33 - In the closet

11.4K 458 62
                                    

"Asan na ba yun? Ah ito!" Sa wakas ay nakuha ko rin yung gamit sa pagbuburda. Nakatago kasi sa mga gamit. Akala ko kasi hindi ko magagamit to pagdating ko dito sa PAU. Hindi naman kasi ako magaling dito eh. Sakto lang yung galing ko. Buti nalang magaling dito si nanay. Sya yung nagturo sakin kung pano at sya din yung nag-insist na dalhin ko na daw. Mother knows best talaga.

Dun lang ako sa sahig pumwesto. Nakasandal ako sa paanan ng kama. Saka ko sinimulan ang pagbuburda. Ginawa kong guide yung panyo nya. Nanlulumo talaga ako kapag nakikita ko yun. Ang dumi nyang tingnan. Hindi na sya tulad ng dati na malinis at maganda. Kaya hindi ko rin masisisi si Hiro kung bakit nagalit sya sa nangyari.

Isang oras na ang nakakalipas pero one percent palang ng buong panyo ang nagagaya ko. Ilang beses ko na itong inulit dahil hindi ko talaga magawang gayahin. Ang hirap pala. Ang hirap gayahin ng design. Pero paano ako matatapos nito kung umpisa pa nga lang hindi ko na magawa?

Tiningnan ko ang orasan. 11:46 na. Anong gagawin ko?

Kumuha ako ng panibagong tela. Iba nalang siguro ang gagawin ko. Since hindi ko naman magawang gayahin ang design ng panyo nya, gagawa nalang ako ng panibago. Nakakadisappoint mang isipin pero wala akong magagawa. Kelangan kong gumawa ng ibang paraan kesa sa ipagpilitan ang sarili ko sa bagay na hindi ko naman kayang gawin.

Hindi ko alam kung papayag ba si Hiro dito. Hindi ko rin alam kung tatanggapin nya ang gagawin ko. Pero kahit walang kasiguraduhan ay ipinagpatuloy ko pa din ito.

2:30 na. Hindi pa rin ako tapos. Antok na antok na ako. Kusa ng bumabagsak ang mga talukap ng mata ko at nangangalay na rin ang kamay ko. Pero kahit ganun ay pinipilit ko pa rin ang sarili kong labanan ang antok at pagod. Wala akong ibang iniisip kundi si Hiro habang ginagawa ko to kaya nagagawa ko pa ring kumilos.

Sobrang labo na ng paningin ko. Pakiramdam ko dumudoble na ang paningin ko tapos malabo pa.

3:04 na. Halos bumagsak na ako sa sahig. Feeling ko hindi na dumidilat ang mga mata ko at tanging mga kamay ko nalang ang kumikilos. Pero malapit na rin tong matapos.

I'M SORR

Yan ang nakaburda. Kulang nalang ng letter Y para matapos ko to. Pero hindi ko na talaga kaya. Hindi ko na rin namalayan kung kelan ako tuluyang bumagsak sa sahig at nakatulog.

*****

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Muli akong napapikit nang tumama ang sikat ng araw sa mata ko. Hinila ko ang kumot na kanina ay hanggang bewang ko lang at saka nagtalukbong. Niyakap ko ang unan na nasa tabi ko. Wala pa ako sa mood gumising kaya babalik ako sa pagtulog.

Agad akong napabalikwas ng bangon nang biglang sumagi sa isip ko si Hiro. Pero hindi natuloy ang pagbangon ko dahil sobrang sakit ng katawan ko. Kaya humiga nalang muna ako. Pakiramdam ko nasa probinsya ako. Ang tigas kasi ng higaan eh.

Nilibot ko ang paningin ko. Bakit parang nag-iba? Hindi naman ganito ang nakikita ko pag gumigising ako ah.

Doon ko lang narealize na nasa sahig ako. Nakatulog nga pala ako sa sahig kagabi habang ginagawa ko yung panyo. Pero teka, saan galing tong kumot? Pati tong unan? Eh wala naman akong natatandaang kumuha ako ng kumot at unan ah. Nagising ba ako kagabi? Hindi naman ah. At saka kung gumising ako para kunin to edi sana nahiga nalang ako diretso sa kama.

Nakapagtataka. Nagsleep walk ba ako kagabi? Pero imposible yun. Sa sobrang antok at pagod ko sigurado akong ni pagtayo ay hindi ko magagawa.

Di bale na nga. Baka naman kumuha talaga ako ng unan at kumot bago ako matulog.

Pero hindi talaga eh.

Ay ewan. Hayaan na nga.

Naalala ko ang panyo ni Hiro. Ipinagdasal ko na sana panaginip lang ang nangyari. Na sana hindi tumindi ang galit nya sakin dahil nasira ko ang mahalagang bagay sa kanya.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon