35 - Halloween Party

11.3K 375 70
                                    

"Uy Hiro! Sandali lang!" tawag ko sa kanya habang hinahabol sya. Pero ayaw nyang paawat sa mabilis na paglalakad. Ang haba pa ng binti nya kaya isang hakbang nya ay dalawa ang katumbas sa akin.

"Hiro! Ayaw mo na bang magbusiness? Hindi ka pa nag-uumpisa sumusuko ka na agad? Anong klaseng negosyante ka?!"

Nasa labas na kami ngayon ng Ladies' section. Maraming tao pero hindi ako nagdalawang-isip na sumigaw. Pero hindi pa rin ako nagtagumpay. Patuloy pa rin sya sa paglalakad. Ano bang problema nya? Matapos ko kasing sabihin na gusto ko ring maging business partner nya dun sa NAPKIN business nya ay bigla nya nalang binitiwan yung basket na punung-puno ng napkin. Ayaw nya ba akong maging business partner? O baka naman nagalit sya kasi---Tama! Baka yun nga!

"HIRO! GALIT KA BA KASI AYAW MO NUNG BRAND NA NIRECOMMEND KO? GUSTO MO BA MAGSUGGEST NALANG AKO NG IBANG BRAND NG NAP---mmph!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mabilis pa sa alas-kwatro syang nakalapit at tinakpan ang bibig ko.

"Ba't ba ang ingay mo?" halos kaladkarin na nya ako palayo. Hindi naman ako makapalag kasi nakabalot yung braso nya sa katawan ko at nakatakip naman sa bibig ko yung isa.

"Mmmmph!"

"Aalis na ako kaya bumalik ka na dun. Wag mo kong susuwayin dahil kung hindi sasakalin talaga kita!" Tapos ay binitawan na nya ako.

"Oo na! Oo na! Napakadamot mo! Eh gusto ko lang namang kumita eh!"

"Will you stop?!"

Sinamaan ko sya ng tingin. "Stop stop ka pa dyan. Sige na nga babalik na ako dun. Baka hinahanap na ako nung apat."

Balak ko sana magwalk out gaya ng ginagawa ng mga babaeng bida sa mga palabas. Pero napanganga nalang ako sa kinatatayuan ko dahil naunahan nya pa ako! Hallelujah! Nakakainis.

Bumalik nalang ako dun sa ladies' section. Pagdating ko sinalubong ako ng tanong nina Shan.

"Saan ka ba galing, Sam? Kanina ka pa namin hinahanap ah." nag-aalala nyang tanong.

Sasabihin ko ba na nakita ko si Hiro? Wag nalang siguro. Hindi rin naman magandang balita yun dahil nakakainis sya.

"Umm, may pinuntahan lang ako. Tapos na ba kayo sa pamimili?" tanong ko.

"Oo. Tara na. May practice pa tayo ngayon diba?" sa wakas nagsalita rin si Kian! Hallelujah! Tumutunog ang mga kampana!

"Oo nga. Baka mainip na yun si Hiro kakahintay satin. At saka masyado ng nasisiyahan ang mga babae na masilayan ang kagwapuhan ko eh. Ayoko pa naman na masyadong naeexpose. Tss."

Napailing nalang kami dahil sa kayabangan nitong si Kei. Grabe ang taas ng tingin sa sarili.

"Gusto ko muna sanang puntahan si nanay."

"Ihahatid na kita." alok ni Shan.

"Naku wag na. May practice pa kayo diba?" Magpeperform kasi ang GALAXY eh.

Hindi na rin nagpumilit si Shan. Pero hindi nya pa rin ako pinabayaan dahil pinahatid pa nya ako sa taxi. Yun na rin daw ang maghahatid sakin pabalik sa PAU.

Naghiwa-hiwalay na kami. Magkakasama silang apat at ako naman ay papunta sa bahay nila Patty.

Ilang saglit pa ay nakarating na ako. Agad akong sinalubong ni Kite.

"SAAAAAAAAAAAAM!"

Hindi po sya baliw. Sadyang namiss nya lang ako. :)

*****

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon