57 - Siblings

13.5K 380 63
                                    

Dedicated kay marielle_otaku dahil ginawan nya ng fan art ang OSAFH. Anime version ng GALAXY at ni Sam! Ang ganda promise! Tuwang-tuwa ako lalo na talaga sa anime version ni Rain! Ang lakas ng tama sakin. Hahaha. Kung gusto nyong makita punta nalang kayo sa page ng OSAFH.

Yung nasa media pala ay yung kissing scene ng #SamIro. Para sa mga hindi nakabisita sa page, yan na. Ayoko lang talagang maging spoiler kaya di ko sinama sa previous chapter. Hahaha. ^__^v

Okay, I'll shut up now. Namnamin nyo ang chapter na ito! Hurray!

*****

Halos sumabog na ang dibdib ko dahil sa nangyayari. Sobrang lapit ng katawan namin ni Hiro sa isa't isa. Nakahawak ang kaliwa niyang kamay sa mukha ko. Ang kanan ay nakasuporta sa bewang ko. At magkadikit ang labi namin.

Para akong lumulutang sa ere. Ramdam kong sobrang init ng mukha ko. Sa sobrang tindi ng nararamdaman ko, parang bigla akong nanlambot. Kung hindi niya lang ako hawak baka natumba na ako.

Isang halik. Ganun ba katindi ang epekto nun sa isang tao? Diba dapat galit ako sa kanya? Pero parang bigla yung nabura. Ang hirap iexplain. Pakiramdam ko mababaliw ako.

Naghiwalay ang mga labi namin matapos ang ilang sandali. Hinabol ko ang hininga ko dahil parang galing ako sa isang karera. Sobrang bilis pa din ng tibok ng puso ko. Lalo pang tumindi nang makita kong nakatingin siya ng diretso sa mata ko. Lalong nag-init ang mukha ko. Nakakahiya.

Ilang sandali lang syang nakatitig sa akin. Para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi-sabi.

Bigla siyang ngumiti, isang matipid na ngiti. Nanlaki ang mata ko dahil dun. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Nakakainis lang kasi hindi ko mabasa ang iniisip niya. Binibitin niya ako sa mga tingin niyang yan.

Muli siyang lumapit sa akin. Sobrang lapit. Inilagay niya ang mga kamay niya sa balikat ko habang nakatitig pa rin sa akin. Ako naman ay parang naninigas na sa pwesto ko. Feeling ko aatakihin ako kahit wala naman akong sakit sa puso.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. Tapos ay binaba na niya ang mga kamay niya. Saka siya tumalikod sa akin.

Litong-lito ako habang pinapanood syang humakbang palayo. Gusto ko siyang tawagin at itanong ang napakaraming bagay pero nawalan ata ako ng boses. Delikado pala talaga ang kiss. Naparalyzed ka na, magkakaheart attack ka na, napipi ka pa.

Nakakaisa't kalahating metro palang siguro ang layo niya sa akin nang bigla siyang huminto. Napasinghap pa ako nang lumingon siya pabalik. Heto na naman ang puso ko.

Akala ko yun lang yun. Pero mas nagulat ako nang mabilis siyang naglakad papunta sa kinaroroonan ko. Sobrang bilis niya na ni hindi ko nagawang umatras.

At bago pa man ako makapagreact ay natagpuan ko nalang syang nakayakap sa akin!

Dug Dug Dug

"Hiro---"

Nagulat talaga ako. Halos malaglag pa ang panga ko dahil sa sobrang pagkabigla. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sobrang higpit ng yakap niya. Hindi ko alam kung itutulak ko ba sya o yayakapin pabalik.

"I'm sorry, Sam. Sorry." paulit-ulit niyang sambit. Kahit mahina lang ay dinig na dinig ko yun dahil nakapatong ang ulo niya sa ulo ko. "Sorry."

"B-Bakit?" Sa wakas ay nakapagsalita din ako.

"I'm sorry." Hindi ko sigurado pero yung boses niya ay parang umiiyak. Ano bang nangyayari?

"Sorry? Nakokonsensya ka na ba sa mga ginagawa mo? Natauhan ka ba sa mga sinabi ko?" malumanay kong tanong. Mas lalo namang humigpit ang yakap niya.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon