24 - A Big Clue

13.5K 502 67
                                    

"Oh my gosh! Bakit ginawa ni Prince Hiro yun?"

"Did he just saved that province girl?"

"Siguro. Nagawa nya pa ngang saktan si Joyce eh."

"I don't think so. If I know, ginawa lang yun ni Hiro dahil may ninakaw daw si Joyce sa kanya."

"Oh talaga? Then why did he dragged that province girl after the scene? Where did they go?"

"Yan din ang pinagtataka ko. Is there something between them?"

Naiiling nalang ako sa mga naririnig ko sa paligid. Kung makapagchismisan parang hindi nila ako nakikitang dumaan eh.

Naglakad na ako papunta sa dorm. Magpapahinga nalang muna ako bago pumunta sa Nova Café. Sabi nga ni Shan magresign nalang ako dahil sa nangyari nung isang araw eh. Kaya lang hindi naman pwede yun. Kakasimula ko pa nga lang tapos magreresign na agad? Hindi naman ata pwede yun. At saka mabuti na rin yun para malibang ako. Naiistress lang ako kay Hiro. Bahala sya kung gusto nyang magalit sakin habang buhay.

RIIIIIIIINNNGGG

Kinuha ko ang cellphone ko. May tumatawag.

Kite Calling...

"Hello Kite?...Ano???...Si nanay?...Sige pupunta ako dyan." Nagmadali akong tumakbo. Inatake na naman si nanay kasi naubusan sya ng gamot. Kelangan kong magmadaling pumunta dun ngayon. Kahit na konting piraso lang ang nagawa kong isave mula sa ginawa ni Joyce kelangan ko pa rin syang puntahan.

Nagmamadali akong tumakbo. Hindi ko na pinansin ang mga nakakabangga kong tao sa daan. Bakit ba kasi ang laki ng PAU? Kelangan ko pa tuloy magpagod ng husto bago makarating sa gate.

BOOGSH!

"Aray!" Muntik na akong matumba dahil bigla akong nabangga. Sa sobrang pagmamadali hindi ko na napansin yun. Napahimas nalang ako sa noo ko.

"Sam. Anong nangyari? Nagmamadali ka ata." pagtingin ko si Shan pala. Bigla syang napatingin sa kamay kong may balot na panyo. "Anong nangyari sa kamay mo?"

Hindi nya siguro alam ang nangyari kanina. May klase pa kasi sya nung mga oras na yun eh. "Mamaya na tayo mag-usap. Nagmamadali ako eh." Hindi ko na sya hinintay na magsalita. Tumakbo na ulet ako.

"Sandali lang. San ka pupunta?" Nakasunod pala sya sakin. Hindi ko na sya sinagot kasi patuloy lang ako sa pagtakbo. "Kung san ka man pupunta sasamahan na kita."

Napatigil ako sa pagtakbo. Napaharap ako sa kanya. Oo nga pala may kotse si Shan. Mas mapapabilis kung magpapasama ako sa kanya. Sa mga ganitong pagkakataon, kelangan ko na sigurong humingi ng tulong sa kanya.

"Shan..."

*****

Huminto kami sa ospital. Sinugod kasi nila si nanay rito. Sobrang kaba na naman ang nagraramdaman ko. Nakasunod lang naman sakin si Shan. Wala syang imik mula nung kinuwento ko na isinugod sa ospital si nanay pero halata mo namang nag-aalala sya.

Pagdating namin ay sinalubong agad kami ni Kite at ni Patty.

"Si nanay? Kumusta na sya?"

"Wag ka ng masayadong mag-alala. Wala naman malalang nangyari. Buti nalang daw at naisugod agad sya sa ospital." sabi ni Patty. Nakahinga naman ako ng maluwag.

Pumasok ako sa kinaroroonan nyang kwarto. Nadatnan ko dun si Auntie. Iniwan nya naman kami nang makita nya ako.

Naupo ako sa gilid ng kama. Pinagmasdan ko sya habang natutulog. Hinawakan ko ang kamay nya. Hindi ko na maiwasan ang pagluha. Bakit ba hindi pa rin ako nasasanay na makita syang nasa ganitong kalagayan? Bakit umiiyak pa rin ako?

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon