65 - Curfew

12.3K 347 26
                                    

Wew. Sobrang busy ko po. Kaya bilang pambawi, hinabaan ko na ang update. \^•^/ Kaso hindi ko to gaanong naedit. Hohoho. Salamat sa votes and comments. energizer ko talaga yun. Keep it up guys! Lels. Sulitin na po natin ang pag-iingay dahil sisimulan na natin ang countdown. :)

*****

"N-Naaalala ko na. Naaalala ko na lahat..."

Naramdaman ko ang pagluwang ng mga braso ni Hiro sa katawan ko. Parang nagulat siya. Tiningala ko ang mukha niya habang umaagos ang luha ko. "Gusto kong makita si nanay."

Hindi niya yata inaasahan ang sinabi ko kaya hindi siya agad nakasagot at nakatingin lang sa akin.

"Pero may sugat ang ulo mo. Dadalhin muna kita sa ospital." sagot niya maya-maya. Umayos siya ng upo at iistart na sana ulit ang kotse pero hinawakan ko siya sa manggas ng polo niya.

"Please. Okay lang ako. Kaya ko to. Gusto kong makita si nanay kahit saglit lang." Halos magmakaawa na ako. Sana lang pakinggan niya ako.

Bumuntong-hininga siya. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. "Okay. Pero saglit lang. Bawal tayo maabutan ng curfew."

Tumango-tango ako. Kahit paano ay napangiti ako dahil sa pagpayag niya. Kahit na bumalik na ang ala-ala ko, may mga bagay pa rin akong hindi maintindihan. Marami pa rin ang gumugulo sa isip ko.

May hinalungkat siya sa loob ng box sa ilalalim ng inuupuan niya. Nakita ko nalang na may hawak na siyang bulak.

"Here." Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako. Pero hinawakan niya ang likod ng leeg ko at nilapit sa kanya. "Saglit lang to." Saka niya dinampi ang bulak sa may bandang sentido ko. Ang gaan ng kamay niya. Halos wala akong maramdaman. Hindi rin masakit.

Matapos niyang alisin ang kaunting dugo sa sugat ko ay kumuha naman siya ng band aid. At bago niya iyon ilagay sa sugat ko, pumikit muna siya at inilapat ang labi sa band aid. Nagulat ako pero hindi na ako nagreact pa. Palihim nalang akong ngumiti.

Umayos na uli siya ng upo at pinaandar ang kotse. Pinaatras niya ito para makaalis dun sa poste. Alam kong nadamaged ito dahil sa pagkakabangga kanina. Buti nalang hindi ganun kalala ang nangyari.

"May idea ka ba kung sino yung bumangga sa'tin?" tanong ko habang nasa kalagitnaan kami ng byahe.

"Wala. But I already called the police. Hindi ko hahayaang makatakas nalang siya ng ganun-ganun. He will surely pay for what had happened to your precious head."

Seryoso siya sa totoo lang. Pero bakit napapangiti pa rin ako sa kabila ng mga nangyari?

*****

THIRD PERSON'S POV

"Boss, nagawa ko na—

Isang malakas na suntok ang sumalubong sa mukha ng lalaking kadarating lamang mula sa kanyang misyon. Ni hindi nito natapos ang sa tingin nito'y magandang balita dahil tumalsik nalang ito sa sahig.

Napaangat ito nang hilahin patayo gamit ang kwelyo ng tinawag nitong 'Boss'. Nanlilisik ang mga mata nito. "Ang sabi ko takutin mo lang! Hindi ko sinabing ilagay mo sila sa bingit ng kamatayan!"

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon