40 - Bestfriend-zoned

11.5K 465 71
                                    

KEILAN FRANCISCO'S POV



"SAM!!! HIRO!!!"

"SAMANTHA!!!"

"HIRO!!!"

Salit-salitan naming tawag nina Rain at Kian. Nyemas! Nasan na ba kasi yung dalawang yun? Gaano ba katagal kumuha ng saranggola sa gubat? Gabi na kasi pero hindi pa rin sila bumabalik eh. Ano na kayang nangyari?

Kaming tatlo ang naghahanap kasi hindi na namin inabala si Shan. Alam nyo naman na ang OA nun pagdating kay Sam diba? Baka magpatawag pa yun ng isang daang batalyon ng sundalo pag sinabi naming nawawala yung bestfriend nya. Kaya hinayaan nalang namin sya dun sa rooftop. Ewan ko ba kung anong ginagawa nya dun. Kanina pa yun dun eh.

"SAM!!! HIRO!!!" sigaw namin pero walang sumasagot.

"Hindi kaya nabiktima na sila ni Mariquit? Brrrr." sabi ni Rain na nangangatog pa kuno sa takot.

"Leche ka! Ang bakla mo dude!"

"Nagsasabi lang ako ng opinyon ko no!"

"Hindi ko kelangan ang opinyon mo!" Nakakabanas na kasi minsan ang kabaklaan nitong si Reynaldo eh! Baka mahawaan pa ako. Sayang ng kagwapuhan ko no!

"Teka sandali." Lahat kami napahinto nang tumigil si Kian. Inilawan nya ng flashlight ang nasa unahan nya at may nakita kaming damit sa lupa! Pinulot nya iyon at saka sininghot-singhot para amuyin. May lahing askal ata tong si Mr. Student Council President eh.

"Ano Kian? Amoy Samantha ba?" tanong ni Rain.

"Amoy itlog." sagot nya.

"Aish!" Napasabunot ako ng buhok. "Wag na nga nating pag-aksayahan ng panahon yan! Wala pala yang kwenta eh!"

"Wait lang!" Kinuha ito ni Rain mula kay Kian. "Ito yung damit ni Sam kanina diba? Tingnan nyo oh!"

Pinagmasdan naman namin ito. Buti nalang maliwanag ang flashlight. At nakumpirma nga naming kay Samantha yun.

Kaya naman, agad namin silang hinanap sa paligid. Nakapagtataka! Bakit nandito ang damit ni Sam? Edi ibig sabihin nakahubad sya ngayon? Pucha! Hindi kaya nagmimilagro na sila ni Hiro? Anak ng! Dapat pigilan!

Ilang tawag pa ang ginawa namin. Hanggang sa maya-maya ay natapat ang flashlight sa medyo mababaw na bangin. At dun namin nakita ang hindi dapat makita! What the heck!

Magkayakap sina Sam at Hiro habang nakaupo sa may puno. Mukhang tulog sila. Pero ang nakakagulat talaga ay ang makitang nakasando lang si Hiro habang si Sam naman ay suot ang polo ni Hiro. What is the meaning of this?




*****

SAMANTHA ORTEGA'S POV

"Naku! Salamat naman at nakita nyo kami! Akala ko dito kami magpapalipas ng gabi sa gubat eh." Tuwang-tuwa kong sabi nang makita namin sina Kei, Rain, at Kian. Pero sila, mukhang hindi natutuwa nang makita kami. Lalo na si Kian na parang may nais iparating sa pamamagitan ng tingin.

"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan, Kian." sabi ni Hiro. "Tanggalin nyo yang mga dumi dyan sa utak nyo! Walang nangyari!"

Bigla akong sumabat sa usapan. Anong walang nangyari? Kelangan kong itama ang mali ni Hiro. Bawal magsinungaling diba? "Anong walang nangyari? Ang dami kayang nangyari sa atin kanina! Nakakapagod nga eh!"

Lahat sila ay parang gulat na gulat ang reaksyon.

"Nakalimutan mo na ba yung maliit na mahaba? Yung nilalaro ko kanina?" taas-kilay kong sabi kay Hiro. Ayoko lang diretsuhin dahil baka magwala sya pag naalala nya yung uod na yun.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon