16 - PAU Music Fest

17.5K 477 42
                                    

"Okay guys, mag-aattendance muna tayo." sabi ko at hinarap ang GALAXY na ngayon ay relax na relax na nakaupo. This is it pusit! Ito na ang araw na ikinatatakot ko. Ilang sandali nalang ay magpeperform na ang GALAXY sa PAU Music Fest. Nandito na nga kami sa backstage eh. Ewan ko ba. Sobrang nangangatog ang tuhod ko dahil sa kaba. Parang ako yung magpeperform sa harap ng maraming tao eh. Tinalo ko pa silang lima na relax na relax lang. Ang cool nga ng dating nila ngayon eh. Mukhang handang-handa na sila. Siguradong matindi na naman ang magiging hiyawan ng mga fans nila mamaya.

"Attendance? You've got to be kidding me, PG." naningkit ang mga mata ni Hiro at pinagdiinan pa ang huling salita. Ngayong narinig ko muli ang pagtawag nya sakin nun ay parang gusto ko syang ilublob sa kumukulong muriatic acid.

Humugot ako ng hangin para pakalmahin ang sarili ko. Kelangan ko na naman kasing habaan ang pasensya ko para lang umiwas sa gulo. Masasabi kong isa sa matinding resulta ng pag-aaway namin ay ang nangyari sa pool. Hangga't maaari ay ayoko na sanang may mangyaring malala pa dun. Inisip ko nalang na quits na kami--tinulungan nya ko sa park at tinulungan ko naman sya sa pool. Sana ganun nalang din ang naisip nya.

"Hindi ako nagbibiro Hiro. Ako ang manager nyo diba? At pagkatapos ng checking of attendance ay magmemeditation tayo." wika ko.

"WHAT? Anong meditation ang sinasabi mo?" kunot-noong tanong ni Kei.

"Alam ko naman kasing kinakabahan na rin kayo eh. Nagpapacool lang kayo pero deep inside, nangangatog na rin ang mga kalamnan nyo diba? Simple lang naman yun eh. Ganito oh. Gayahin nyo ko ah." binitawan ko ang hawak kong papel kung saan nakalagay ang mga pangalan nila. Sumalampak ako sa sahig at saka nag-indian seat tapos ay pinatong ang dalawa kong kamay na nakamoney-symbol at saka pumikit. "Inhale...exhale...inhale...exhale..." Matapos yun ay dumilat na ako at tiningnan muli silang lima na hindi maipinta ang mga mukha maliban kay Rain. "Simple lang diba? Pampatanggal yun ng mga hindi kanais-nais na emotions. Subukan nyo, dali!"

"Shushubukan ko!" sabi ni Rain na punung-puno ang bibig ng kinakaing donut. Ang takaw talaga nito. Nga pala, hindi na sya blonde. Brown na ang buhok nya. Dali-dali syang tumabi sakin at ginaya ang posisyon ko sa sahig. "*munch munch* Gshanicho bah?"

"Ubusin mo kaya muna yang kinakain mo! Baka hindi ka na makahinga nyan eh." utos ko sa kanya kasi punung-puno talaga yung bibig eh. Tapos hindi man lang namimigay. >_>7

*POK*

"Aray!" sabay kaming napahimas ni Rain sa ulo namin dahil may nagbato sa amin. Ang sakit!

"Muntanga kayong dalawa dyan eh. Haha." si Kei pala. Inirapan ko lang sya at saka tumayo. Si Rain naman ay nanatili lang sa sahig.

"O sige. Mag-aattendance na ako."

"You're fvckin crazy! Lima lang kami tapos mag-aattendance ka pa?!" reklamo ni Hiro.

"Eh gusto ko eh." sagot ko. Napailing lang sya. Ano bang pakialam nya eh gusto ko eh. (Isa pa, sisihin nyo yung author. Hindi nya pa kasi narereveal yung complete names ng GALAXY eh. Alam nyo ba ang complete names ng bawat isa sa kanila? Hindi pa diba?)

(Ako: Hoy Sam! Ang ingay mo ah. Gumawa na nga lang ako ng paraan para maisingit yan eh tapos pinagkakalat mo pa. T_T)

(Sam: Ikaw kasi eh. Dapat binanggit mo na nung prologue palang.)

(Ako: Eh nakalimutan ko eh. Kaya nga gumagawa na ng paraan diba? >.

(Hiro: WHAT THE HELL?! YOU TWO SHUT YOUR FVCKIN CONVERSATION OR I'M GONNA CUT YOUR STUPID NECK!)

(Ako: Hala! Nagalit na si Hiro. Ayaw nya nga ng attendance tapos nagtalo pa kami ni Sam. O sige na. Mamaya nalang ulit ako sisingit. >.

(Hiro: At may balak ka pang ulitin to??! Baka gusto mong baliin ko yang leeg mo??!)

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon