09 - Typical Scandal

17K 510 16
                                    

Masigla akong naglalakad papunta sa classroom. Ang aga ko nga eh. Ewan ko ba pero ang sarap kasi ng tulog ko kagabi tapos ang ganda ng gising ko. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit parang napakaaliwalas ng pakiramdam ko. Basta't ang alam ko lang ay may kakaiba sa puso ko.

"BACK OFF! YOU BITCH!"

Napahinto ako sa paglalakad nang biglang may sumulpot sa harapan ko. Tatlong babae na masama ang tingin sa akin.

Lumingon ako sa likuran ko para alamin kung sino ang tinatawag nila. Hindi naman siguro ako yun diba? Hindi naman 'bitch' ang pangalan ko eh. Baka nga may iba lang silang kausap sa likuran ko.

Pero wala akong nakita. May mga PAUnians sa hallway pero nasa ibang dako ang atensyon nila. Mayroong naglalakad, nagkukwentuhan, o kung ano man kaya hindi ko matukoy kung sino ba sa kanila ang kausap ng tatlong babaeng nasa harapan ko.

Aalis na sana ako nang bigla nalang ulet nagsalita yung babaeng nasa gitna.

"Wag kang bastos!"

Nagsalubong ang kilay ko. Nakahilera sila na para bang ayaw akong padaanin. Nakatingin silang tatlo sa kin -- mga tingin na punung-puno ng galit, mga matang mapanghusga, mga matang nagliliyab, at mga matang handang manakit!

"A-Ako ba?" turo ko sa sarili ko. Naguguluhan kasi ako sa mga ekspresyon nila eh.

"Who else?! Ikaw lang naman ang bitch dito, right?" sagot nya na nakataas ang kilay habang nakacrossed-arms.

"T-Teka, may nagawa ba ako sa inyo?" tanong ko. Hindi ko kasi sila maintindihan eh.

"Painosente ka pa! Let's get straight to the point. STAY. AWAY. FROM. THE. GALAXY! Lalong-lalo na kay Hiro!" sabi naman nung isa.

"Ikaw yung province girl, right? Ikaw yung basta nalang pumasok sa practice room ng GALAXY! Ikaw yung kasama ni Shan na lumabas that time! Ikaw rin yung girl na pasan-pasan nya! Ikaw ang kasama ng GALAXY sa dorm! At ikaw ang kasama ni Hiro kahapon mula pag-alis nya at pagbalik nya! Damn you!" Dumadagundong ang boses niya habang binibigkas ang bawat salita.

Nanatili akong nakatayo at hindi bumubuka ang bibig. Pinapakinggan ko lang sya. Nakakagulat naman yung mga sinasabi nila. Lahat ng yun alam nila?

"You bitch! How dare you get along with them?! Sino ka ba sa tingin mo?! Isa ka lang tatanga-tangang province girl!!!"

Mabilis silang humakbang papunta sakin. Nakakatakot ang mga ekpresyon ng mukha nila. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan at bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kakaiba nilang aura. Parang si Hiro lang din. Kaya alam ko na kung ano ang binabalak nila.

Unti-unting kumilos ang mga paa ko. Humakbang ako paatras na hindi man lang kumukurap.

Pero naging mabilis sila. Nakakaisang hakbang palang ako ay naramdaman ko na ang pagbagsak ng isang palad sa pisngi ko. Dumagundong sa buo kong pandinig ang malakas na tunog na dulot nito sa aking mukha.

Bago pa man ako matauhan sa ginawa nila, muli kong naramdaman ang sakit nang biglang tumama ang isang kamao sa gilid ng labi ko. Pero sigurado akong hindi lang yun basta kamao dahil parang may bakal. At hindi nga ako nagkamali. May singsing na suot ang sumuntok sakin.

Yumanig ang buong paligid ko. Umikot ang paningin ko. At dahil dun, nawalan ako ng balanse at bumagsak sa sahig.

Mariin akong napapikit dahil sa sakit. Napangiwi ako nang hawakan ko ang parte ng mukha kong tinamaan ng suntok. At nang tingnan kong muli ang kamay na ipinanghawak ko, dugo ang nakita ko. Dumudugo ang labi ko. Nalalasahan ko pa ito.

Muli kong ibinaling ang tingin sa mga babaeng nanakit sakin. Nakapalibot na sila sakin ngayon.

"You see this?" tanong nung nasa gitna at ipinakita sa akin ang hawak nyang malaking bote. At base sa pagkabasa ko, yun ay...COOKING OIL.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon