Fun Facts

8.2K 251 24
                                    

Omaaaaay! Namiss ko kayong lahat. Promise. Hugs and kisses guys! Mwah!

Anyway, hindi ito special chapter. Bigla ko nalang naisip na gumawa nito kaya tadah! Mga fun facts 'to na kadalasan ay hindi ko pa nasasabi kahit kanino o kaya ay hindi alam ng lahat. Kaya ngayon, gusto ko siyang i-share sa inyo. :)

OSAFH FUN FACTS:

1. Ang original title ng One She and Five He ay PAU which stands for Polaris Arts University.

2. Ang plot ng OSAFH ay hindi dapat tungkol sa isang babaeng nakatira sa isang dorm kasama ang limang lalaki. Since PAU ang title nito dapat, ang focus sana ng story ay about sa arts and competitions.

3. GALAXY ang naging pangalan ng grupo nila dahil nga sa ang theme nito ay about sa stars or pagiging star ng mga students sa PAU.

4. Ang pangalan ni Hiro ay hindi dapat Hiro kundi Myungjae. Haha. Combination of Myungsoo and Sungjae. Suggestion yan ng bestfriend ko since bias niya si Myungsoo at akin naman si Sungjae. It's a kpop thing. Pero dahil naalala ko yung anime na may pangalang Hiro, naging Hiro si Hiro. Hahaha.

5. Hindi ko pinag-isipan ng mabuti ang names ng characters ko, maliban kay Mr. Chong Go. Pansin niyo ang common.

6. Ang name ni Shan ay on-the-spot lang din. Naalala ko kasi si Shone yata ng Crazy Little thing called love. Then ginawa kong Shan. Hahahah

7. Sabay-sabay ko lang naisip ang pangalan nina Kei, Rain, at Kian. Nasa jeep ako nun then boom!

8. Sina Joyce, Cess, at Rose ay mga classmates ko. Pati na rin yung mga naekstrang sina Marian, Joan, Jen (Chap 10). Sila kasi yung mga una kong readers nung sa notebook ko palang to sinusulat.

9. Ang OSAFH ay inspired by He's Beautiful (sa pagiging eng eng ni Sam) and Playful kiss (sa parts na si Sam ang naghahabol kay Hiro).

10. Si Kian ay hindi dapat kapatid ni Sam. Isa sana siya sa mga karibal nina Hiro at Shan. Pero dahil may magandang plot akong naisip, ayun.

11. Si Sam ay weak in her own way. Probinsyana ang role niya. Hindi gangster, maldita, o halimaw. Kaya wag mainis kung ang dami niyang kapalpakan sa buhay. Okay?

11. Ang revelation ay dapat na ganito: Mafia boss ang tatay ni Sam at nawawalang mafia princess dapat si Sam. Wherein yun dapat ang book two. Action dapat yun. Pero nakornihan ako dahil masyado nang out of place sa OSAFH. Kaya sinunod ko nalang ang original plot.

12. Bakla dapat si Rain. Hahaha

13. Mahigit one year ko yatang sinulat ang OSAFH. Pinost ko ang prologue noong Feb 25, 2014 at natapos lang ngayong April 2015. Naghiatus kasi ako nung mga panahong busy ako sa student council.

14. Ang OSAFH ay divided sana into two. Ang book 1 ay dapat na matatapos dun sa part na naging sila Hiro at Sam na. And the rest ay dapat sa book two na. Kaso ayoko nung feeling na incomplete kaya ginawa kong stand alone yung book.

15. Naging [Restricted] tong OSAFH. Rated SPG kumbaga. Mga one week siguro. Hindi ko alam kung bakit. Hahaha.

16. Highest rank nito so far is #22 in Humor. Kaso nga naging restricted kaya ayun pinatapon ni Wattpad sa neverland.

17. Gagawa ako ng Book Two. Five is to One ang title. May plot na. Ang kaso tinatamad na ako dahil pupunta ako sa bundok. Eh mahina signal dun. Kaya ewan.

So, yan na.

Nga pala, may new story ako. Kung trip niyo ang mga kauri ni Sam, baka magustuhan niyo rin yun. The Last Virgin In Town ang title. Posted na. Tungkol yun sa isang soon-to-be-madreng babae na napadpad sa isang lugar kung saan wala nang virgin. At dahil siya nalang ang natitirang birhen sa lugar, 12 guys ang magpapaligsahan para makuha ito mula sa kanya. Hahaha. Mas mahaba ang hair nito guys. Kung si Sam lima lang, sa kanya 12! Check it out!

Thank you guys! Lavyah always! Mwah!

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon