08 - It Might Be You

18.9K 536 63
                                    

Weekends na. Araw ng linggo ngayon. Ibig sabihin, walang pasok. No lessons, no books, no classes. Pwede kaming lumabas ng PAU at gawin ang mga gusto namin. Mayroong nagsisimba, nagshoshopping, namamasyal, nakikipagdate, bumibisita sa bahay nila at meron din namang nananatili lang sa PAU at naglilibot-libot sa magandang environment at meron din namang nasa dorm lang at nagbobonding sila ng mga dormmates at meron namang natutulog nalang.

Pero ako? Lalabas ako ngayon sa PAU at makikipagkita sa pinsang tagarito sa syudad. Matagal-tagal ko na rin syang hindi nakikita dahil hindi naman kami nakakaluwas ng Maynila ni nanay. Kaya naman ngayong may pagkakataon, makikipagkita na ako sa kanya para naman makumusta ko sya at pati na rin si Auntie.

"San ka pupunta?" tanong ni Kei nang dumaan ako sa sala. Nakaupo siya at nanunood ng tv kasama sina Rain at Kian. Napansin siguro nilang nakabihis ako kaya sila nagtanong.

"Ah gustong makipagkita ng pinsan ko ngayon. Nasan nga pala si Shan?" napansin ko kasing wala si Shan sa sala. Pansin ko ng pati na rin si Hiro. Hindi ko na sya hinanap dahil wala naman akong pakialam sa kanya. Isa pa, wala na rin naman syang nagawa nang bumalik ako rito sa dorm.  Akala ko nga kakaladkarin nya ako palabas eh. Pero hindi naman nya ginawa.

"Mmm... wola sha dito...*munch* Pupunta daw sya sha daddy nya." sagot ni Rain na kumakain ng chips.

"Ah ganun ba?" nalungkot tuloy ako. "Sayang naman. Magpapasama pa naman sana ako. Hindi ko kasi alam kung paano pumunta sa meeting place namin eh."

"San ba yun?" tanong ulit ni Kei.

Hinalungkat ko ang bag ko at kinuha ang isang piraso ng papel. "Dito oh." Pinakita ko sa kaniya ang papel kung saan nakasulat kung saan kami magkikita.

Tiningnan nya ito. "Hmm... medyo malayo yan dito. Tapos traffic pa pag ganitong oras kaya matatagalan ka. Baka abutin ka ng syam-syam. Kaya mas mabuti kung sasakay ka nalang ng LRT. Tapos baba ka sa Central Station."

"LRT?!" Shemay! Hindi pa ako nakakasakay dun. At wala akong balak na sumakay nag-isa. Baka maligaw pa ako noh.

"Hahaha!" tumawa si Rain. "Ayusin mo nga yang reaksyon mo. Napaghahalataan ka tuloy eh. Hindi ka pa nakakasakay noh?"

Napayuko nalang ako. Nang-aasar eh.

"Hahaha. PG ka talaga. Tss. So ignorant!" dagdag pa nya at sinundan ng hagalpak na tawa.

Sakalin ko kaya to? Akala ko ba family na kami? Eh bakit nang-aasar na naman sya?

Natahimik kami nang biglang sumulpot si Hiro na nagbubutones ng polo nya.

Ang gwapo naman nya sa porma nya. Mukhang may lakad ah. Ay adik ka Sam! Anong sabi mo? Sinong gwapo? >_>

"Oh yan. Sumabay ka nalang kay Hiro. Dun din naman sya pupunta eh." sabi ni Kei. Pero binigyan lang sya ni Hiro ng what-are-you-talking-about-look.

"Oo nga naman. Hiro, isabay mo na sya. Baka maligaw pa yan, lagot tayo kay Shan." segunda ni Rain.

"The hell! Sino ba ang lider dito? Ako o si Shan? Baka gusto mo ng sapak?"

"Ah sabi ko nga. *munch munch*" ibinaling nalang ni Rain ang atensyon nya sa kinakain nyang chips.

Saka naman ako inirapan ni Hiro at naglakad palabas ng dorm. Ang sungit!

"Go." si Kian.

Napatingin ako kay Kian na ngayon lang nagsalita. Mahal ba ang presyo ng bawat letrang bibigkasin nya?

Agad naman akong tinulak-tulak ni Rain papunta sa pinto.

"Ano ba?!"

"Kung ayaw mong maligaw, sundan mo na si Hiro!"

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon