?"

"Minatamis na pritong palaka! Banana cue style!"

Napatakip ako ng bibig. Pinilit ko ang sikmura ko na wag bumigay dahil sa sinabi ni Rain. Hindi ko alam na may nag-eexist palang ganung pagkain--kung pagkain ngang matatawag yun.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon