51 - Sudden Death

11.3K 481 139
                                    


SAMANTHA ORTEGA'S P.O.V.

Lumipas na ang kahapon. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung paano kikilos pagkagising ko. Hindi ko alam kung makakaya ko bang lumabas sa kwarto ko para harapin ang bagong umaga.

Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa sinabi ni Shan. Masyado akong nabigla sa mga sinabi niya. Hindi ko talaga inaasahan yun. Kaya ngayon ay hindi ko alam kung paano siya haharapin. Nagiguilty ako dahil sa nangyari. Galit kaya siya sakin? Hindi na kasi kami nag-usap matapos yung nangyari eh.

Nang makaipon ako ng sapat na lakas ng loob, lumabas na ako sa kwarto. Hindi ako pwedeng umabsent dahil lang sa mga nangyayari. Dahan-dahan ang pagkilos ko habang nagmamasid sa buong dorm. Pero katahimikan lang ang narinig ko. Walang sign ng sinuman. Walang tao.

Nasan na ang GALAXY? Anong oras kaya sila nakauwi kagabi? Ano kaya ang nangyari sa engagement? Sumikip na naman ang dibdib ko nang maisip ko yun. Ang dami nang nangyayari nitong mga nakaraang araw. Gulong-gulo na ang isip ko. Pero nasan na kaya silang lahat? Nauna na ba silang pumasok sa school? Siguro nga.

Pumasok ako sa classroom pagdating ko. Wala pang professor. May kanya-kanyang pinagkakaabalahan naman ang mga estudyante.

Pumunta ako sa upuan ko. Napabuntong hininga nalang ako nang makitang bakante ang upuan ng GALAXY. Wala pa sila? Ganun din si Shan. Magkakasama ba sila?

Nakaramdam ako bigla ng kaba. Nag-aalala na ako. Wala akong balita sa kanila mula kagabi. Ni hindi nila ako sinabihan kung ano ang nangyari sa engagement. Tapos ngayon wala pa din sila. Ni hindi nila ako tinatawagan.

Kinabahan talaga ako. Hindi ko alam kung bakit. Siguro masyado lang akong naguguluhan sa mga nangyayari. Bakit ba kasi ngayon pa nawala ang mga yun? Hihingi pa naman sana ako ng advise kay Kei.

Bumukas ang pintuan ng classroom. Agad akong napatingin ganun din ang mga classmates ko.

Laking gulat ko nang makita ko kung sino ang pumasok. Si Shan. Muntik pa akong magtago sa ilalim ng mesa nang makita ko siya. Ewan ko ba pero parang ayaw kong magpakita sa kanya.

Nagsalubong ang paningin namin. Kinurot ko pa ang sarili ko para kumbinsihin ang sarili kong kumilos ng maayos at normal. Hindi naman kasi siguro tamang iwasan ko nalang siya bigla. Pero inaamin kong naiilang talaga ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang ngumiti. Gusto kong sampalin ang sarili ko para gisingin ang diwa ko dahil baka nananaginip lang ako. Pero hindi eh. Nakangiti talaga siya sa akin. Naglakad siya papunta sa direksyon ko at naupo sa katabi kong bakanteng upuan. Parang biglang tumigil ang puso ko. Hindi ko alam kung paano ako kikilos sa harap nya. Napayuko nalang ako dahil naiilang talaga ako. Pakiramdam ko tuloy may isang mataas na pader na ang nakaharang sa amin.

"Balita ko may quiz daw tayo ngayon ah. Peram naman ako nang notes mo. Hindi pala ako nakapagreview eh."

Agad akong nagbalik ng tingin sa kanya. Halos mapanganga pa ako hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa kilos niya. Parang may mali eh.

"S-Shan..." ang tanging nasambit ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin.

Pero hindi nagbago ang expression niya. Nandun pa rin ang masigla niyang mukha na lagi kong nakikita sa mga normal na araw. "Tungkol saan ba yung quiz? Wala tuloy akong alam. Baka bumagsak ako nito. Lagot ako kay Daddy." Napakamot pa sya ng ulo.

Halos malaglag naman ang panga ko. Naguguluhan talaga ako sa kanya. Bakit ganito siya kumilos? Nakalimutan na ba nya ang nangyari? "Uhh..." Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko. Lalo pa nung siya na mismo ang kumuha ng notebook na hawak ko.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon