70 - Finale

13K 377 105
                                    

May FB account na po ang OSAFH characters! Yey! Just search for their names then yun na. O kaya naman punta kayo sa wall ko. Naka-tag sila. May group na din. One She and Five He Official ang name. :) Salamat po sa support. Mahal ko kayo. Mwah!

*****

"Kaya magvolunteer na kayo kung kaninong mga kamay ang gagamitin sa pagpaslang sa kanya. Sayo ba Rain? Kei? Shan? Sandra? Sam? O Hiro?"

Napalunok ako ng mariin dahil sa mga salitang binitiwan ni Xy. Gustong sumabog ng ulo ko habang iniisip ang kagustuhan niya. Hindi nangyayari to. Panaginip lang to. Gusto ko nang magising sa bangungot na kinasasadlakan ko ngayon. Ayoko na.

"K-Kian..." Tiningnan ko si Kian gamit ang nakikiusap kong mga mata. Gusto kong magmakaawa sa kanya na itigil na ito.

Ilang saglit din siyang nakipagtitigan sa akin. Hindi ko mabasa ang nararamdaman niya. Wala ring pinapakitang ekspresyon ang mga mata niya. Sadyang ganun lang ba talaga siya o tinatago niya lang ang totoong nararamdaman niya?

Umangat ang kamay niya. Sinundan iyon ng paningin ko hanggang sa huminto ito sa kamay ni Xyra na may hawak na baril habang nakatutok sa daddy ni Hiro. Kinuha niya ito mula sa kanya.

Napakunot-noo si Xy habang nakatingin kay Kian nang kunin nito ang baril mula sa kanya. Unti-unti akong nabuhayan ng loob nang mawala sa mga kamay ni Xy ang baril na iyon. Natauhan na ba si Kian? Naging malinaw na ba sa kanya ang lahat matapos ipaliwanag ni nanay at si Sir Marco ang mga nangyari sa nakaraan?

Ang pag-asang iyon ay biglang gumuho nang dahan-dahang iangat ni Kian ang hawak na baril at tinutok muli sa daddy ni Hiro. Napasinghap kami habang nakatingin sa kanya na ngayon ay napakatalim ng tingin at mukhang determinado sa pagtutok niya ng baril kay Sir Marco.

"Kailangang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni tatay at ni lolo." malamig niyang sabi rito. "Kailangan mong mamatay."

Hindi ko alam kung anong gagawin ko matapos kong marinig ang mga salitang iyon. Lalo pa nang makita ko si Hiro na punong-puno ng sakit ang mga mata. Oo, may parte sa akin na galit dahil ang mga kamay ng daddy niya ang tumapos sa buhay ni tatay. Pero matapos kong marinig ang paliwanag nila, naintindihan ko na. Masakit para sa akin na mga magulang namin ang dahilan kung bakit nasasaktan kami ng sobra ngayon. Pero kahit ganun, hindi ko pa rin naman gugustuhing may buhay na magwakas na naman. Tama na yung nangyari noon. Hindi ko na gugustuhing maulit pa yung muli.

"Kian! Ano bang nangyayari sayo? Hindi pa rin ba malinaw sayo ang lahat?" Halos sumigaw na si Shan para magising si Kian. Pero parang mas lalo lang siyang nagalit. Hindi siya sumagot pero makikita mo sa kanya na parang kinikimkim lang niya sa sarili niya ang galit at iniipon.

"Makinig ka naman sa amin oh." Punong-puno ng pagmamakaawa ang boses ni Rain, pati na ang mukha niya na madalas ko lang makita kapag humihingi siya ng pabor. "Nakalimutan mo na ba yung dati? Yung nasa dorm lang tayo? O kaya minsan ay sa practice room? Kahit na iba-iba ang ugali natin, diba nagawa naman nating manatili bilang grupo? Masaya naman tayo diba? Hindi mo ba namimiss yun? Ako kasi miss na miss ko na eh. Sana bumalik na tayo sa dati."

Kung sa ibang pagkakataon lang baka nasabunutan ko na si Rain dahil sa pagiging childish niya. Pero sa ngayon na nakikita kong umaagos ang luha niya habang sinasabi ang mga salitang yun, gusto ko siyang lapitan at haplusin ang likod niya at sabihing "Okay lang yan". Naaawa ako sa kanya dahil alam kong mas nasasaktan din siya sa mga nangyari. Kasalanan ko ang lahat ng to. Kung hindi dahil sa akin hindi sana malungkot at lumuluhang Rain ang nakikita ko, kundi isang masiyahing tao na magpapagaan ng loob mo sa mga panahong ganito. Pero paano na ngayong ang taong madalas magpangiti sa akin—sa amin—ay nasasaktan at umiiyak?

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon