13 - Mascot

16.9K 492 13
                                    

Author's Note:

Ngayon ko lang napansin na putol pala yung update ko ng chapter na to kaya inupdate ko ulet. So, heto na!

*******



"Tara!" aya ko sa GALAXY nang makita ko silang lumabas sa PAU HEIGHTS. Nauna na kasi akong lumabas at sinabing hihintayin ko nalang sila sa labas.

Kakaibang expression ng mukha ang ipinakita nila sa akin habang dala-dala ang mga instruments nila.

"A-Ano yan? Bakit ganyan ang itsura mo?" confused na tanong ni Rain habang umiikot palibot sa akin. "Pupunta ka ba sa birthday party ng bata?"

Tinanggal ko ang ulo ng panda mascot na suot ko. "Ang init! Sobra!" Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko. Ilang minuto palang akong nagsusuot ng mascot eh sobrang pinagpawisan na ako.

"Eh bakit ka ba kasi nakaganyan?" tanong ni Shan. Kinuha nya sa akin ang ulo ng Panda at saka pinunasan ang noo kong pinagpapawisan gamit ang panyo nya.

"Ah ito ba? Bilang manager nyo, gagawin ko ang lahat para makakuha ng maraming signatures. Effective daw kasing pang-attract ng tao ang mascot." sagot ko. Muli kong kinuha kay Shan yung ulo ng mascot saka ito isinuot. At para patunayan sa kanila ang sinabi ko, pinakitaan ko sila ng mga cute movements. Pinag-aralan ko din yun ah. Napanood ko kasi sa tv. Meron pa nga akong inihandang dance steps para mas effective mamaya eh.

Ganito kasi yun. Since weekend ngayon, schedule namin to para mangalap ng mga votes para dun sa signature campaign. Malaking percent kasi yun para sa gaganaping PAU Music Fest. Oo. Kasama ako ngayon kasi nga pumayag naman ang GALAXY na ako ang maging manager nila diba? Kaya kasama ako ngayon. Pero syempre maliban kay Hiro. Asa pa akong papayag yun. Pero dahil sa majority ng grupo ang pumayag, majority wins sa decision-making. Kaya wala na rin syang nagawa. Mwahaha.

"Ang KYOOOOOOT!"

Nagulat nalang ako nang biglang yumakap sa akin si Rain, I mean sa Panda mascot ko. Parang nanggigigil na ewan. Muntik pa nga akong matumba eh. Buti nalang talaga nakapagbalanse ako.

"Hoy Rain. Tsansing na yan. Lika nga rito." saway ni Shan saka hinila si Rain palayo sa akin. Inayos ko naman yung ulo ng mascot dahil nagtabi-tabingi.

"Psh. How dense of you para isiping makakatulong yang pagsuot mo ng nakakairitang mascot! Patawa ka!"

Sino pa nga ba ang nagsalita? Si Hiro lang naman. Ang bungong to! Lahat nalang pinapakialaman eh. Kapag itong strategy ko ay nakatulong ng malaki, ipapalunok ko talaga tong ulo ng mascot sa kanya!

'Her name was Sam.'

Ay petchay! Naalala ko na naman yun.

Kahit na gusto ko na syang sipain papunta sa dulo ng universe, mas pinili ko pa ring manahimik nalang. Sayang ng energy ko kung papatulan ko pa sya. Ang ganda-ganda pa naman ng mood ko dahil ang ganda-ganda ng sikat ng araw kahit na hapon na. Siguradong maganda rin ang sunset mamaya.

Sumakay kami sa isang... umm... bahay---I mean bus. Pero hindi ito ordinaryong bus. 'WOW' ang tanging nasambit ko kasabay ng pamimilog ng mata nang pumasok ako sa loob. Kelangan ko pa bang idescribe? Minsan kasi gusto ko nalang manahimik at hayaan nalang mga mata kong mamangha sa kung anong meron ang MAHARLIKANG GRUPO na kasama ko eh. Baka kasi maging exaggerated lang kapag nagdescribe pa ako. Pero sige, simpleng description nalang. Air conditioned, may cr, may kusina, may pagkain, may ref, may tv, may mga higaan, may mga damit, may malaking salamin na may mga bumbilya sa gilid, may driver at may limang prinsipe na may kanya-kanyang pwesto at iba't ibang gadgets ang pinagkakaabalahan samantalang ako ay hindi alam kung saan lulugar dahil ang laki-laki ng ulo ng mascot na bitbit ko. Bow.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon