20 - I Will Be Here For You

13.4K 566 42
                                    

Natapos na namin ni Rain yung pag-aayos ng mga kalat sa kwarto ni Hiro. Buti nalang din at tinulungan kami ni Shan. Si Kei at Kian naman hinayaan lang kami tapos hindi pa ata makaget over si Kei kasi tawa pa rin ng tawa eh. Si Hiro naman hindi pa bumabalik. Di ba sabi nya five minutes daw dapat tapos na naming ayusin yung kaguluhan sa kwarto nya? Pero isang oras na ata ang nakakalipas pero hindi pa rin sya bumabalik eh. Nasan kaya yun?

"Shan, sobrang galit kaya si Hiro kaya hindi pa sya bumabalik? Ganun ba kahalaga sa kanya yung pink na baboy na yun?" tanong ko habang kumakain ng cookies. Sabi kasi ni Shan nagalit daw si Hiro dahil sa ginawa namin dun sa baboy eh.

"Ang pagkakaalam ko napakaimportante nun sa kanya eh. Ni hindi nya nga yun nilalabas kasi natatakot syang mawala yung si JamJam.

"Talaga? Favorite toy nya ba yun nung bata pa sya?" Nakakapagtaka naman kasi na hanggang ngayon ay nasa kanya pa rin yun eh. Hindi ko maimagine na may hawak na pink na baboy na stuff toy si Hiro.

"Galing kasi yun kay Sam."

"Ano?"

Ngumiti sya sakin. "Si Sam. Yung past first love nya."

"Ah." Ngayon naiintindihan ko na.

"Wag mo ng isipin yun. Baka may pinuntahan lang sya ngayon. Mamaya magiging okay na din ang lahat." nakangiti nyang sagot. Si Rain naman wala lang imik habang nilalantakan ang isang jar ng cookies. Malapit na nga nyang maubos eh. Ang takaw talaga nito.

RIIIIIIINNNGGG

Agad kong kinuha yung cellphone ko kasi mukhang may tumatawag. Lumayo muna ako ng konti sa kanila bago sagutin ito.

Xy Calling...

Si Xy pala. Mula nung PAU Music Fest hindi ko pa sya nakakausap. Bakit kaya sya tumawag?

"Hello Xy?"

[Kelangan ka daw nila dito sa cafe.]

"Talaga? Sige. Sige. Pupunta ako. Salamat."

Toot Toot Toot

"Sino yung tumawag?" tanong ni Shan.

"Si Xy. Pupunta ako sa Nova Café."

"Wag ka na kaya munang pumunta? Kagagaling lang ng sakit mo eh." Nag-aalala na naman sya.

"Okay na okay na ako Shan. Wag ka ng mag-alala."

"Sasamahan kita."

"Mmmpp. Shama rin ako." sabi naman ni Rain.

"Hoy Rain. Pwede bang wag kang magsasalita na punung-puno yang bibig mo ha?" saway ni Shan.

Lumunok naman si Rain. "Basta sasama din ako ah."

Tumango nalang ako sa kanila. Ito siguro ang makakapagpatahimik kay Shan. Baka kasi sobra lang syang mag-alala eh.

"Yow! San punta nyo ah?" tanong ni Kei nung palabas na kami ng dorm.

"Sa Nova Café." sagot ni Shan.

"Pakshet! Iiwanan nyo ko kasama tong si Kian? Tss. Sasama nalang din ako sa inyo. Inom nalang tayo dun. Yeah." Inom? Ah baka ng kape.

"Eh ikaw Kian? Dito ka lang ba?" tanong ni Rain.

"Psh." Sinara nya ang hawak na libro saka tumayo. Sabay-sabay kaming pumunta sa Nova Café.

*****

Nagulat nalang ako pagdating ko sa Nova Café kasi ang laki ng ipinagbago nito. Naging mas malaki na sya kasi nabili na pala ni Mr. Chong Go yung katabing pwesto. At ang ikinagulat ko pa ay nagseserve na sila ng alak. Light drinks nga lang. Ilang araw lang akong nawala tapos ang laki agad ng ipinagbago. Ibang klase.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon