36 - Tip No. 4 and the Instant Mama

11.4K 368 36
                                    


SHAN FERNANDEZ' POV

Padabog na umalis si Hiro sa stage. Naiwan naman kaming apat doon habang nakatingin kay Sam. Nagulat din kasi kami sa nngyari eh. At saka bakit ganyan ang itsura nya? Bakit hindi nya sinuot yung binili namin?

Si Sam naman ay nandun pa din sa ibabaw ng mesang tinutungtungan nya. Hawak nya pa rin yung itak na ngayon ay nakabaon sa mesa. Nakayuko lang sya at napakalungkot ng mukha nya. Dahil siguro sa nangyari at pati na rin sa naging reaksyon ni Hiro.

Binitawan ko ang gitara at bumaba ng stage. Mabilis lang akong nakarating sa kinaroroonan nya dahil wala nang tao rito sa loob. Lahat sila nasa labas na.

"Bumaba ka na dyan." nakangiti kong sabi at inilahad ang kamay ko sa kanya. Napatingin lang sya sakin.

"S-Shan..." sambit nya. Nakita ko ang luhang nangingilid sa mga mata nya. Kaya mas lalo akong ngumiti para ipakita sa kanya na may kakampi sya.

"Tara na."

Dahan-dahan nyang inabot ang kamay ko. Hinawakan ko ng maigi ang malambot nyang kamay nang dumapo ito sa palad ko. Parang gusto kong hawakan nalang yun habang-buhay para hindi na sya makawala.

Tinulungan ko syang bumaba mula sa mesa. Kahit na nakangiti na ako ay nakikita ko pa rin na napakalungkot nya at pinipigilan nya lang ang pag-iyak.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Kei. Nakababa na rin pala sila.

Marahan syang tumango at ngumiti ng matipid.

"Mabuti pang bumalik na muna tayo sa dorm." suggest ni Kian. Sumang-ayon naman kami.

Tinanggal ko ang kapang suot ko at saka ipinatong sa likod ni Sam para ipantakip sa katawan nya. Nag-alinlangan pa syang tanggapin.

Pinat ko ang ulo nya. "Wag ka ng tumanggi. Alam mo namang ayokong nahihirapan ka eh."

Hindi pa rin sya nagsalita. Ngiti lang ang isinagot nya. Naglakad kami palabas ng events hall. Nasa gitna si Sam habang kami naman ni Kian ay nasa magkabilang gilid nya. Nasa unahan naman namin sina Kei at Rain. Natutuwa ako kahit papano dahil katulad ko ay mabuti ang pakikitungo ng GALAXY kay Sam. Ramdam ko na gaya ko ay gusto rin nilang protektahan sya.

Paglabas namin ay nakita namin ang mga PAUnians. Natahimik ang pagkakagulo nila dun nung nakita nila kami.

Nanatiling nakayuko si Sam para itago ang mukha nya sa mga taong nakatingin sa kanya.

"Wag kang matakot. Hindi ka nila sasaktan." sabi ko sa kanya. Alam kong magagalit sa kanya ang mga PAUnians dahil iisipin nilang sinira nya ang party. Pero hangga't kasama nya kami, walang magtatangkang lumapit sa kanya para saktan sya.

Tahimik kaming nakarating sa Dorm 143. Literal na tahimik dahil wala pa ring kumikibo. Lalo na si Sam.

Pagpasok namin ay pinaupo ko sya sa sofa. Pumunta ako sa kitchen para kunan sya ng tubig. Pero maya-maya...

"WAHAHAHAHAHAHAHA!"

Napatingin kaming apat sa kanya dahil bigla nalang syang tumawa ng malakas.

"O-Okay ka lang ba?" nagtatakang tanong ni Rain.

"Oo naman! Hahaha!" masigla nyang sagot.

"Hoy Samantha! Nababaliw ka na ba?" tanong ni Kei. Oo nga. Parang kanina lang napakalungkot ng mukha nya ah.

"Hindi ako baliw. Natutuwa lang ako."

"Natutuwa? May nakakatuwa ba sa nangyari?"

"Panong hindi ako matutuwa eh nagtagumpay ako sa mission ko? Nakuha ko ang spotlight! Nakuha ko ang atensyon hindi lang ni Hiro kundi pati na rin ng lahat. O diba success?" masaya nyang sabi na akala mo tumama sa lotto.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon