63. The Diamond Necklace

11.2K 472 37
                                    

"SAAAAM! WAG MO KONG IWAN! HUHUHU!"

Nagising ako dahil sa nakakabinging ingay ng kung anuman yung humahagulgol. Para pa akong madudurog dahil sa sobrang higpit ng yakap sakin.

Si Patty.

"Will you please shut up? Hindi siya patay!" saway ni Hiro.

Tatayo na sana ako pero...Aray. Parang ang sakit ng ulo ko.

"Gising na siya!" Nataranta ang lahat dahil sa sinabi ni Shan. Lahat sila ay naglapitan sa akin.

"Tumawag kayo ng doktor!" Natatarantang utos ni Hiro. Agad namang lumabas si Rain para siguro sundin siya. Wala pa sigurong isang minuto ay may kasama na siyang lalaki na nakasuot ng lab gown at may stethoscope. May hawak rin siyang folder.

Agad na lumapit si Hiro sa kanya. "What's happening, doc? Bakit bigla siyang nawalan ng malay?"

Tumingin yung doktor sa hawak niyang folder. "I'm sorry. Pero didiretsuhin ko na kayo."

Kinabahan ako sa tono ng pagsasalita niya. Maging ang GALAXY at si Patty ay ganun din.

"Malala na ang sakit niya."

"Malala? Anong sakit niya?" tanong ni Shan na halata mong naguguluhan. Anong sakit ko?

"Tumor sa lalamunan. Stage 4." kaswal na sagot ng doktor.

Nabalot ng katahimikan ang kwarto. Lahat mukhang nagulat. Lalong-lalo na ako. Ako ba pinaglololoko nito? Kelan pa ako nagkaroon ng stage four na tumor sa lalamunan?

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at hinarap ang doktor. "Wala po akong sakit!"

Umiling-iling ang doktor. "Alam kong mahirap pero kelangan nyong tanggapin ang katotohanan."

"UWAAAAH SAAAAM!" Agad na lumapit sa akin si Patty at niyakap ako ng mahigpit habang wala siyang tigil sa pag-iyak. "Bakit hindi mo sinabi sa amin na may sakit ka na pala? Bakit???"

Tinulak ko siya at hinampas ng unan. "Wala nga akong sakit!"

"At meron nalang siyang 30 minutes para mabuhay." dagdag pa ng doktor. Lalong nagkagulo sa kwarto. Sa sobrang inis ko kinuha ko yung tray sa tabi ko at binato sa walang kwentang doktor na to. Tinamaan siya sa ulo kaya natumba siya.

Pinalibutan nila ako. Sina Patty at Rain ay walang tigil sa paghagulgol. "Hoy kayong dalawa! Tumahimik nga kayo! Mukha ba akong mamamatay?"

"Oo! Ang putla-putla mo! Huhuhu!" sagot ni Rain.

Nakita ko ang nakakatakot na aura ni Hiro. Pinatayo niya ang doktor sa pamamagitan ng paghila sa kwelyo nito. Nagliliyab ang mga mata niya. Nakakatakot. "Totoo ba yang sinasabi mo ha?! HA?!" Isang malakas na suntok ang pinatama niya sa mukha nito kaya tumalsik ito sa sahig.

Bigla namang pumasok ang isang doktor na nasa mid-40s siguro ang edad. Nadatnan niya sa sahig ang dokgor na sinuntok ni Hiro. Kumunot ang noo niya habang nakatingin dito. Agad na bumangon ang doktor. Nataranta siya at nagmadaling lumabas. Ano yun? Fake o nangtitrip lang?

"Hoy bumalik ka rito!" Agad lumabas si Patty at sinundan yung fake na doktor. Sumunod naman sa kanya si Kei.

*****

KEILAN 'KEI' FRANCISCO'S POV

"Hoy Patty!" Para akong ewan na tumatakbo rin sa hallway at sinusundan yung Patty Pet na yun. Hinabol pa kasi yung na doktor na hindi ko alam kung ano ba ang trip sa buhay. Munggago lang. May pa-tumor-tumor pa siyang nalalaman.

Hinawakan ko siya sa braso nang maabutan ko siya. "Tumigil ka na nga."

Nagpupumiglas naman siya pero hindi ko binitiwan. "Bitawan mo nga ako! Papatayin ko lang yung lecheng doktor na yun! Akala ba niya magandang joke yun? Eh kung pasabugin ko kaya yung utak niya?"

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon