47 - Amalayer?

9.6K 406 36
                                    

"Sige na Hiro. Tikman mo na to. I prepared this for you eh."

Napahinto ako sa tapat ng dining room nang marinig ko iyon. Boses yun ni Chinnie ah. At dahil curious na naman ako, sumilip ako. Nakaupo si Hiro habang umiinom ng kape at si Chinnie naman ay nakatayo sa tabi niya na may hawak na pasta sa plato.

"Hindi pa ako gutom kaya ikaw nalang ang kumain nyan." tugon ni Hiro habang pinagtutuunan lang ng pansin ang kape niya.

"Sige na please. Kahit na tikman mo lang." Pagpupumilit ni Chinnie. Pero tumanggi muli si Hiro. "Busog nga ako."

Pfft. Nakakatawa talaga ang reaksyon ni Chinnie. Minsan talaga gusto kong magpasalamat dahil ganyan si Hiro eh. Sana ipagpatuloy niya yan.

"BULAGA!"

"AY BUNGO!" Napaigtad ako nang bigla nalang may manggulat mula sa likuran ko. Muntik pa akong atakihin.

"Wahahaha! Nagulat ka no? Haha. Goooood morning Sammyyyyyy!" Si Rain lang pala. Todo ngiti pa siya habang binabati ako.

"Hey! Nandyan pala kayo?"

Napansin kong nakatingin na pala sa amin sina Hiro at Chinnie. Bigla akong tinaasan ng kilay ni Chinnie at ngumisi. "Kanina ka pa ba dyan, Sam?"

"A-Ah eh. Hindi naman. Napadaan lang ako." Pagdadahilan ko. Nakakainis pa yung tingin niya.

Lalong tumindi ang pagngisi niya. Parang hindi naniniwala sa sinabi ko. "Oh really?"

"At saka hinahanap ko si Shan." dagdag ko. Buti nalang nakaisip ako agad ng dahilan dahil baka isipin niya pang nag-eeavesdrop ako at minamanmanan sila.

"Oh I see. You know what? Bagay kayo ng bestfriend mo. You look great together eh." sabi pa niya. Lalo akong nainis sa kanya. Masyadong pakialamera.

"Akin na nga!" Bigla nalang kinuha ni Hiro yung pasta na hawak ni Chinnie. Tapos ay sinimulan niya itong kainin.

Mukhang nabigla si Chinnie sa ginawa ni Hiro. Maging ako nabigla din.

"So how is it? Masarap ba? Do you like it?" sunud-sunod na tanong ni Chinnie sa kanya habang sinusubo niya ang pagkain.

Tumango lang siya. Nakatingin pa siya sa akin ng masama at tila sinasabing mas may silbi si Chinnie kesa sa akin. Kinain niya ang niluto ni Chinnie samantalang inayawan niya yung ginawa kong cupcakes? Kailangan pa ba niyang ipamukha yun sa akin? Kung sa bagay hindi ko rin naman siya masisisi. Hindi ako nag-iisip eh. Hindi ko man lang muna inalam na allergic pala siya sa nuts. Pero pano kaya kung pasta din ang niluto ko para sa kanya? Tatanggapin niya din kaya? O baka naman kinain niya lang yun dahil si Chinnie mismo ang gumawa?

Bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang ang bigat sa dibdib? Bakit ganito ang nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw? Sobra akong naiinis kay Chinnie lalo na kapag lumalapit siya kay Hiro. Ewan ko ba basta naiinis ako eh. Siguro dahil napaka-unfair niya. Hindi pa naman sila gaanong magkakilala ni Chinnie pero okay naman sila. Samantalang ako na mas matagal na niyang nakasama at todo effort para lang maging okay kami ay binabalewala niya. Ganun ba talaga kalaki ang kasalanan ko? Ganun ba talaga kahirap para sa kanya na patawarin ako?

"Hiro, kumain ka pa ah. Ubusin mo yan." sabi pa ni Chinnie habang pinagsisilbihan si Hiro. Wala naman siyang reaksyon. Ni hindi siya tumanggi. Nagpatuloy lang siya sa pagkain. Kaya naman mas lalong tumindi ang pagngisi ni Chinnie at pinapamukha sa akin ang lahat.

Bigla nalang akong hinigit ni Rain palayo roon. Hindi ko namalayang nakatulala pala ako habang kaharap sila.

"Malelate na tayo. Kaya tara na." Nakangiti niya pang sabi habang papalayo kami.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon