05 - Enemy and Best friend

19.5K 605 33
                                    

Anak ng siomai!

Hinablot ko sa bulletin board ang isang papel na nakapaskil doon. Nakasulat pa doon sa taas ang 'WHAT'S NEW?'

Ako to diba? Shemay! Bakit ba kelangan pa nilang ipaskil dito yung picture ko na mayroong gaplatong pulang mantsa sa palda ko?!

"Ah, sya pala yun."

"I told yah. Sya yun."

"Nakakahiya naman."

WAAAHHHH!!! Anong gagawin ko? Lahat ata ng dumaraan dito nakikita ang picture na to eh! Nakakahiya!

"KYAAAAAAAAHHHHHH!"

"OH MY! NANDYAN NA SILA!"

"KYAAAAAHHHHH!!!"

Napatakip ako ng tenga dahil sa matinding tilian ng mga babae. Bigla nalang sila nagkumpulan sa hallway.

"KYAAAAAHHHHH!!!!" nagtatatalon pa sila habang nagkakagulo na para bang kinikilig na parang naiihi na parang nakatungga ng suka.

"KYAAAAAAHHHHH!!!"

Halos wala ng madaan sa hallway dahil sa sobrang dami ng tao. Ano bang pinagkakaguluhan nila? May artista ba? May free taste ng pagkain? May libreng relief goods? May feeding program?

Sinubukan kong sumilip. Ano ba yan! Ang daming tao. Wala man lang akong makita. Wag na nga lang.

Lumayo ako sa kumpulan ng maraming tao. Baka mamaya may maghagis ng bomba, madamay pa ako.

"KYAAAAAAHHHH!!! ANG GALAXY!!!"

Napahinto ako. Ano daw? Ang GALAXY? Teka, sila yung...

Biglang luminis ang gitna ng hallway. Parang yung sa bible na nahati ang dagat dahil kay Moises.

At unti-unting tumambad ang limang anghel na may glowing lights sa paligid na sabay-sabay maglakad sa gitna ng hallway. Nakakapanlambot ng tuhod. Nakakatulala. Nakakalaglag ng panga.

PAK! Sinampal ko ang sarili ko. Ano bang iniisip mo Sam? Nakalimutan mo na bang kampon ng kadiliman ang mga yan? Tama! Hindi bagay sa kanila ang salitang anghel! Asus! Ang yayabang! Kaya pala ganun kung umasta eh sikat pala at pinagkakaguluhan. Kung ganun, sikat din pala rito si Shan? Bakit hindi nya nabanggit na pinagkakaguluhan pala sila? Ang alam ko lang kasi ay may banda sila. Hindi ko naman alam na sikat pala sila. Kung sa bagay, hindi tipo ni Shan ang mayabang kaya hindi na siguro ako dapat na magtaka pa.

"KYAAAAAAHHHH!!! WE LOVE YOU!!!" patuloy pa rin sa pagtili ang mga PAUnians. May hawak pa silang malaking karatula na may nakasulat na:

'GALAXY',

'WE LOVE YOU!',

'MILKY WAY LOVES YOU'

"YOU'RE THE BEST GALAXY!'

'LOVE YOU HIRO!'

'SHAN FOREVER!'

'KEI, YOU'RE SO HOT!'

'CUTIE RAIN!'

'COOL KIAN!'

Totoo lang? School ba to o ano? Tinalo pa nila ang artista ah!

Biglang hinila ni Kei yung dalawang magandang babae. Inakbayan nya ito pareho tapos ay hinalikan sa pisngi. Tuwang-tuwa naman yung dalawang babae kaya parang sawa kung pumulupot sa manyak na to. Nakakadiri. Ang sagwa tingnan. Lalo pa nung... Ay adik lang! Hindi pa sya nakuntento sa pag-akbay at paghalik sa pisngi. Hinalikan pa niya ang dalawa sa labi. Mga walang hiya. Hindi ba pwedeng sa tagong lugar nila gawin yun? At saka hindi ba't mga mag-asawa lang ang dapat na gumagawa nun? Tapos masyado pa silang bata. Tapos sa harap pa ng napakaraming tao?

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon