49 - Tip No. 5

9.7K 358 41
                                    

Napaupo ako sa gilid ng kama habang hawak-hawak ang invitation. Nakatitig lang ako doon at ramdam ko ang panginginig ng kamay ko habang hawak-hawak ko iyon. Ni hindi na ako kumukurap. Umaasa ako na nagkamali lang ako ng pagbasa sa nakasulat doon.

Engagement...

Hiro & Chinnie...

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nanatiling nakatitig dun. Ang bigat ng pakiramdam ko. Ang bigat ng mga paa ko. Ang bigat ng dibdib ko. Sa tuwing makikita ko ang pangalan nina Hiro at Chinnie sa papel na iyon parang sumisikip ang dibdib ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Masakit.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto para puntahan ang GALAXY. Gusto ko lang linawin ang lahat. Gusto kong bigyang kasagutan ang mga gumugulo sa isip ko ngayon.

Nakita ko sila sa sala at mukhang nanonood muli ng movie. Pansamantala akong nanatiling nakatayo habang tinitingnan sila. Hanggang sa maya-maya ay napansin na ako ni Shan. Tumayo siya at lumapit sa akin.

"Tapos ka na ba maglinis? Tara magmerienda tayo." sabi niya. Hindi ako nakasagot. Ni hindi ko magantihan ang ngiti niya. Napakalaking bagay ang bumabagabag sa akin ngayon.

Nang marinig iyon nina Kei, Rain, at Kian, nawala ang atensyon nila sa pinapanood. Lumapit na din sa amin si Rain. "Kakain kayo? Sama ako."

Sina Kei at Kian naman ay nanatiling nakaupo pero nakatingin sa amin. "Sasama din ako syempre." sabi ni Kei.

Mariin akong napahawak sa invitation na nakatago sa likuran ko. Gustong-gusto ko na magtanong. Pero handa ba akong marinig ang sagot nila?

Nginitian ko sila. Isa iyong ngiti na puno ng kalungkutan. Saka ko itinaas ang invitation para ipakita sa kanila.

"Tingnan nyo oh! Napulot ko to habang naglilinis ako. Basura na kaya to? Ano sa tingin nyo?" tanong ko. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ko iyon. Lalo ko ring naramdaman ang pagsikip ng dibdib ko.

Natahimik sila. Kitang-kita ko ang kakaibang ekspresyon sa mga mukha nila habang nakatingin sa hawak ko. Pero maliban kay Shan na parang inosente sa bagay na iyon.

"Ano yan, Sam?" tanong niya at kinuha sa akin iyon saka tiningnan. Biglang kumunot ang noo niya nang mabasa ang nakasulat sa cover nito. "Engagement? Nina Hiro at Chinnie?"

Sa halip na sumagot, biglang nag-iwas ng tingin ang tatlo. Gulong-gulo naman ang itsura ni Shan. Siguro kagaya ko ay hindi niya rin alam ang nangyayari. Dahil kung sakaling alam niya, hindi magiging ganyan ang reaksyon niya.

Ngumiti muli ako. "Wala naman sigurong ibig sabihin to diba? Baka naman napagtripan lang tong gawin ni Chinnie. Pero infairness ang galing niya din magdesign ah. Ang ganda eh. Mamaya pupurihin ko pa siya pag nagkita kami."

"Sam..." mahinang sambit ni Kei pero sapat na para marinig namin. Hindi ko gusto ang tono ng pagsasalita niya. Nararamdaman kong sa likod ng mahinahon niyang pagsambit sa pangalan ko ay isang matinding sakit ang nakatago.

Hindi na ngiti ang pinakawalan ko ngayon, tumawa na ako. Natatakot ako dahil sa mga expression ng mukha nila. "Hahaha. Pero kung akala ni Chinnie magaling na siya sa ganito, nagkakamali siya. Mas gaganda pa to kung mas nahighlight ang parteng ito oh. Tapos dark naman dito. Tapos yung font ng Hiro & Chinnie dapat mas nilakihan pa niya para---"

"Hindi mo pala alam." Biglang pinutol ni Kei ang sasabihin ko. Mas lalong dumilim ang mukha niya. Mas lalo ring nabalot ng lungkot ang boses niya. Naguguluhan na talaga ako sa nararamdaman ko. Nakakaramdam ako ng halo-halong emosyon. Kaya kahit na hindi ako sigurado kung dapat ba akong magtanong, nagtanong pa din ako. "A-Anong hindi ko alam?"

One She and Five He (OSAFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon