22 - Bipolar Savior

16.9K 482 45
                                    

Katatapos lang ng klase ko ngayon. Papunta ako ngayon sa dorm nila Xy kasi sabay kaming pupunta sa Nova Café. Kinakabahan nga ako kasi hindi ko alam kung bakit ako pinapapunta dun eh.

Natigilan ako nang makita ko si Kei sa hallway. At hindi sya nag-iisa ah. May kasama syang TATLONG BABAE! At hindi lang basta kasama ah. NAGHAHALIKAN SILA!!! Waah! Kachupchupan nya yung isang babae. Yung isa babae naman nakapulupot sa kanya tapos hinahawakan nya sa WAAAH! sa dibdib! Yung isa naman tinatanggal yung damit nya. WAAAAHHH!!! Kadiri sila! Bakit ba nila kinakawawa ang virgin kong mga mata? Bakit sa hallway pa nila ginagawa yung ganyan? Ang maniac maniac talaga nitong si Kei. Ipabugbog ko kaya sya kay Xy? Psh. Makaalis na nga. Bakit ba kasi kelangan ko pang makita yun?

Dumiretso na ako ng lakad papunt kina Xy. Pagdating ko hinihintay na rin pala nya ako.

"A-Ah wag na tayong dumaan dyan. Dun nalang tayo sa kabila." Hinila ko sya papunta dun sa kabilang daan.

"Huh? Bakit? Eh mas malapit dito eh."

"Ah basta. Mas malinis kasi dun eh." Wala na rin naman syang nagawa kaya dun na kami dumaan sa kabila. Ayoko na kasing makita pa yung kamanyakan ni Kei eh.

"Ayos yung performance mo kagabi ah." sabi nya habang naglalakad papunta na Nova Café.

"Hindi naman ako yung nakapag-entertain sa mga customers eh. Kung hindi lang dumating yung GALAXY baka nasa ospital na ako ngayon." sagot ko. Totoo naman eh. Kung hindi lang talaga dahil sa kanila.

Nag-usap lang kami ng kung anu-ano habang naglalakad. Medyo madilim na rin dahil gabi na. Nakasanayan na kasi namin ni Xy ang maglakad eh.

"Pag sinuswerte ka nga naman."

Nahinto kami sa paglalakad at napatingin sa nagsalita. Limang nakakakilabot na lalaki ang bumungad sa harapan namin. Nakatayo sila habang humihithit ng sigarilyo. Hindi ako pwedeng magkamali. Natatandaan ko ang mga mukhang to. Sila yung humabol kay Xy nung music fest. Ang pinagkaiba nga lang ngayon ay lima lang sila. Nakakakilabot talaga ang mga itsura nila. Mukha silang mga drug pusher. Mukha silang bahagi ng isang sindikato.

"Hindi ba kayo napapagod mga ungas?" nakangising sabi ni Xy. Napakapit ako sa braso nya. Bakit ba ang lakas ng loob nyang sagutin ang mga to? Hindi ba sya natatakot?

"Sumama ka sa amin ng matiwasay at walang masasaktan." sabi nung pinuno nila.

Tumawa lang si Xy. Tawang nakakainisulto. "Wahaha. Ano bang klaseng utak meron kayo ha? Mga utak dilis! Sa tingin nyo ba tanga ako para sumunod sa inyo. Hahaha. Nakakatawa kayo."

Tinapon nung pinuno ang sigarilyo at saka ito inapakan. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Ang hilig mo pa rin makipaglaro. Tsk tsk."

"Wala akong panahon sa utak dilis na tulad nyo. Kaya kung maaari lang ay padaanin nyo kami. Nakaharang kayo sa daan oh." tinuro pa sila ni Xy gamit ang nguso nya.

Napatingin ang pinuno sa mga kasama nya. At base na nakikita ko, may ibig sabihin ang tinging yun. Hinawakan ni Xy ang braso ko. Tulad ko ay nakakaramdam na din siguro sya. Hindi nga kami nagkamali dahil sa isang iglap lang ay nagsimula na silang habulin kami.

Tumakbo kami para takasan ang mga humahabol. Ang higpit ng pagkakahawak sakin ni Xy. Napakabilis nyang tumakbo kaya natatangay nya ako. Sa sobrang takot ko naman ay parang may sarili na ding utak ang mga paa ko.

"Gusto nyo talaga maglaro ah."

Nilingon ko ang mga humahabol sa amin habang tumatakbo. Nakakatakot! Mas matindi pa to nung naghabulan kami ni Hiro.

"Sino ba kasi sila? Ano bang kelangan nila? Bakit ka nila hinahabol?" sunod-sunod kong tanong kay Xy sa kabila ng paghingal.

"Tumakbo ka lang. Wag kang hihinto. Hindi dapat nila tayo maabutan." sagot nya.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon