12 - Her Name was Sam

17.2K 542 31
                                    

Kinabukasan, magang-maga ang mata ko. Bukod kasi sa kakaiyak ko ay hindi rin ako nakatulog ng maayos dahil sa pagkawala ng pera ko pati na rin sa kakaisip kay Hiro. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi sya mawala sa isip ko. Pero napagtanto ko rin na kaya ganun ay dahil sa naiinis ako sa kanya. Napakasama nya para gawin sa kin yun. Kahit na mahirap lang ako, hindi naman siguro tama yung ginawa nyang paghagis ng pera sa akin.

Wala na sa dorm ang GALAXY. Nauna na silang pumasok sa klase. Mabuti na rin yun dahil ayokong makita nila ang itsura ko ngayon. Pagtingin ko kasi kanina sa salamin ay kitang-kita ang pamamaga ng mata ko at ang pangingitim ng ilalim nito.

Pumasok na ako sa klase. Kinailangan ko pa tuloy magsuot ng eyeglasses para lang hindi nila mahalata ang masamang kalagayan ng mga mata ko. Mas pinili kong gamitin ang square eyeglasses na tulad ng kay Kian. Baka kasi mapagalitan lang ako kapag nagsuot ako ng shades sa loob ng classroom.

Napabuntong-hininga ako pagpasok ko kasi non-sense din pala ang pagpasok ko ng huli sa klase dahil kaklase ko nga pala sila sa first subject. Hindi naman ako late kasi wala pang prof pagpasok ko. Ang ingay nga ng buong klase eh.

Mauupo sana ako sa bakanteng upuan para malayo sa GALAXY kaya lang pagkapasok ko ay nakatingin sa akin si Shan. Alam kong magtataka siya kapag sa ibang upuan ako pumwesto kaya mas pinili kong maupo nalang ulet sa tabi nya gaya ng dati.

"Ui Sam, bakit ngayon ka lang?" tanong nya habang titig na titig sa akin. Nagtataka siguro sa itsura ko dahil ngayon lang ako nagsuot ng salamin sa mata.

"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan Shan." Yumuko ako at tinakpan ng buhok ko ang mukha ko. Nacoconscious kasi ako sa tingin nya eh.

"Bagay naman ah." sabi pa nya. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagngiti nya.

Napasubsob ako sa upuan dahil sa kahihiyan. "Tigilan mo nga ako Fernandez."

"Oi Sam!"

Nag-angat ako ng mukha nang tawagin ako ni Kei na nakaupo sa harapan namin, katabi si Hiro.

"Whoa. Idol mo na pala ngayon si Kian?" sabi nya na nginuso pa si Kian na nasa likuran namin ni Shan. Ganun ba ka-big deal sa kanila na magsuot ako nito? Kung hindi ko lang talaga kelangang itago ang pamamaga ng mata ko, kanina ko pa dinurog tong eyeglasses na to eh.

"Hoy! Ba't narinig ko ang pangalan ko dyan?" Narinig pala ni Kian.

"Psh. Akala mo naman ang ganda ng pangalan nya." bumulong-bulong si Kei tapos ay umayos na ng upo.

"Teka Sam..."

Nabigla ako nang hinawakan ni Shan ang magkabila kong balikat saka ako marahang pinaharap sa kanya. Tumingin sya ng diretso sa mga mata ko na parang pinag-aaralan ang mukha ko.

"B-Bakit?" tanong ko dahil sa pagkabigla.

"Bakit parang namamaga ata ang mga mata mo? Umiyak ka ba?" kunot-noong tanong nya at tinangkang tanggalin ang eyeglasses ko.

Umiwas naman ako ng tingin at tinampal ang kamay nya para hindi nya matanggal ang eyeglasses ko.

Tumingin ako sa direksyon ni Hiro. Tanging likod at konting bahagi lang ng mukha nya ang nakikita ko. May nakasalpak ring headset sa tenga nya.

"Ah wala to." nakayuko kong sabi. "Namiss ko lang si nanay kaya umiyak ako kagabi."

Hindi na rin naman sya umimik. Hindi ko rin nakita ang reaksyon ng mukha nya dahil hindi na ako tumingin sa kanya. Oras kasi na tumingin ako sa mga mata nya ay malalaman nyang nagsisinungaling ako.

Alam kong mali ang magsinungaling ako lalo na kay Shan na bestfriend ko. Pero yun ang dapat kong gawin. Hindi nya alam ang nangyari kagabi at wala akong balak na ipaalam sa kanya. Kilala ko si Shan. Mag-aalala at magagalit sya kapag nalaman nya. Overprotective sya. Siguro dahil bestfriend ko sya. Kapag nalaman nya ang nangyari, baka magkagulo lang. Kapag nalaman nya ang ginawa ni Hiro, baka mag-away lang sila. Ayoko namang mangyari yun. Ayokong magkagulo dahil sakin. Ayokong magkaroon ng tensyon sa grupo nila.

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon