54 - Christmas Tree

10.7K 383 55
                                    

"Sam, will you be my girl?"

Ilang sandali akong hindi kumurap dahil sa sinabi ni Shan. Kahit na sinabi na niya sa akin noon ang nararamdaman niya, sobra pa rin akong nabigla. Hindi ko to napaghandaan. Akala ko hanggang dun lang yun. Pero hindi ko naisip na tatanungin niya ako ng ganyan.

"Umm, S-Shan..." Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. "Umm---"

Bigla niyang nilagay ang hintuturo niya sa ibabaw ng labi ko. "Hindi naman kita minamadali eh. Handa akong maghintay hanggang sa marealize mo na mas worth it ako kesa kay Hiro. Okay na ako maging rebound. At least maipaparamdam ko sayo na mahal talaga kita, baka sakaling mawala na ang nararamdaman mo kay Hiro at para hindi ka na masaktan dahil sa kanya."

Speechless pa rin talaga ako. Sobra akong natatouch sa mga sinasabi ni Shan. Pero diba magiging sobrang unfair ko naman nun?

"Sige na. Magpahinga ka na." sabi niya. "Goodnight."

"Goodnight din." Tapos ay umalis na ako at dumiretso sa kwarto. Ang gulo na ng utak ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Pagkapasok ko ay nadatnan ko sa loob si Chinnie na nakaupo sa gilid ng kama at may kung anong ginagawa sa mukha niya. Napatingin siya sa akin pagpasok ko at huminto sa ginagawa nya.

"Sam..."

Sinulyapan ko lang siya at hindi na pinansin. Ayoko nang madagdagan pa ang mga nagpapagulo sa isip ko.

Naglatag nalang ako ng higaan sa sahig gaya ng dati. Pero bigla siyang lumapit sa akin.

"Sam. Talk to me." maarte ang tono niya pero mahinahon.

Hindi ko pa rin siya pinansin. Nang maayos ko na ang hihigaan ko ay agad akong nahiga at nagtalukbong ng kumot. Wala talaga ako sa mood makipag-usap sa kanya. Hindi naman talaga ako galit sa kanya dahil kung tutuusin ay ginamit lang siya ng tatlong monghe na yun. Pero ayoko lang munang makipag-usap sa kanya. Kelangan ko muna ng time para makamove on sa ginawa nila. At oo. Yung tatlong monghe ay sina Kei, Rain, at Kian. Ngayon lang ako nakaisip ng pangalan ng sub group nilang tatlo eh.

"Hey Sam!"

Pero hindi ko pa rin siya pinansin.

"Fine! I'm sorry."

Natigilan ako nang marinig iyon. Sorry? Tama ba?

"Gosh. You know what? Hurting someone wasn't my intention. Pinagbigyan ko lang sila sa help na hinihingi nila from me. Yes. Okay lang if you're mad. But you should be thankful instead. Nagwoworry lang sila sayo kaya nila naisipang gawin yun no. So it's up to you kung anong mararamdaman mo. Oh well, just saying."

Ang arte talaga ng babaeng to. Pero kahit ganun narealize ko na tama siya. Isa pa, maganda naman sana ang purpose nila eh. Si Hiro lang talaga ang problema.

"Dito ka na nga. Let's sleep together here sa bed mo. Sobrang nakokonsensya na kaya ako pag natutulog ka dyan sa floor. I'll be leaving naman na tomorrow eh." Narinig kong sabi niya. Pero hindi ko siya pinansin. Nagkunwari nalang akong tulog.

"Hey! Come here na nga. Ayaw mo? Fine!"

Nagulat nalang ako nang bigla niyang hablutin yung kumot at nahiga siya sa tabi ko.

"Hoy Chinnie! Ano bang ginagawa mo?"

"I'll sleep here na din. Let's sleep together here kung ayaw mo sa bed."

Napabangon ako. Baliw ba siya? "Umayos ka nga. Bumalik ka na dun sa kama."

"No."

Ang lakas din ng tama nito eh. "Bahala ka nga. Matutulog na ako." Bumalik nalang ako sa pagkakahiga.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon