45 - The Girl Named Chinnie

10.6K 360 53
                                    

Si Chinnie sa media.


*****

"At bilang pa-welcome namin sayo...TADAH!" Ipinakita ni Rain kay Chinnie ang maraming sosyal na pagkain sa mesa. Para ngang fiesta ngayon eh.

"Wow! Para sa akin?" sabi naman ni Chinnie na ang reaksyon ay parang nanalo sa Ms. Universe.

"Oo naman. Kaya tara na kumain na tayo." Aya ni Kei sa kanya. Nauna namang maupo ang ibang boys.

"Hiro, is it okay kung tatabi ako sayo?" tanong niya kay Hiro na walang imik at seryoso lang habang naglalagay ng kanin sa plato niya. Napangisi ako. Ha.Ha.Ha. Bahala kang mapahiya dyan! Sige lang Hiro. Ngayon mo ipakita ang kasungitan mo.

"Geh."

Nanlaki bigla ang mga mata ko sa sagot ni Hiro. Tama ba ang narinig ko? Pumayag siya? Hindi man lang siya tumanggi? Hallelujah! Ang bungong to!

"Thanks." Saka umupo si nakakainis na babae sa tabi ni Hiro. Ipinaghila pa siya ni Kei ng upuan!

Nakatayo lang ako dahil hindi ko alam kung saan ako lulugar. Anim lang kasi yung upuan. Bigla akong nainis. Unang-una ay dahil nga sa wala na akong pwesto. Pangalawa ay dahil sa nakakairita si Hiro! Ang unfair niya talaga! Close na ba agad sila? Agad-agad? At hindi man lang siya tumanggi nung tumabi sa kanya si Chinnie? Samantalang kung ako yun sisigawan niya lang ako at itataboy. Nakakainis! Ang sarap ilibing ng bungong to sa sementeryo.

"Sam, dito ka na maupo." Tawag sa akin ni Shan. Doon ko lang napansin na kumuha na pala siya ng upuan at itinabi sa upuan niya. Uupo na sana ako nang biglang mag-inarte si Chinnie.

"Sam, can you get me some water please?"

Water ka dyan? Bulag ba siya? May tubig naman ang baso niya ah! Gusto niya ibuhos ko pa sa kanya yung laman ng pitchel na nasa gitna ng mesa para malaman niyang may tubig sa harapan niya. "May tubig pa sa baso mo ah."

"Gusto ko kasi sana cold water."

Aba naman po. Medyo choosy. At dahil mabait ako at ayokong sumama ang tingin sa akin ng GALAXY, kinuhanan ko nalang siya ng tubig at inilagay sa tabi niya.

"Yung may ice cubes sana please?"

Tiningnan ko ang basong may tubig. Wala ngang yelo. Kaya naman kinuha ko uli yung baso niya para lagyan ng yelo. At nang ilapag ko sa mesa...

"Pwedeng pakibawasan ng ice? Masyado kasing marami eh. At least three lang sana."

Biglang kumulo ang dugo ko. Edi sana kanina pa niya sinabi! Ang sarap ipalulunok sa kanya ng isang tray ng ice cube eh no!

Binawasan ko ang yelo at ibinigay ang gusto niya. Wala naman na siyang reklamo. Pero subukan niya lang na magreklamo pa, ihahampas ko na yung baso sa mukha niya!

Naupo na ako sa tabi ni Shan para kumain. Ewan ko ba pero ang init ng dugo ko sa Chinnie na yan. Ke bago-bago pero kung makaasta akala mo senyorita! Che!

"Kumain ka ng marami, Chinnie. Wag kang mahihiya ah." Nakangiting sabi ni Rain.

"Aww. You're so kind talaga. Thank you boys sa pagwelcome sakin dito sa dorm nyo ah. I really appreciate it." sagot naman ni Chinnie habang hinihiwa ng kutsilyo ang karne sa plato niya.

"Pwede magtanong?" si Kei na parang hindi ko gusto ang ngiti.

Gumanti rin si Chinnie ng ngiti. Edi sila na smiling face. "Oh sure. Ano yun?"

"Ba't ang ganda mo?"

Nawalan na ata ako ng ganang kumain. Nakakasuka. Ipagpatuloy mo yang kalandian mo Kei.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon