66 - A Night to Remember

14.2K 396 111
                                    

"AAAAAAAAAAAAHHHH!" Hindi ko alam kung anong gagawin ko matapos makita ang limang letrang gawa sa natuyong dugo sa sahig ng gym. Sobrang takot ang naramdaman ko.

"What happened?" Narinig ko ang boses ni Hiro sa likuran ko. Nilingon ko siya. Kakabangon pa lamang niya at mukhang nagising dahil sa sigaw ko. Nanginginig ang kamay kong tinuro sa kanya ang dahilan ng pagsigaw ko. Sinundan niya yun ng tingin at maging siya ay nanlaki ang mata nang makita yun. "What the hell!"

Naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa kamay ko. Sa bawat segundong pinagmamasdan niya ang nakakakilabot na markang iyon ay lalo namang humihigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Hindi ako makapagsalita. Anong ibig sabihin nito? Wala naman to kagabi ah. Sinadya ba to o sadyang nagkataon lang na nandito kami ni Hiro nang gawin to? Pero sino naman ang gagawa nito?

*****

"Uminom ka muna." Inabot sa akin ni Shan ang isang basong tubig. Nilagok ko naman iyon. Nang maubos ang laman ng baso ay sunod-sunod na paghinga ng malalim ang ginawa ko. "Okay ka na ba?"

Tumango-tango ako. Hinaplos naman ni Hiro ang likod ko. Katabi ko siya sa sofa sa kanang bahagi habang si Shan ay nasa kaliwa. Katapat naman namin yung tatlong monghe. Si Kei ay palakad-lakad na parang may iniisip. Si Rain naman ay nakaupo lang habang yakap-yakap ang unan. At si Kian naman ay nasa kabilang upuan habang kaharap ang laptop niya.

"Ano ba kasing ginagawa niyong dalawa doon sa gym?" magkasalubong ang kilay na tanong ni Shan. Alam kong hindi na naman siya titigil sa mga tanong niya lalo na sa mga sitwasyong ganito.

"Kumalma ka nga. Don't pressure her." sabat ni Hiro.

"Pano ako kakalma kung ganito ang nangyayari? Bigla tuloy akong nagsisi na pinaubaya ko si Sam sayo!" Tumataas na ang boses ni Shan. Galit ba siya?

"Heck! Ginusto ko ba ang nangyari?"

At dahil nasa gitna ako at ako ang naiipit sa sagutan nilang dalawa, sinensyasan ko sila na huminto na. "Tumigil na kayong dalawa, okay? Ang importante wala namang masamang nangyari."

"Hmm." Nabaling ang atensyon namin kay Kei na hinihimas-himas ang baba niya. "Pero nakapagtataka pa rin ang nangyari. Sino naman ang gagawa nun?"

"Oo nga." segunda ni Rain. "Dugo pa talaga ang ginamit. Pano nakapasok sa PAU ang ganun?"

Yan din ang iniisip ko kanina.

"At saka bakit ngayon lang ata nangyari ang ganoong insidente? Sinadya ba yun? O nagkataon lang talaga?" dagdag ni Kei.

"Mahalaga pa ba yun?" Natuon naman ngayon ang tingin naming lahat kay Kian na nakatingin lang din sa screen ng laptop niya. "Kahit na nagkataon man yun o sinadya, ang importante ay malaman natin kung sino at ano ang dahilan kung bakit niya yun ginawa."

"He's right." pagsang-ayon ni Hiro. "Kahit na hindi naman talaga yun para sa amin, kinakailangan pa rin nating malaman kung sino at ano ang pakay niya."

"Wala ba kayong idea kung sino ang gumawa nun at bakit?" tanong ni Rain. Alam kong curious na curious na din siya.

"Mahirap magpinpoint kung sino lalo pa't wala tayong ebidensya. Pero may lead na ako kung sino ang pwedeng gumawa nito." sagot ni Kian at tiniklop ang laptop saka tumingin sa aming lahat. "Haters. At maaaring malaki ang galit nun sa relasyon ninyong dalawa."

Nakaramdam ako ng matinding takot sa sinabi ni Kian. May point siya. Sa dami ng naghahabol kay Hiro, hindi na rin siguro nakapagtatakang isa sa kanila ang gumawa nun. Pero sapat bang dahilan iyon para pagbantaan kami? O baka nananakot lang siya?

"Sa ngayon, kelangan nating maging alerto." dagdag niya. "Magpapatawag na ako ng mag-iimbestiga. Dapat muna nating malaman kung sino siya."

*****

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon