64 - Memories

11.9K 407 55
                                    

Matapos ang klase namin ngayong araw ay nagpasya akong dumiretso agad sa dorm. Nung isang araw pa ako nakalabas sa ospital. Kaya heto balik sa normal na naman ang lahat.

Isang kumpulan ang nadaanan ko sa may bulletin board sa hallway. Nagkakagulo ang mga tao kaya nakiusyoso naman ako.

"Kyaaaah! Students Night emeghed!"

"Oh em gee! I'm so excited!"

"Gosh! I kennat! Kyaaaah"

Napatakip ako ng tenga dahil sa lakas ng tilian nila. Grabe naman. Pero oo nga pala. Malapit na ang students night. Nabalitaan ko rin yun. Buti pa sila excited.

Nagtuluy-tuloy na ako sa paglalakad. Lumiko ako sa kanan. Unang bumungad sa akin ang likod ng isang matangkad na lalaking naglalakad.

Napangiti ako bigla. Likod niya palang kilala ko na. At likod niya palang bumibilis na ang tibok ng puso ko.

"Hiro!" Tinawag ko siya. Pero laking gulat ko nang hindi siya lumingon. Ah baka hindi niya lang narinig. Kaya naman inulit ko nalang ang pagtawag sa kanya. "Hiro!"

Hindi pa rin siya lumingon. Nadismaya ako. Bingi ba siya? O sadyang mahina lang ang boses ko? Pero imposibleng hindi niya marinig eh iilan lang ang tao sa hallway.

Tinawag ko ulit siya. Sa ngayon ay mas malakas na. "HIRO!"

Wala pa rin? Baka ibang tao yun? Pero hindi. Sigurado akong siya yun. Hindi ako pwedeng magkamali. Kabisado ko na ang features niya bago ko pa siya mahalin. Ngayon pa kaya? #Hugot

Teka, hindi kaya... "Mau!"

Wala pang isang segundo mula nang tawagin ko siya gamit ang endearment namin ay lumingon na agad siya. Abot langit pa ang ngiti ng bungong to habang naglalakad pabalik sakin. Sinalubong ko naman siya.

"Yes?" tanong niya nang magkaharap na kami. Nakalagay pa sa bulsa ng pantalon niya ang dalawa niyang kamay.

Napanguso ako. "Akala ko bingi ka na."

"That's impossible. Mabibingi lang ako kapag sinabi mong 'break na tayo.'"

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak dahil sa mga lumalabas sa bibig niya. "Suntukin kaya kita? Syempre hindi mangayayari yun."

"Alam ko. You love me, right?"

ASDFGHJKL! Ang sarap batukan nitong si Hiro. Parang namumula na naman tuloy ang mukha ko.

Tumango-tango nalang ako. Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko parang nawalan ako ng boses.

"Birthday ng dad ko ngayon. Kaya pupunta ako. Gusto mong sumama?"

"Huh?" Isasama niya ako? Edi makikita ko yung daddy niya? Waaah! Bigla ako natakot.

Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula kaming maglakad. "C'mon. Ipapakilala kita sa kanya."

Hindi na ako nakasagot. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Takot kaba, excitement, tuwa, lahat na.

"Hep hep!"

Isang nakakatakot na lalaki ang humarang sa harapan namin. May dala pa siyang stick. Si Mr. Quilatan. Yung OIC!

"Bawal magholding hands sa hallway!" bulyaw niya. Umamba siya na papaluin ang magkahawak naming kamay. Napapikit nalang ako dahil alam kong masakit yun. Hinintay ko iyon. Pero bago pa man ito tumama sa amin ay bigla nalang humarang si Hiro sa harap ko. Sa likod niya tumama ang stick!

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon