41 - Jelly-jellyFISH

10.5K 376 33
                                    

"Nay..." nagtuluy-tuloy ang batang babae sa loob ng bahay habang sinasambit ang 'nay'.

Nacucurious ako. Heto na naman ako sa lugar na ito, sa bahay na ito.

Sa di malamang dahilan, sinundan ko yung bata. Bubuksan ko na sana yung pinto kaya lang hindi ko to mahawakan. Tumatagos lang ang kamay ko rito.

Walang tigil ang sigawan sa loob. Kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras. Pumasok ako sa loob ng bahay...

Napatakip ako ng bibig sa nadatnan ko. Umiiyak ang batang babaeng sinusundan ko habang nakayakap sa nanay nyang nakahandusay sa sahig at duguan.

Malabo ang paligid. Hindi ko makita ang mga mukha nila. Naaaninag ko lang sila dahil sa kaunting liwanag na tumatagos mula sa labas ng bahay.

BANG!

Napaigtad ako nang muling makarinig ng putok ng baril. Nakita ko ang isang lalaking tinamaan ng bala at duguan.

"T-Tay!" lalong tumindi ang iyak ng bata. Kung ganun, tatay nya yun.

Bigla nalang sumikip ang dibdib ko. Tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa naaawa ako sa kalagayan ng bata o dahil sa hindi ko kayang makita ang sinapit ng mga magulang nya na binaril sa harapan nya. Pero napakabigat ng dibdib ko. Parang... parang nangyari na to. Parang nakita ko na ang eksenang ito.

Sinulyapan ko ang kriminal, ang dalawang lalaking may hawak na baril. Pero bakit ang labo ng paningin ko. Kahit anong gawin ko hindi ko talaga makita ang hitsura ng mukha nila.

Unti-unting nabalot ng dilim ang lugar. Pero bago pa tuluyang maging itim ang buong paligid, nakita kong dahan-dahang gumalaw ang tatay ng bata.

Pero...

Agad na kumilos ang kamay ng mga kriminal at...

BANG! BANG!!!



"WAAAAGG!"



"Hoy! Gumising ka! Nananaginip ka ba? Gising!"


Dumilat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagyugyog sa balikat ko. Napakalabo ng paningin ko dahil sa mga luha sa mata ko. Hindi rin normal ang paghinga ko. Sobra akong hinihingal at napakabilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa takot.

"H-Hiro." sambit ko nang makita ko si Hiro sa harapan ko. Tumingin ako sa paligid. Doon ko lang naalala na iniwan nga pala ako ni Hiro. Napagod ako kakaabang ng sasakyan para makabalik sa resort kaya naisipan kong magpahinga nalang muna sa ilalim ng puno sa gilid ng kalsada. Hindi ko rin naman makontak sina Shan kasi hindi ko dala yung cellphone ko.

"A-Ayos ka lang ba?" tanong nya.

Totoo bang nakikita ko sya? Hindi ba iniwan na nya ako?

Isang yakap ang isinagot ko sa kanya. Mukhang nagulat sya pero hindi naman pumalag. Tumutulo pa rin ang luha ko dahil sa takot dun sa panaginip ko. Takot na takot ako. Bakit ko ba laging napapanaginipan yun?

Hindi ko sya binitawan. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakayakap sa kanya. Pakiramdam ko kasi nakakakuha ako ng lakas mula sa kanya. Nawawala ang takot ko. Gumagaan ang pakiramdam ko.


One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon