38 - Ang Saranggola

12.9K 380 41
                                    


"Okay na ba yung mga materials?" tanong ni Rain.

"Yup! I'll make sure na ako ang mananalo ngayon!" determinadong sabi ni Shan.

"Asa ka pa! I'll do my best to win!" si Kei.

"Nakalimutan nyo na atang nandito ako?" biglang singit ni Hiro sa usapan.

"Hah! Not this time, Hiro." sagot ni Kei.

"Geh. Magpayabangan kayo dyan." sabi naman ni Kian na mukhang confident. Hmm. Parang nagbabago na itong si Kian. Hindi na sya gaya ng dati na tahimik lang.

Okay. Bago ko ipaliwanag kung anong nangyayari ngayon, sasabihin ko muna ang nangyari kagabi.

Matapos kaming iligtas ni Hiro mula dun sa kambing, dumating naman ang ibang boys kasama si Manong Ron. Tapos tinulungan nila kami para makalayo dun sa kambing. Kaya buti nalang safe na kami pati si Miggie. Hallelujah. Speaking of Miggie, dumating na pala si Manang Gie kaya ngayon ay sya na ang nagbabantay kay Miggie.




Nandito kami ngayon sa isang malawak na field kung saan malakas ang hangin. Malapit lang to sa resort nila Rain. Actually sakop pa to ng lupain nila.

Nandito kami para magpalipad ng saranggola. Maganda kasi ang panahon. Isa pa, isa ito sa mga laging ginagawa ng GALAXY kapag pumupunta sila dito sa resort o kaya ay nagbabakasyon sila sa ganitong lugar. Isa daw kasi itong challenging game para sa kanila. At saka may kasunduan pala sila na kung sino man ang matalo ay igagrant ang wish ng nanalo! Nung nakaraang bakasyon nga daw ay nanalo si Hiro. Tapos talo si Kei. Ang wish daw ni Hiro ay isang personalized guitar na sobrang mahal! Ayoko ng sabihin ang presyo dahil baka malula pa kayo.

"Pumili na tayo ng partners!" instruct ni Rain. So partnership pala ito.

"AKIN SI SAM!!!"

Napatakip ako ng tenga dahil dun. Eh pano ba naman kasi eh sabay-sabay nilang sinabi yun maliban kay Hiro at Kian.

"Ako ang partner ni Sam!" sabi ni Shan at saka ako tinago sa likuran nya.

"Hindi! Nauna ako!" kinuha ni Rain ang kamay ko at saka hinila papunta sa kanya.

"Ako ang nauna! Ako ang partner nya!" Hinila naman ako ni Kei kaya hindi ko alam kung saan ako lulugar.

"Manahimik nga kayo! Bakit nyo ba pinag-aagawan yan!" Natahimik ang lahat dahil kay Hiro. "Eh wala namang magagawa yang PG na yan eh!"

Ang bungong to! Masyado akong minamaliit!

"Bestfriend nya ako!" sabi ni Shan.

"Probinsyana sya kaya marunong sya nito!" sagot naman ni Rain.

"Tama! Mananalo kami pag sya ang partner ko!" sabi naman ni Kei.

Naririndi na ako kaya pumagitna na ako. "Wag kayong magtalo, okay. Maiba-taya nalang!"

"Ano yun?" tanong nila na parang ibang language ang sinabi ko. Kaya naman pinaliwanag ko nalang sa kanila. Nagets naman nila yun.

Wala na ring nagawa si Hiro dun. Kaya lahat kami ay nagparticipate.

At ang resulta...


Partners sina...


Kei at Rain.

Shan at Kian.

At si Hiro at ako!


Hallellujah!


One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon