Epilogue

15.3K 456 141
  • Dedicated kay All OSAFHers
                                    

May video po akong ginawa para sa inyo. Wag niyo munang i-play. Mamaya na after niyong mabasa ang Epilogue. :) And don't forget to read My Letter to You. ;)

*****

Huminga ako ng malalim at nginitian ang sarili ko sa salamin. Namamaga na ang mga mata ko dahil sa kakaiyak. Inayos ko ang magulo kong buhok. Kelangan kong ayusin ang sarili ko bago ko balikan si Kian-si Kuya Kian. Gusto kong paggising niya ay maayos na Samantha ang makita niya at para hindi na siya mag-alala pa. Gusto kong ipakita sa kanya na worth it ang pagsasakripisyo niya ng buhay niya para sa akin.

Lumabas ako sa restroom nang maayos na ang sarili ko. Marahan akong naglakad sa hallway ng ospital pabalik sa kwartong kinaroroonan niya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng mga nangyari. Masakit sa dibdib. Maayos na buhay lang ang hinangad ko. Pero umabot pa sa ganito.

"Doc! Iligtas niyo siya! Iligtas niyo ang anak ko!" Natigilan ako nang marinig ang pag-iyak ng isang babae na nasa loob ng emergency room. Lumakas ang kabog ng dibdib ko habang pinapakinggan siya sa kabila ng pintuang nakapagitan sa akin at sa mga tao sa loob ng ER.

"Clear!"

Kahit maluha-luha ay naglakas-loob akong sumilip sa loob. May transparent na bahagi ang pinto kaya pwede kong makita ang mga pangyayari. Hawak-hawak ng doktor sa magkabila niyang kamay ang bagay na parang plantsa saka niya ito itatapat sa dibdib ng pasyente niya. Napapalundag ang katawan nito dahil doon.

"Doc! Iligtas niyo siya!"

Nanlaki ang mga mata ko nang mabaling ang paningin ko sa katabi nilang monitor. Halos huminto ang puso ko. Unti-unting naging straight ang pazigzag na kulay berdeng linya mula roon.

Inulit ng doktor ang proseso. Napalundag muli ang katawan niya nang ilagay sa dibdib ang parang plantsa na yun. Hindi ko na nakontrol pa ang mga luha ko. Nagtuloy-tuloy na ito sa pag-agos kasabay ng pagtuwid ng linya sa monitor. At kasinglakas ng mga hagulgol sa loob ng kwarto ang tibok ng puso ko. Parang sinasaksak ang dibdib ko dahil sa mga nakikita ko.

Saglit na huminto ang luha ko nang maging zigzag muli ang linya sa monitor. Lalo pa nung sabihin ng doktor na ligtas na ang pasyente. Pumatak muli ang luha ko hindi dahil sa sakit kundi dahil sa saya. Isang pasyente ang nailigtas.

Umalis na ako sa tapat ng kwartong yun at nagtuloy-tuloy na sa silid na kinaroroonan ni Kuya. Ang swerte ng pasyenteng yun na nasa kabilang kwarto. Nabigyan pa siya ng pangalawang pagkakataon sa mundo.

"Sam!" Sinalubong kaagad ako ni Rain pagkapasok ko. Kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala. "San ka galing? Kanina pa kita hinahanap eh."

"Hm? Sa restroom lang. Bakit?" tanong ko.

Ngumuso siya at inalalayan ako paupo sa sofa kahit na kaya ko naman. "Pinapabantayan ka sa akin ni Hiro eh. Siya muna kasi ang nag-asikaso ng mga kailangang asikasuhin dito sa ospital. Si Shan naman hinatid muna pauwi ang nanay mo para makapagpahinga. Tapos si Kei bumili muna ng pagkain."

Napatango-tango nalang ako. Ganun na ba ako katagal sa loob ng cr? Hindi ko namalayan eh.

Tumayo ako at lumapit sa hospital bed kung saan nakahiga ang walang malay kong kuya. May kung anu-anong aparato ang nakakabit sa katawan niya. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising.

Hinawakan ko ang kamay niya. "Kuya..." Hindi ko sigurado kung maririnig niya ako pero gusto ko lang siyang kausapin. "Gumising ka na please. Kailangan ka pa namin. Ng GALAXY. Ng PAU. Wag mo muna kaming iwan ah." Gaano man kasikip sa dibdib ang nararamdaman ko ngayon, pinigilan ko pa rin ang pag-iyak. Dapat maging matatag ako.

"Rain!" Hinarap ko siya nang nakangiti. "Alam ko na kung pano magigising si Kuya."

"Huh? Pano?"

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon