61 - Endearment Agreement

13.6K 406 84
                                    

"Honey bunch!"

"Yes honey pie?"

"Let's eat na. Please honey bunch."

"Oh sure, my honey pie."

Kumapit ang babae sa braso ng lalaki at saka sila masayang naglakad. Ewan ko ba kung bakit ako huminto nang makita ang couple na yun.

Honey bunch.

Honey pie.

Yun ang tawagan nila sa isa't isa? Kung sa bagay, madalas ko ding naririnig sa mga couple ang iba't ibang klase ng endearment. Pero kami ni Hiro walang ganun. Nakakainggit tuloy.

Bumalik na ako sa dorm. Dala-dala ko ang isang box na may lamang graham balls. Galing kasi ako sa dorm nina Xy. Tapos gumawa kami ng graham balls. Basta yung may marshmallow sa loob tapos sa crushed grahams ang crust at may topings sa candies, chocolates, at nuts.

Napaisip ako dun sa endearment ng couple na nakita ko habang naglalakad ako. Dapat may endearment din kami ni Hiro. Parang ang sweet lang kasi eh.

Nadatnan ko sa sala sina Kei at Rain na naglalaro ng video game. Nagsisigawan pa nga sila habang nakasalampak sa sahig eh. Tapos napapalibutan pa sila ng mga pagkain. Wala si Kian. Baka nasa kwarto. Ang ingay kasi ng dalawang to eh.

Dumiretso ako sa kusina bitbit ang dala ko. Nandun si Shan...at si Hiro!

Si Hiro ay naghihiwa ng gulay habang si Shan naman ay nasa harap ng laptop.

"Hindi nga kasi kumakain ng broccoli si Sam! Ang kulit mo." Naiiling na sabi ni Shan habang nagtatype.

"Dati yun. Iba na ngayon. Kakain siya nito sa ayaw at sa gusto niya!" pilit ni Hiro.

Napatingin silang pareho sa akin nang makita ako. Mukha namang okay na sila eh.

"Umm. May ginawa kami ni Xy. Tikman nyo." Pinakita ko sa kanila yung box at nilapag sa mesa. Agad naman itong kinuha ni Shan at binuksan.

"Wow! Ikaw gumawa?"

Tumango naman ako. Kukuha na sana siya pero bigla yung hinablot ni Hiro.

"Boyfriend first." At inirapan niya si Shan. Naku! Nag-init na naman ang mukha ko.

"Hati tayo! Wag kang madamot!" Tumayo si Shan para agawin yun kay Hiro pero inilayo niya lang ito. Kumuha siya ng isa at agad sinubo. "Mmm...It's good."

"Ang damot mo...KUYA!"

Natigilan si Hiro at nagsalubong ang kilay. "The heck! Wag na wag mo akong tatawaging KUYA! Hindi tayo close." Kumuha siya ng platito at naglagay ng isang pirasong graham ball dun saka binigay kay Shan.

"Ito lang?!"

"One is enough. Two is too much."

Napa-tsk nalang si Shan dahil sa kadamutan nitong si Hiro. Hindi ko nalang sila pinakialaman kasi natutuwa akong makita silang nag-aasaran.

"Uy Shan! Pahiram naman niyang laptop mo. May ireresearch lang ako." sabi ko kay Shan at tumabi sa kanya.

"Research? Tungkol naman saan?"

"Secret."

Napakamot nalang siya ng ulo. "Nagsesecret ka na sakin ngayon ah."

Tinusok ko yung pisngi niya. "Ang drama mo no?"

"Hindi yun drama."

"Drama yun."

"Hindi."

"Oo."

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon