69 - Revelation of the Past

12.6K 398 54
                                    

Dedicated ang chapter na to sa dyosang si @InkedMind dahil sa bookcover na nasa media. Maraming salamat bh3! Although nawawala si Kian (Haha), I appreciate it alot. Kaya kung gusto niyong magpagawa ng mga bookcovers, sugurin niyo siya. Hahaha. Salamuch dito! Gagawa ako ng video. Isasama ko to. Pati lahat ng fan arts. Gawa din kayo para madami mailagay ko sa video na gagawin ko. ;)

Bago ang lahat, sino ang gustong maging OP? Taas ang ingrown sa paa! Lels. Dun tayo mag-usap sa fb kung gusto niyo. XD

Okay. So heto na po ang pinakahihintay niyong chapter. *bites nails* Pressure attack. Aware kasi ako sa plot holes ng OSAFH at yun ang gumugulo sa akin ngayon. Kaya kung mabusisi ka at nagbabasa ka between the lines, mapapansin mo yun. Huhu. Baka kasi after nyong mabasa tong chap na to ay malito-lito kayo (Sana naman hindi XD). Kaya under revision na po ang OSAFH at tinatama ko na ang mga plot holes na yun. :)

Game!

*****

"Bantayan niyo ng maigi yang mga yan ah! Kapag nangyari ulit to, alam niyo na ang mangyayari sa inyong lahat." bilin ni Xy sa mga tauhan niya.

Nandito muli kami sa attic na pinagkulungan sa amin kanina. Nasa iba't ibang parte kami ng kwarto at hindi kagaya kanina ay nakatali na ang mga kamay namin patalikod habang nakaupo sa upuan. Magulo na ang itsura ko dahil sa nangyari kanina. Ang GALAXY naman ay may mga pasa at sugat sa mukha dahil sa panlalaban nila. Pero wala din kaming nagawa dahil mas marami sila.

Tiningnan kami ni Xy isa ng matalim. "Subukan niyong tumakas ulit, hindi ako magdadalawang-isip na pugutan ng ulo ang isa sa inyo sa harap niyo mismo! Huh!"

"Ano ba talagang gusto mong mangyari?! Bakit mo ba ginagawa to?!" Inipon ko ang lakas para isigaw yan sa kanya.

Pinagkrus niya ang braso niya at hinarap ako. "Hindi pa ba malinaw ang lahat? Pinatay niya ang tatay niyo ni Xander! Isa siyang kriminal!"

"Hindi totoo yan! Gumagawa ka lang ng kwento para saktan kami!" Nagpupumiglas na ako. Maluha-luha na rin ako dahil sa bigat na naiipon sa dibdib ko. Imposibleng mangyari ang bagay na yun. Mabait ang daddy ni Hiro. Napakaraming tao sa mundo. Hindi pwedeng siya ang pumatay sa tatay ko.

"Ayaw mo maniwala? Bakit? Dahil hindi mo matanggap? Dahil ayaw mong masaktan?" Tumawa siya ng pagak. "Wala ka nang magagawa! Yan ang katotohanan! Tanggapin mo na ang pamilya ng taong mahal mo ay ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya mo!"

"Hindi! Nagsisinungaling ka! Gusto mo lang kaming sirain!" Lalo akong naghysterical. Tiningnan ko si Hiro na ngayon ay nakayuko lang. "Hindi totoo yun diba? Nagsisinungaling lang siya! Gusto niya lang tayong sirain! Diba? Hiro, tingnan mo ko. Sabihin mo saking hindi totoo yun."

Ilang saglit ang hinintay ko para sa sagot ni Hiro. Gusto kong marinig mula mismo sa kanya na hindi totoo yun. Na nagsisinungaling lang si Xyra. Na gusto niya lang kaming sirain. Pero wala akong natanggap na sagot. Nanatili lang siyang nakayuko.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon